toddler temperament,Smart Parenting Village,Normal Bang Mahiyain Ang Toddler Mo? Lilipas Din, Sabi Ng Mommies,mahiyain, shyness, toddler, pandemic, separation anxiety,Ayon sa mga mommies sa Smart Parenting Village, normal lang na maging mahiyain ang mga bata
ParentingToddler

‘Mahiyain Si Baby, Phase Lang Ba?’ Heto Ang Sagot Ng Mga Mommies At Eksperto

'Sobra siyang makayuko, at ayaw niyang tumingin sa ibang tao,' ayon sa isang mommy
PHOTO BYSHUTTERSTOCK

Habang unti-unti nang lumuluwag ang mga quarantine restrictions dulot ng pandemic, mas marami nang mga magulang ang nagiging kampante na dalhin ang mga anak nila sa mga pasyalan o bumisita sa mga kamag-anak na halos dalawang taon nang hindi nakasama. 

Pero pansin ng isang anonymous mommy sa Smart Parenting Village, na tuwing may makakasalamuha silang ibang tao sa labas, nagiging mahiyain ang kanyang anak na 18 months old.  

Sabi pa niya, “Sobra siyang makayuko at ayaw niyang tumingin sa ibang tao.” 

Tanong niya sa mga kapwa magulang sa Village, paano kaya niya madedevelop yung self-confidence ng kanyang anak at maging komportable ito sa pakikisalamuha sa mga tao. 

Agad namang nagpahayag ng kani-kanilang karanasan ang mga magulang. 

'Normal sa pandemic babies na hindi nakakalabas' 

Ayon kay Mommy Ariane Rivera na nasa USA, palagay niya normal ang pagiging mahiyain lalo na sa mga baby na pinanganak sa panahon ng pandemya at limitado ang paglabas. 

Sabi niya, “Nung ganyang edad ang anak ko, pag mag-grocery kami o lumabas, basta may kumausap sa kanya o lumapit sa amin, iiyak na talaga, kahit kapwa nya bata.” 

Pero nagbago daw ito nitong nakakalabas na ang kanyang anak. “Every weekend pumupunta kami sa park, nagha-Hi! na siya sa mga nakakasalubong at nag-e-excuse pa. Nung nasa bank naman kami, akala mo security guard, nasa may pinto, bawat lalabas at papasok binabati nya. “Pag a-attend naman kami ng birthday party, magaling na siya makipaglaro, hindi nakikipag-away at marunong magshare.”

Ayon kay Michele Borba, isang educational psychologist, sa panayam niya sa TODAY Parents, ang pagiging mahiyain ay maaaring isang uri ng regression na “typical for all children because they’re experiencing uncertainty.”  

Sabi pa niya, ‘wag daw i-label ang bata na mahiyain. "Very often, shyness is a temperament. If you label a child shy, they’re more likely to become shy. Just say things like, 'Oh it’s OK, you just need a little more time.’” 

watch now

Tips para maibsan ang pagiging mahiyain ng anak

Turuan ito ng mga positive affirmations o magagandang salita ukol sa kanilang sarili

Ayon kay Mommy Madayl Mancao Zalsos, isang paraan para mapataas ang kumpiyansa ng anak niya ay kinakausap nila ito gamit ang mga positibong salita at tinuturan ng mga affirmations, katulad ng "I am beautiful!" "I am pogi!" "I am pretty!" "I am smart!" "I am good!" "I'm (name)! What's your name?"

“Practice with them saying things with confidence or talking points to start a conversation. My husband and I always make sure we're always cheering for them even on regular days, little things they do, we clap for it, praise them.”

I-enrol ang anak sa play school 

Payo naman ni Mommy Enna Mangente, ang nakatulong sa anak niya na maibsan ang pagiging mahiyain ay ang pagpasok sa school. “Para ma-enhance ang social and speech development niya. Malaking tulong po yan. Pwede mo siya i-enrol sa play school.”

Palakasin ang loob nito

Sabi ni Mommy Stephanie Faye Tatel-Cantuba, ganito rin daw ang anak niya noong edad 1-2 ito. “It’s just a phase, mommy! Now she’s 3 years old, napaka-friendly and daldal na. Input all the positive things in her. Empower her mind para maging more confident siya.”

I-expose ang anak sa ibang tao

Ayon kay Mommy April Clo Fisher, ang pagiging mahiyain ay bunga ng hindi sila pamilyar sa sitwasyon. “Parang tayo ding adults, diba tahimik lang din tayo sa una.”  

Payo niya, exposure lang ang kailangan. “Ganyan din ang anak ko. Ngayon kusa na siya nakikipag-usap sa strangers. Tapos ang ituturo naman natin next ay, “don't talk to strangers.” 

Dapat bang mabahala?

Ayon kay David Geller, MD ng Baby Center, ang pagiging mahiyain ay isang senyales ng separation anxiety, o pagiging higit na malapit sa mga magulang o caregiver niya, pero lilipas din ito. “If your [child] was previously outgoing and has recently become more bashful, [they] may have developed separation anxiety. Separation anxiety peaks sometime between 10 and 18 months and usually diminishes by the end of the second year.”

Payo ni Dr. Geller, kahit ano pa man ang sanhi ng pagiging mahiyain ng inyong anak, bilang magulang, hindi natin sila kailangang pwersahin. Bagkus, tulungan natin silang maging mas kampante sa panahong kaya na nila.

“Help her feel comfortable in social situations by letting her interact with others at her own pace. Ask visiting friends and relatives ahead of time to approach your daughter slowly and wait for her to reach out to them, rather than vice versa.”

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close