-
Galing Ni Mommy! Silipin Ang 15-Minute Solusyon Niya Para Sa Picky Eater Na Anak
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bagaman exciting kapag nagsimula nang kumain ang anak mo ng solid food, hindi maikakaila na may mga kaakibat itong hamon—kabilang na riyan ang biglaang pagiging mapili sa pagkain ng mga bata.
'Yan ang naging experience ni mommy Elain Pecundo sa kanyang anak na si Reed. Kwento ni mommy sa isang email interview, nagsimula siyang lagyan ng disenyo ang mga pagkaing ihinahain niya sa anak niya nang maging mapili ito sa pagkain.
"Before, kinakain niya lahat ng i-prepare namin," paliwanag ni mommy. "As he becomes familiar with food and their taste, nagkaroon na siya ng preference. I started doing some research online and was inspired by other moms who give extra effort in food preparation."
Para magawa ang mga food art niya, laging may stock si mommy ng mga prutas tulad ng orange, banana, apple, at lemon. Mayroon din siyang supplies ng mga gulay tulad ng cucumber at malunggay. "Rolled oats is also a staple in our house," sabi pa niya.
Mahilig ang anak ni mommy sa pancakes kaya naman madalas ito ang ginagamit niya para sa kanyang food art.PHOTO BY Elain PecundoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKahit ang simpleng biscuits, nagagawang kaaya-ayang kainin ni mommy.PHOTO BY Elain PecundoSobrang cute ng cat rice niya!PHOTO BY Elain Pecundo"We also stock on natural spices like cinnamon and spanish paprika. For sprinkles and toppings, cocoa nibs and chia seeds are our favorites. For lunch and dinner, usual ingridients lang pero mas conscious lang kami with salt intake," dagdag pa ni mommy.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSabi pa niya, hindi naman daw pinapabigat ng mga expenses nila ang mga binibiling ingredients ni mommy para sa kanyang food art. "My husband and I just became smarter and careful buyers," paliwanag niya. "We allocate most of the budget sa mas healthy na food for our family."
Scrabble na pwedeng kainin?! Nakakabilib!PHOTO BY Elain PecundoDragon fruit na naging bulaklak!PHOTO BY Elain PecundoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagbabahagi pa ni mommy, hindi naman daw siya magaling magluto. "My husband, Roel, is the better cook, so I just rely on easy recipes, which take 5-15 minutes. The additional 10-15 minutes to decorate, ine-enjoy ko and somewhat therapeutic on my end, especially when you see the finished product. I plan based on what's available."
Ang mga paborito raw ng anak niya ay kahit anong pancake. Masaya si mommy na dito dahil pwede niya itong singitan ng mga prutas at gulay. Kabilang sa mga nagawa ni mommy ay ang apple pancake, banana pancake, at dragon fruit pancake. "Blend the fruits with egg and rolled oats then pan fry. Add honey or cinnamon if desired," pagbabahagi niya.
Parang nakakapanghinayang namang kainin itong napakagandang gawa ni mommy.PHOTO BY Elain PecundoPHOTO BY Elain PecundoPHOTO BY Elain PecundoPHOTO BY Elain PecundoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY Elain PecundoPayo ni mommy sa mga kapwa niya nanay, hindi mo naman kailangang gumastos ng malaki para makagawa ng magagandang food art. "Just use your creativity and find some inspirations. Don't sacrifice nutrition over design," sabi niya. "Have fun in the process and be proud of what you made."
Ikaw, nasubukan mo na bang gumawa ng food art? Anu-ano ang mga ingredients at kitchen tools na ginamit mo? Kumusta ang iyong experience? I-share mo lang sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments