embed embed2
Long-Distance Parenting: Paano Maging Magulang Kung Malayo Ka Sa Mga Anak Mo
PHOTO BY iStock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories

    Malungkot mang isipin, hindi na bago sa pamilyang Pilipino na isa sa mga magulang ay malayo at nagtatrabaho sa ibang bansa. 

    Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, mahigit dalawang milyong Pilipino na ang nagtatrabaho sa ibang bansa o iyong tinatawag na Overseas Filipino Worker o OFW.  Paano ka nga ba magiging isang epektibong magulang kung malayo ka sa anak mo?

    What other parents are reading

    Mga paraan para maging epektibo ang long-distance parenting

    Panatilihin ang healthy at open communication

    Huwag mong hayaan na maging hadlang sa pakikipag-usap mo sa mga anak mo ang dami ng iyong trabaho at layo ninyo sa isa't-isa. Makipag-ugnayan ka sa partner mo para masigurong madalas at consistent ang komunikasyon mo sa iyong mga anak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa post na ibinahagi ni mommy Cherry Vi sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ikinwento niya kung paano niya sinisigurong nag-uusap pa rin ang mga anak niya at si daddy kahit magkalayo sila. "Ang eldest namin ay nasa pre-teen stage na," kwento ni mommy.

    "Gusto ng husband ko malapit pa rin ang mga kids sa kanya kahit malayo siya. At dahil gusto niyang maging libangan ng kuya namin ang [pagbabasa], ni-require ko siyang [magbasa] ng 3-4 pages ng [libro] everyday at i-report sa papa niya ang tungkol sa nabasa niya [sa pamamagitan ng messaging apps], para man lang mag karoon sila ng conversation o connection," dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Maging consistent

    Kapag long-distant parenting ang ginagawa mo, importanteng maging consistent ka. Kailangan may schedule kayo na posibleng sundin ng inyong pamilya. Mayroon dapat oras para makapag-usap, may oras para magkita at iba pa. 

    Maglaan ng panahon para sa iyong pamilya

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Hindi pwedeng kung available ka lang, saka ka lang magiging nanay o tatay. Sa long-distance parenting, kailangang laging ramdam ng mga anak mo na nariyan ka para sa kanila.

    Kung lagi mong minamadali ang pakikipag-usap sa pamilya mo dahil wala kang sapat na panahon para sa kanila, hindi nila mararamdaman ang pagiging magulang mo. 

    Mahalaga rin na alam ng mga anak mo na nariyan ka para sa kanila ano mang oras ka nila kailanganin.

    What other parents are reading

    Isa sa mga pinaka-epektibong paraan ay ang pagkakaroon ng schedule. Marami nang mga apps ngayon na pwede ninyong gamitin para makapag-set kayo ng panahon para makapag-usap. Marami na ring mga video conferencing apps na pwede sa cellphone o computer. Ano man ang gamit ng mga anak mo, makakausap ka nila. 

    Para sa pamilya ni mommy Cherry, sinisiguro nilang mag-asawa na hindi mararamdaman ng mga anak nila na wala si daddy. At sa mga pagkakataong malungkot man ang mga bata, nariyan si mommy at daddy para makinig at ipaliwanag ang sitwasyon sa abot ng kanilang makakaya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kwento ni mommy Cherry, kahit baby ang bunso nila, kinakausap pa rin ito ni daddy para consistent na naririnig ng bata ang boses ng tatay niya. Kapag naman nandito sa Pilipinas si daddy, todo bonding silang mag-aama. 

    "Dahil puro sila boys, hinahayaan ko ang papa nila ano man ang trip nilang gawin," kwento ni mommy. "Kanina, Lego time, ngayon, movie night naman. He always finds time para makasama kami kapag andito siya kahit busy sa ibang bagay."

     

    Kapag kasama ni daddy ang mga anak niya, sinisiguro niyang mayroon silang quality time para gawin ang mga gusto nila.
    PHOTO BY Cherry Vi‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Anong kwentong long-distance parenting mo? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close