-
Nakakabilib! 2019 Smartest DIYs Ng Mga Nanay At Tatay
Narito ang ilan sa mga pinaka nakakabilib na ginawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak.by Ana Gonzales . Published Jan 3, 2020
- Shares
- Comments

Araw-araw ay hindi kami nawawalan ng hinahangaang readers lalong-lalo na mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Bukod kasi sa pagiging dedicated nilang mga magulang, nakakabilib din ang mga DIY projects na ginagawa nila para sa kanilang mga anak. Narito ang ilan sa mga talaga namang kahanga-hanga:
Giant Dollhouse ni mommy Riza Gamaya
PHOTO BY courtesy of Riza GamayaHindi maikakailang mahal ang mga dollhouses, lalo na iyong mga lifesize o halos kasing taas na ng anak mo. Kaya lang, matitiis mo ba ang anak mo kung hihingin niya ito sa iyo para sa kanyang birthday? ‘Yan mismo ang nangyari kay mommy Riza. Kaya naman nagdesisyon siyang mag DIY na lang ng dollhouse para sa kanyang anak.
DIY enthusiast na talaga si mommy Riza kaya naman hindi siya naintimidate sa gusto niyang buuin. Gumamit siya ng mga recycled materials at mga laruang hindi na gaanong ginagamit ng anak niya, para buuin ang napakalaking dollhouse.
I-click mo lang ang link na ito para malaman kung paano niya ito ginawa at kung magkano ang inabot.
Couture Gowns ni daddy Greg Masil
PHOTO BY courtesy of Toni MasilADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa ganda ng mga gowns na ito, maniniwala ka bang isang tatay ang nanahi nito? Ayon sa 44-year-old na public school teacher, natatahi niya ang mga nag-gagandahang damit na ito sa pamamagitan lamang ng panonood ng YouTube videos. Walang nagturo kay daddy kung paano manahi, siya mismo ang nag-aral nito kaya naman talagang mapapanganga ka sa kanyang mga creations.
I-click mo lang ang link na ito para sa kanyang kwento.
Toddler-proof Christmas Tree ni mommy Jack Caparas-Yee
PHOTO BY courtesy of Jack Caparas-YeeCONTINUE READING BELOWwatch nowKung mayroon kayong maliliit na bata sa bahay, siguradong naging challenging sa inyo ang magkaroon ng Christmas tree dahil pwede itong maging hazardous para sa mga bata. Kaya naman naisip ni mommy Jack na mag-DIY ng Christmas tree gamit ang felt.
Narito ang link kung saan mo makikita ang kanyang procedure at ang mga materials na ginamit niya.
DIY Slide and Swing Set ni daddy Daniel Camarillo
PHOTO BY courtesy of Mia CamarilloADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa kagustuhan nina daddy Daniel at mommy Mia na i-encourage ang paglalaro sa labas ng kanilang anak, nag-hanap sila ng playsets sa mga malls. Kaya lang, wala silang nagustuhan dahil ang hinahanap nila ay iyong magagamit ng matagal at hindi kamahalan. Kaya naman si daddy na mismo ang gumawa ng slide and swing set ng kaniyang anak.
Puntahan mo lang ang link na ito para makita kung paano niya ito nagawa.
Upcycled DIY Playground ni mommy Vanessa Salva
PHOTO BY courtesy of Vanessa SalvaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTulad ni daddy Daniel at mommy Mia, naniniwala rin si mommy Vanessa sa kahalagahan ng outdoor at active play. Kaya naman binuo nila ang upcycled DIY playground sa kanilang bahay.
Ayon sa kanya, walang screentime ang kanyang anak. Sa tulong ng mga kalaro at ng playground ay nasisiguro niyang hindi naiinip ang bata at mayroon itong pinaglilibangan.
Sa link na ito mo makikita ang mga detalye kung paano nabuo nila mommy ang kanilang DIY playground.
DIY Racetrack ni mommy Jil Tolentino-Patetico
PHOTO BY Jil TolentinoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNahihilig ang anak ni mommy Jil sa mga race cars kaya naman naisipan niyang gawan ito ng race track. Masyado rin kasing mahal ang mga mabibili sa toy stores kaya mas pinili niyang mag-DIY.
Halos Php150 lang ang nagastos niya para dito—hamak na mas mura sa mga Php1,500 race tracks na mabibili sa mga malls. Narito ang link para makita mo kung paano niya ito ginawa.
DIY Painting Activity ni mommy Myreen Formoso
PHOTO BY courtesy of Myreen FormosoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay mommy Myreen, sinisiguro niyang may ginagawa silang mag-ina tuwing weekend na makakatulong para sa improvement ng motor skills ni baby. Dito niya naisip na maglaro silang mag-ina habang nagpipinta. Naghanap lang siya ng pintura na ligtas para sa mga bata at saka siya bumili ng blank canvas para doon mag-pinta ang anak niya.
Sundan mo lang ang link na ito para makita ang kanilang cute na cute na creations.
Marami pa kaming natanggap na DIY noong isang taon na talaga namang hinangaan namin. Isa na riyan ang DIY andador nina daddy Jan at mommy Mary Jay.
PHOTO BY Mary Jay SyADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPati na rin ang quiet book ni mommy Aimee. Patunay lamang sila na walang hindi gagawin ang mga magulang para sa kanilang mga anak.
PHOTO BY courtesy of Aimee PaguntalanMaging ang mga parties ay ginagawa na ring DIY ng mga nanay at tatay para maibigay ang pangarap na selebrasyong ng kanilang mga anak nang hindi sila gumagastos ng malaki.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY Joanne ManuelKaya naman saludo kami sa mga nanay at tatay na gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Hiling namin para sa inyo ngayong 2020 ay magkaroon pa kayo ng maraming ideya para sa mas magaganda pa at mas malalaking DIY projects.
What other parents are reading

- Shares
- Comments