embed embed2
  • Mga Teenagers Na Marunong Manahi, Gumawa Ng Masks Para Sa Mga Frontliners

    Patunay ang mga kabataang ito na buhay pa rin ang bayanihan sa ating bansa.
    by Ana Gonzales .
Mga Teenagers Na Marunong Manahi, Gumawa Ng Masks Para Sa Mga Frontliners
PHOTO BY courtesy of Department of Education / Facebook
  • Naaalala mo pa ba ang subject na Technology and Home Economics (THE) o ngayon ay mas kilala bilang Technology and Livelihood Education (TLE)? Isa ito sa mga subjects na mayroon ang mga esudyanteng nasa Grades 9 to 12. Dito, itinuturo sa mga estudyante ang mga life skills tulad ng pagtatanim, panggugupit, pagluluto, at pananahi.

    Ang huli ang nagamit nina Jose Albert Geonangga Jr. at Crizza Embelino para makatulong sa mga frontliners na kasalukuyang humaharap sa banta ng COVID-19.

    What other parents are reading

    Ayon sa isang kwentong ibinahagi ng Department of Education (DepEd) sa kanilang Facebook page, natuto sina Jose at Crizza na manahi noong nag-aaral sila sa Luis Hervias National High School (LHNHS) sa Bacolod City. Isa kasi sa mga subjects na mayroon ang paaralan ay tailoring.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang ideklara ang enhanced community quarantine sa Bacolod, maraming mga tao ang nangamba na magkaroon ng kakulangan sa face mask. Alam ng nakararami na ang kakulangan sa mga personal protective equipment (PPE) ang isa sa mga dahilan kung bakit nahahawa ang mga frontliners sa COVID-19 na siyang nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay. 

    Ito ang nagudyok kina Jose at Crizza ang kanilang mga natutunan sa pananahi noong sila'y mga high school students pa lamang. 

    Mabuti na lang din at may ekstra pang mga tela at iba pang materyales ang LHNHS na mula sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Nagdesisyon ang school officials na gamitin ang mga ito para gumawa ng mga PPEs para sa mga frontliners. 

    What other parents are reading

    Gamit ang kanilang mga kaalaman sa pananahi, ang kanilang sariling mga makina at ang telang mayroon ang kanilang paaralan, nagtulong-tulong sila para gumawa ng mga masks para sa kanilang mga frontliners. 

    Bagaman parehong nagmula sa mga payak na pamumuhay sina Jose at Crizza, hindi nila ito alintana lalo na't para ito sa kanilang mga kapwa.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kasalukuyang nag-aaral ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Bacolod City College si Crizza. Labandera ang kanyang ina, habang construction worker naman ang kanyang ama. Nakapag-ipon ng pambili ng sewing machine si Crizza sa tulong ng kanyang tailoring teacher na si Ms. Julie. Sa katunayan, seconhand na sewing machine lang ang nabili ng nanay ni Crizza sa Baclaran, ngunit laking pakinabang nito nang magsimulang tumanggap ng mga sewing jobs si Crizza. Dagdag pambaon rin niya ito sa paaralan.

    Samantala, si Jose nama'y nawalay sa kanilang mga magulang dahil sa kahirapan. Kinupkop siya ng tiyahin niya na siya ring nag-paaral sa kanya. Teacher rin ni Jose si Ms. Julie sa pananahi. "I have big dreams of becoming a fashion designer which was sparked by my elementary teacher who taught us how to sew and embroider, when it was time to enroll in Grade 11, I already knew what I wanted to be," kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa tulong ng kanilang mga guro at ng mga school officials sa LHNHS, nakagawa sina Jose at Crizza ng 900 face masks. 

    Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close