embed embed2
  • Halos nine months pagkatapos isilang ni Rica Peralejo si Manu, ang second baby nila ng mister na si Joseph Bonifacio, ay nakikitaan na niya ito ng pagiging maliksi at determinado.

    June 9, 2019 nang manganak ang celebrity mom kay Manu sa pamamagitan ng unmedicated vaginal birth after C-section (VBAC). Naikuwento niya noon sa kanyang Instagram account na nagkaroon siya ng mas maraming challenges sa pangalawa niyang anak kesa sa panganay na si Philip, 6 years old. Nahirapan man siya, tulad sa breastfeeding, ay nagtagumpay din siya kalaunan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas chill na ngayon si Rica sa pag-aalaga kay Manu. Hindi siya nababahala, halimbawa, kung gumapang ang bata sa lapag o sahig. Ika niya sa isa niyang Instagram post, “Pampatibay ng immune system ’yan.”

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pansin ni Rica na noong 8 months old si Manu ay marunong na itong mag-isip ng paraan para makagawa ng isang bagay. Noong panahong iyon, ayon sa isa pa niyang Instagram post, nadidiskubre na ng bata ang papunta sa balcony ng bahay nila. Kaya naman naglagay siya ng bangko para magsilbing harang dito.

    Maya-maya ay nakarinig daw siya ng ingay, at saka niya napagtanto na itinulak na ng anak niya ang mesa palapit sa bangko para makaakyat dito. Pahayag  niya na may pagmamalaki, “What a will! Hard to make bantay but imagine what he can do if he is asked to use his will for common good?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nawiwili din si Rica sa panonood kay Manu sa araw-araw nitong akyat-manaog sa hagdan hanggang marating ang pinakamataas na baitang. Hanga siya hindi lamang dahil marunong at maingat na ang bata sa pag-akyat at pagbaba ngunit pati na rin sa pagbagsak. Kapag may mga nagtatanong nga raw sa kanya kung nahuhulog ba si Manu ay sumasagot siya ng oo. Pero marunong na itong putulin ang pagkahulog at saluhin ang sarili kapag gusto nito. 

    Napaisip tuloy si Rica. Aniya, “In life, taking bold leaps is important and so consequently, falling is inevitable. Makes me remember a good book on failures titled FAILING FORWARD. And these were stories of accomplished men and women who embraced their falls and fails and limitations. I can only wish we all will not be discouraged by our failings, but see them as opportunities to land on grace and get up, by grace, again!” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, kahit abala sa pag-aalaga sa dalawang paslit, hindi pa rin nakakalimutan ni Rica na alagaan ang sarili. Para magampanan ang parehong gawain ay multitasking ang sagot. Habang nagpapa-makeup, halimbawa, para sa isang event na kanyang pupuntahan, karga niya sa kanyang dibdib si Manu. 

    Katwiran niya, “Wala ganun talaga eh! He wanted to nurse and sleep on momma. And I am not complaining!!!”

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles