embed embed2
  • 5 Sikreto Sa Isang Matagumpay Na DIY Kiddie Photoshoot

    Narito ang mga pwede mong gawin kung hirap kang i-capture ang mga cute moments ng anak mo.
    by Ana Gonzales . Published Jan 6, 2020
5 Sikreto Sa Isang Matagumpay Na DIY Kiddie Photoshoot
PHOTO BY Courtesy of Cherry Vi
  • Sa dami ng mga natatanggap naming #familyphotofails, masasabi naming pahirapan talagang mag-picture kapag mayroon na tayong mga anak, lalong-lalo na kapag maliliit pa sila.

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, laging ikinukwento ng mga nanay ang kanilang mga struggles pagdating sa DIY photoshoots ng kanilang mga anak. Kaya naman natuwa kami nang ibahagi ni mommy Cherry Vi ang kanyang tips para sa isang matagumpay na DIY photoshoot.

    Gumamit ng natural light

    Iba ang quality ng mga larawan kapag natural ang source mo ng ilaw. Ayon sa experience ni mommy Cherry, okay na kahit sa tapat ng bintana o hindi kaya ay sa harap ng bukas na pintuan.

    Payo naman namin, para mas maging maganda ang inyong mga larawan, i-schedule ang inyong DIY photoshoot sa umaga, bandang 8 hanggang 10 para maganda ang liwanag ng araw. Kung sa hapon naman, maganda ang oras na 2 hanggang 3.

    Dagdag pa ni mommy Cherry, pwede kang gumamit ng puting kurtina o tela para i-filter ang liwanag kung sakaling masyado itong malakas. Ayon pa sa kanya, para naman maiwasan ang shadow sa side na walang ilaw, pwede kayong gumamit ng reflector tulad ng puting illustration board.

    What other parents are reading

    Siguraduhing nasa mood ang 'model'

    Mahirap talagang maglitrato kung wala sa mood ang kinukuhanan mo kaya payo ni mommy Cherry, kapag bata, mas okay kung bagong gising o hindi naman kaya ay busog para hindi mag-tantrums. 

    Makakatulong din kung gagawin mong interactive at enjoyable ang shoot para sa mga anak mo. Maglagay ka ng mga laruang pwedeng makatulong para hindi sila tumayo o hindi naman kaya ay ipabuhat mo sila sa mga kapatid nila para hindi sila masyadong malikot. 

    Importante ring mabilis kang magtrabaho para hindi mainip ang mga models mo. Kapag kasi masyadong matagal at masyado kang maraming ipapagawa sa kanila, mas malaki ang chance na mainip sila agad.

    What other parents are reading

    Pumili ng madaling theme

    Maraming DIY photoshoot themes na pwede mong pagpilian. Nariyan ang pistang Pinoy, nariyan ang tipikal mong 1, 2, 3, at nariyan din ang Disney o ano pa mang superhero o cartoon characters na paborito ng anak mo. 

    Nakakatuksong pumili ng komplikadong tema pero madalas, ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi nagiging matagumpay ang photoshoot ninyong mag-ina. Importanteng simple ngunit makabuluhan ang temang pipiliin mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang tema rin kasi ang mismong magdidikta kung anong mga kakailanganin mo para sa shoot. Kung gusto mong maging interactive, pumili ka ng temang maraming props. Kung gusto mo namang mabilisan lang dahil hindi masyadong cooperative si baby, pwede kang pumili ng isang minimalist na shoot o iyong may simpleng backgound lang.

    What other parents are reading

    Magbaon ng maraming pasensya

    Bilang magulang, siguradong alam mo na kung gaano ka-unpredictable ang mga bata. Kaya naman kailangan mo talaga ng maraming pasensya. Makakatulong din kung ibababa mo ang iyong expectation. Asahan mong may mga bagay na hindi aayon sa iyong plano—okay lang ito dahil madalas, dito mo pa makukuha ang mga litratong cute at nakakatuwa.

    Humingi ng tulong kung kinakailangan

    Kung ikaw mismo ang kukuha ng pictures, pwede kang magpatulong kay daddy para siya ang magsisilbing 'distraction' ng mga bata. Siya rin ang hingan mo ng tulong pagdating sa pag-aayos ng mga props o paghahawak ng reflectors na gagamitin ninyo. Mas magiging madali ang iyong DIY photoshoot kung mayroon kang makakatulong para mag-ayos ng ibang maliliit na detalye.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Bukod sa mga tips na ito, importante ring huwag kang mag-alala sa gadget na gagamitin mo. Tulad na lang halimbawa sa DIY photoshoot ni mommy Cherry. Ayon sa kanya, mirrorless ang gamit niyang camera, ngunit kayang-kaya pa ring ma-achieve ang magagandang larawan kahit hindi mamahalin ang camera na gagamitin mo. Ayon pa sa kanya makakatulong din kung marunong kang gumamit ng mga photoediting apps tulad ng Snapseed.

    Mayroon ka bang mga techniques na ginamit para sa iyong DIY kiddie photoshoot? I-share mo na sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung gusto mong makakita ng mga inspirasyon para sa iyong photoshoot.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close