-
Digital Kidnapping: Ang Pagnanakaw Ng Litrato Ng Mga Bata Online
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kamakailan nga ay lumabas ang balitang mayroon nanamang isang internet at social media challenge kung saan nagagamit ng mga sex offenders ang mga larawan ng mga batang babae para sa kalaswaan. Ito ang #dropyourbeautifuldaughterchallenge.
Sa kada larawang ipopost mo kasama ang hashtag na ito ay maaaring magamit sa kalaswaan. May ilan pa ngang mga litratong umaabot pa sa mga porn sites. Ilan pa sa mga hashtags na kailangan iwasan ay ang mga sumusunod:
- #drop_your_daughter_pic_challenge
- #drop_your_son_pic_challenge
- #drop_your_children_pic_challenge
- #drop_your_cute_son_challenge
- #drop_your_cute_children_pic_challenge
- #drop_your_handsome_son_challenge
Maraming mga magulang ang nangamba nang makita nila ang maaaring kapahamakang idulot ng pagpopost ng mga litrato ng kanilang mga anak online—lalo na kung lalakipan ng mga hashtags na hindi naman nila alam kung para saan.
Sa sobrang pangamba, maraming mga magulang sa aming online community ang nagtanong kung panahon na nga ba para tigilan na nila at ng mga kapwa nila mga magulang ang pagpopost ng mga larawan at videos online.
Gaano nga ba kalala ang sexual abuse at exploitation dito sa ating bansa? Lumalabas na mahigit 40,000 na tips ang nakuha ng opisina ng Cybercrime ng Department of Justice (DOJ) taong 2017 tungkol sa online sexual abuse at exploitation.
Hanggang ngayon, ilang taon na ang lumipas ay patuloy pa rin ang kagawaran, pati na rin ang mga child-protection groups sa pagbibigay babala sa mga magulang sa panganib na maaaring idulot ng mga online challenges tulad ng nabanggit.
Ano nga bang dapat gawin? Panahon na nga ba para tigilan na ang pagpopost online? Sagot ng abogadong si Albert Muyot na siya ring chief executive officer ng Save the Children Philippines, mayroon pa ring panganib ng exploitation kahit na hindi malaswa ang larawang ibabahagi mo online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa kanya, gaano ka man ka-proud sa anak mo, mahalagang mas maging maingat ka sa pagbabahagi ng mga larawan ng mga anak mo.
Ano ang digital kidnapping?
Bukod sa pagnanakaw ng mga litrato ng mga bata para gamitin sa kalaswaan, nagagamit din ang mga ito para sa mga roleplay communities kung saan nagiging props ang larawan ng mga bata.
Kung manakaw ang larawan ng anak mo, pwedeng magkunwari ang mga tao sa isang roleplay community na anak nila ito. Pwede silang gumawa ng kung anu-anong kwento gamit ang larawan ng anak mo.
Ayon sa mga eksperto, malimit na nagiging target ng mga ganito ang mga Instagram accounts na talaga namang curated at naka-public. Kaya kung mahilig ang pamilya ninyo na mag-photoshoot, mas maganda kung private ang inyong profile online para sigurado kayong walang ibang makakakuha at makakakita.
Marami kang pwedeng gawin para bigyang proteksyon ang mga anak mo at ang pamilya mo mula sa banta ng mga online sexual predators. Narito ang ilan sa kanila:
Pag-isipang mabuti ang mga ilalagay online
Gaya ng sabi namin sa isa nang naunang Smart Parenting article, hindi lahat ng bagay at hindi lahat ng pagkakataon ay kailangan mong ilagay online.
Mag-isip ka munang mabuti bago ka magpost, sa Facebook man 'yan, Twitter, o Instagram. Tignan mong mabuti kung nakokompromiso ba nito ang ano mang impormasyon tungkol sa anak mo at sa pamilya mo.
Mahalaga ring tignan mo kung makakasama ba ang pagpopost mo na ito paglaki ng anak mo.
Ibigay mo sa mga anak mo ang choice
CONTINUE READING BELOWwatch nowKapag dumating ang anak mo sa tamang edad o sa edad na napagkasunduan ninyong panahon kung kailan siya pwedeng magkaroon ng social media account, hayaan mo siyang mag-post ng mga larawan niya online.
Minsan kasi, sa sobrang excitement at proud natin sa kanila, hindi natin naiisip na baka paglaki nila, ayaw pala nilang isapubliko ang kanilang mga larawan.
Sa tamang edad at may kaakibat na sapat na pagpapaliwanag at pag-gabay, makakapagdesisyon ang anak mo sa sarili niya kung alin ang mga gusto niyang ibahagi online.
Siyempre hindi ibig sabihin nito na hahayaan mo na lang silang mag-post ng kung anu-ano kapag naging binata o dalaga na sila. Kailangan pa rin nila ng tamang patnubay at pagpapaliwanag.
Ang importante lang ay alam na nila ang tama at mali at kaya na nilang maintindihan ang mga consequences ng mga gagawin nila.
Kilatisin ang mga kaibigan mo online
Makakapili ka naman kung gusto mong isapubliko o ipribado ang mga laman ng social media accounts mo. Mapipili mo rin kung sinu-sino ang mga 'kakaibigain' mo online.
Siguraduhin mong kilala mo talaga ang iyong mga social media friends para sa mga mapagkakatiwalaang tao mo lang ibabahagi ang mga larawan ninyo.
Gamitin ang privacy settings
Kung hindi mo talaga mapigil ang pagbabahagi online, siguraduhin mong maayos ang privacy settings ng mga social media accounts mo.
Gaya ng pagkilatis sa mga kaibigan mo online, kailangang kilatisin mo rin ang bawat post para sigurado kang ang mga taong malapit lang sa iyo ang nakakakita ng mga ito.
Masaya talagang magbahagi ng mga ginagawa ng mga anak natin online. Lalo na kung malayo tayo sa ating mga mahal sa buhay o 'di naman kaya ay talagang nakakatawa o nakakagigil ang mga ginagawa ng ating mga anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgunit kaakibat ng kapangyarihan ng social media ang mga delikadong aspeto nito tulad ng scamming, online sexual exploitation at marami pang iba.
Hindi masama ang tinatawag na 'sharenting.' Basta alam mo ang kalalabasan ng mga ginagawa mo at ang maaaring maging epekto nito sa mga anak mo.
What other parents are reading

- Shares
- Comments