embed embed2
  • Pahirapan Lagi! Ginawa Ko Na Lahat, Ayaw Pa Ring Uminom Ng Gamot Ng Anak Ko

    Lahat na yata ng pangu-uto ginawa ko na.
    by Ana Gonzales .
Pahirapan Lagi! Ginawa Ko Na Lahat, Ayaw Pa Ring Uminom Ng Gamot Ng Anak Ko
PHOTO BY Shutterstock
  • Hanggat maaari, sabi nga ng mga magulang sa aming online community, mas gusto nila na sila na lang ang magkasakit kaysa sa mga anak nila.

    Napakasakit kasi sa mga magulang tulad mo na makita ang anak mong nahihirapan at wala kang magawa.

    Bukod sa pag-aalala sa kanilang mga anak, struggle din, ayon sa mga magulang, ang pagpapainom ng gamot sa mga bata.

    Sabi pa nga ng isang nanay sa aming online community, ginawa na raw niya ang lahat, pero pahirapan pa ring painumin ng gamot ang anak niya.

    Agad namang sumaklolo ang ibang nanay sa Village. Narito ang ilan sa mga tips nila:

    Paano painumin ng gamot ang anak mo

    Huwag kang matakot

    Ayon sa mga nanay sa Village na matagumpay na nakakapagpainom ng gamot sa mga anak nila, isa sa mga sikreto ang pagtanggal mo sa takot mo.

    Malimit kasi, kapag umiyak na ang bata, natatakot na ang magulang na gumalaw o subukang muli ang pagpapainom ng gamot.

    Kung mauunahan ka ng takot, mararamdaman ng anak mo na may nakakatakot na mangyayari kaya mas lalo siyang matatakot at aayaw.

    Hayaan mo lang siyang umiyak

    Normal lang ito—lalo na kung ang nangyayari'y isang bagay na hindi pa lubos na naiintindihan ng anak mo.

    Huwag ma-discourage na painumin siyang muli ng gamot kahit na umiiyak siya. Sabi nga ng mga nanay sa Village, mabuti nang umiyak siya at nakainom siya ng gamot, kaysa lagi siyang lumalampas sa pag-inom.

    Painumin siya agad ng tubig, juice, o yoghurt drink

    Pwede mo rin siyang bigyan ng powdered chocolate drink o powdered milk drink, depende sa kung anong gusto niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang mga nanay sa Village na binibigyan ang anak nila ng kaunting Milo o 'di kaya ay Dutch Mill pagkatapos uminom ng gamot.

    May ibang nagbibigay ng matamis na prutas para mawala agad ang lasa ng mapaklang gamot.

    Painumin siya ng gamot kapag relaxed siya

    Payo ng mga nanay, ang pinakamagandang pagkakatapn ay kapag masaya ang anak mong nanonood ng cartoons o naglalaro.

    May ilang mga nanay sa Village na pinapainom ang anak nila ng gamot habang nakababad sa tubig at nage-enjoy sa water games o naliligo.

    Hanapin ang akmang gamit

    May mga batang napapainom ng gamot gamit ang kutsara. May ilang napapainom sa pamamagitan ng dropper, habang may ilan namang napapainom sa pamamagitan ng syringe na walang karayom.

    Hanapin mo kung anong epektibo sa anak mo. Kaakibat ito ng ilang techniques. Halimbawa, kung syringe ang gamit mo sa pagpapainom, makakatulong, sabi ng mga nanay, kung sa bandang pisngi mo ito ipipisil. Diretso na kasi ito sa lalamunan ng anak mo.

    Highly recommended din ng mga nanay ang Tiny Buds Baby Medicine Feeder. Malaki raw ang naitulong nito para mapainom ng gamot ang mga anak nila.

    Pakitaan siya ng halimbawa

    Gaya-gaya ang mga toddlers at mga mas maliliit na bata. Kaya naman epektibo sa ilang mga nanay sa Village na pinapapanood muna nila ang anak nila ng YouTube videos ng mga batang umiinom din ng gamot.

    Ayon sa kanila, ginagaya daw ng mga anak nila ang napapanood nilang ibang bata na enjoy na enjoy sa pag-inom ng gamot.

    Ilan pa sa mga payo ng mga nanay ay ang paghahalo ng gamot sa inumin—ang iba sa kanila'y ginagawa pa nga raw itong popsicle para mas kagatin ng mga bata.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mahalagang huwag mag-panic, mommy, kung dumating man ang pagkakataong kailangan mong painumin ang anak mo ng gamot.

    Makakatulong din kung hihingi ka ng rekomendasyon sa doktor ng mga gamot na may flavors. Pwede mo ring ikonsulta sa kanya kung pwede bang ihalo sa pagkain ang gamot.

    Successful ka ba sa pagpapainom ng gamot sa mga anak mo? Anong technique ang ginawa mo? I-share mo na iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakuha ng ibang tips mula sa mga kapwa mo nanay.

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles