toddler,family,children,kids,parenting,People & Society,Family/Children,Genres,sc24,paano bumait ang bata,Paano Bumait Ang Bata? | Smart Parenting,Family/Children,People & Society,Genres,parenting,children,kids,family,paano bumait ang bata,Paano nga ba bumait ang bata?
ParentingToddler

Paano Ba Mapapabait Ang Makulit At Malikot Na Bata?

Tandaan na hindi dapat pag-kontrol sa bata ang layunin, kung hindi pag intindi at tamang pagpapahayag ng nararamdaman.
PHOTO BYADOBE

“Sobrang kulit at likot ng anak ko! Ano bang gagawin ko?”

Minsan na rin ba ninyong naitanong kung ano ang dapat ninyong gawin para maging well-behaved at mabait na bata ang inyong anak? Talaga rin namang nakauubos ng pasensya sa ating mga magulang ang sobrang kakulitan ng mga bata. Marahil dumarating sa punto na nasisigawan at napapalo natin sila kahit sobrang pagtitimpi o ayaw man nating gawing ito dahil sa napapagod ka na rin sa kakasaway.

Bilang mga magulang, mahalagang maunawaan natin muna na ang bawat bata ay magkakaiba. Magkakaiba rin ang pag-uugali at debelopment ng bawat bata. Isa rin sa dapat nating malaman na ang pag-uugali ng mga bata ay batay rin sa mga nakikita nila at naoobserbahan sa paligid. Maaaring gayahin nila ito dahil hindi pa nila lubos na nauunawan kung tama ba ito. Habang lumalaki rin ang ating mga anak, nagbabago ang kanilang social at emotional development at kailangang maintindihan natin na nag-e-explore pa rin sila at hindi pa nila lubos na nauunawaan kahit ang nararamdaman o emosyon nila.

Sa pag-iisip ng mga paraan para bumait ang isang bata, dapat na tingnan o suriin ang iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng pag-uugaling ipinakikita nila. Subukin ang ilan sa mga tips na ito mula sa isang artikulo na ”An Early Childcare Provider’s Guide to Managing Challenging Behaviors”.

Paano intidindihin ang bata na 'makulit'

1. Tandaan ang MEATS

Ang pag-alam sa dahilan ng ipinapakitang ugali ng iyong anak ay makatutulong kung paano mo siya mauunawaan at matutulungan.

M – Medikal. Maaaring may pangangailangang medikal ang iyong anak kaya siya iyak nang iyak o nagwawala gaya ng masakit ang ngipin o anumang nararamdaman.

E – Escape. Maaaring ginagawa niya ito dahil ayaw niyang gawin ang isang bagay. Halimbawa ang pagtapon ng pagkain sa kaniyang plato dahil ayaw niya ng pagkain.

A – Attention. Maraming bata ang gusto o kumuha lamang atensyon ng kanilang mga magulang kaya sila iyak nang iyak.

watch now

T – Tangible. Maaaring ginagawa nila ang isang hindi kanais-nais na pag-uugali para makuha ang isang bagay na gusto nila pero hindi nila masabi nang maayos.

S – Sensory. Maraming bata na ginagawa rin ang isang bagay bilang paraan ng pagpapakalma sa kanilang sarili at makapagbigay sa kanila ng kasiyahan na hindi nila nalalaman ang posibleng mangyari.

2. Pagbibigay ng Positibong Atensyon

· Maaaring maging isang reinforcement ang pagbibigay ng atensyon.

· Mahalagang tandaan na dapat iwasan ang pagbibigay ng mga parusa dahil maraming paraan para maitaguyod ang positibong pag-uugali na hindi umaabot sa pagnanakit ng ating anak at isa rito ang pagbibigay ng positibong atensyon.

· Mas masaya ang mga bata kapag nakakatanggap sila ng atensiyon sa kanilang mga magulang. Mahalaga ang paglalaan ng oras sa kanila o kahit ang pagbibigay ng papuri kahit sa simple nilang nagagawa sa halip na puro pagkakamali ang iyong nakikita natin.

· Halimbawa: Mas mainam na sabihing ”Mas magandang na nakaayos ang mga gamit mo para madali mong mahanap.” kaysa ”Hay, naku, palagi na lang magulo ang mga gamit mo, matuto ka namang magligpit, palagi na lang ako.”

3. Pagbuo ng Maayos na Iskedyul

· Kapag nasanay sila ang mga bagay na may sinusundang padron o routine na mga gawain hindi na magiging mahirap sa kanila na paulit-ulit sabihin kung ano ang mga dapat nilang gawin.

· Nabibigyan din sila ng pagkakataon na magkaroon ng inisyatibo na gawin nang mag-isa ang isang gawain.

· Isama rin ang pagbabasa para mas maintindihan nila ang mga ilustrasyon o mabasa ang mga salitang nakasulat. Hindi laging pasalita lamang.

· Isama rin sila sa pagbuo ng kanilang iskedyul.

RELATED: May 2-Hour Evening Routine Na Makakatulong Para Mabawasan Ang Tigas Ng Ulo Ng Anak Mo

4. Pagsasagawa ng mga Gawain sa Pagiging Independent

· Pagbibigay ng mga tahimik na gawain na mag-isa habang nagtatrabaho ka. Sanayin sila na maging organisado sa pagsunod ng mga to-do list.

· Gawin din ang mga shelves or storage na maabot lamang nila para hindi nila palaging ipapakisuyo ang pagkuha nito. Mahalagang masanay rin sila na hindi lahat ng bagay ay ibibigay o kailangang iabot sa kanila.

5. Estratehiya sa Positibong Pag-uugali

· Kung nais natin silang maging organisado, maayos, magalang, mabait, responsable at iba pang positibong pag-uugali na dapat taglayin ng isang bata, subukin natin ipakita ito sa kanila. Maging halimbawa tayong mga magulang.

· Tandaan na sa tahanan unang nahuhubog ang pag-uugali ng mga bata. Katuwang natin ang paaralan sa pagpapalaki ng ating mga anak.

Sabi nga ni Teacher Khay, isang elementary teacher, ”dapat nagsisimula sa tahanan pa lamang. Hindi maaaring iasa ang lahat sa guro. Dapat mayroong pagtutulungan ang magulang at guro kung paano mapababait ang bata.”

RELATED: Kindness = Success at Work, Study Finds. How to Make It a Habit in Your Family

· Isipin din natin na ang bahay ay ekstensyon ng paaralan. Maaaring gumawa ng mga materyales o maghanda ng mga visual aids na makatutulong sa mga bata ng mahahalagang paalala sa mabuting pag-uugali.

· Maaaring isipin na mahirap ang paggawa ng visual aids kaya mas okay na lamang ang verbal promts. Pero hindi lahat ng bata nakauunawa at natatandaan agad ang lahat ng ating sinasabi lalo na sa kanilang developmental state. Posibleng isang dahilan ito bakit hindi sila nakakasunod sa rules. Higit na naa-aapreciate nila ang mga ilustrasyon o larawan.

Konklusyon: Tulungan ang bata na mag-express ng saloobin

Sa kung paano natin gagawing mabait o bumait ang bata, hindi ito nakapokus sa paano tayo dapat mag-react o tumugon sa hindi nila tamang pag-uugali o asal na ipinapakita. Ang pamamahala sa kanilang pag-uugali ay nangangailangan ng sistematikong pagpaplano at para maisagawa ito kailangan na mas maging proactive ang ating pagkilos sa halip na reactive.

Ang pagiging proactive ay nangangahulugan na kumilos tayo para kontrolin ang sitwasyon bago ito lumala kaysa sa simpleng biglaang pagtugon pagkatapos nang hindi kanais-nais na pangyayari. Kaya hindi matutuhan kung paano magsaway kasi alam nating kahit paulit-ulit tayong nagsasaway, hindi nito nababago ang pag-uugali ng isang bata kasi gaya ng nabanggit sa itaas na maaaring iba-iba ang dahilan kung bakit nagkukuli, naglilikot, o nagmi-misbehave sila.

Karaniwan na ang dahilan ay hindi nila alam kung paano gagawin o wala pa silang sapat na kakayahan na sabihin o i-express nang maayos ang kanilang gusto o nais. Kaya para bumait ang bata, kailangang mabuting maidebelop sa kanila habang lumalaki ang mga positibong pag-uugali.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close