mom,family,motherhood,parenting,Sheena Halili,Jeron Manzanero,gentle parenting,sheena halili-manzanero,martina manzanero,Sheena Halili Is A Mom We Love | Smart Parenting,sheena halili, jeron manzanero, martina manzanero, sheena halili-manzanero, parenting, family, motherhood, gentle parenting,Sheena Halili is ready to return to the spotlight, now armed with the lessons of motherhood.
Rethinking Motherhood: Sheena Halili Chooses Progress Over Perfection

Rethinking Motherhood: Sheena Halili Chooses Progress Over Perfection

She's ready to return to the spotlight, armed with the grit of being a mom.

Sheena Halili Manzanero: Smart Parenting Mom We Love

A 9:00 AM call time is no problem for Sheena Halili, even if the invite includes her toddler Martina. The new mom of one instantly finds her way to her glam team and allows her daughter to explore the room while she gets dolled up, perhaps because this is already a foretaste of what's to come.

The actress and wife to Atty. Jeron Manzanero, city administrator of Pasig, became a mother at the height of the pandemic and has since put her acting career on pause while she enjoyed being a hands-on mother. "Ang goal ko talaga is hanggang three years old si Martina, before going to school," she says about her showbiz break. "Bago ako bumalik, at least, nasagot ko lahat ng tanong niya, nandun ako nung nag-grow siya."

Now that Martina's baby years are over—she just turned three last December 12—Sheena is ready to return to the spotlight. This time armed with the grit and the lessons of motherhood.

undefined
Sheena Halili with daughter Martina.
PHOTO BYMIGGY BROÑO

Below, Sheena talks to Smart Parenting about her journey as a new parent, the highs and lows of the early years of motherhood, and her reminder for all mothers who might feel like they've lost themselves. 

What parenting stage are you in? And what’s your parenting style?

Pagdisiplina. Nasa stage na kasi kami ngayon, ng pagdisiplina kay Martina. Lumaki kasi ako sa bahay na, pag mali, mali. Pag tama, tama. Hindi mo kailangan na explanation, basta mali yan.

Pero gusto kong puntahan yung gentle parenting. Yung ine-explain ko lahat sa anak ko. Yung, i-acknowledge ko yung nararamdaman niya. Yung, ipapaintindi ko sa kanya, kung bakit mali, bakit tama. Na importante yung nararamdaman niya, yung opinion niya.

'Yan yung, nacha-challenge ako kasi minsan, ‘pag sobrang pagod mo, 'pag sobrang wala ka na rin maisagot sa lahat ng tanong–siyempre meron ka rin mga challenges sa life. Hindi ka palaging good mood, hindi ka palaging okay bilang tao. Minsan tumatahimik na lang ako. Feeling ko nag-q-quit din ako minsan, “Paano i-explain sa'yo ito anak? Wait lang.” Nahihirapan pa akong maging nanay hanggang ngayon. Ang hirap maging nanay talaga.

watch now
undefined
PHOTO BYPHOTO BY MIGGY BROÑO

What’s the biggest challenge you’ve gone through in your motherhood?

Nahihirapan pa ako bilang first time mom, i-balance. I-balance ang pagiging nanay, ang pagiging Sheena, at pagiging wife. Medyo naguguluhan pa ako. Nasa punto pa ako na kailangan ko pa aralin. Kailangan ko pa ng oras para mabalanse.

What was it like during your first years as a parent? And what did you learn from it?

Gusto natin lahat maging perfect. Of course, mahal natin ang mga anak natin. Pero, importante talaga, give time. Lagi naman sinasabi ng mga nanay ‘yan, 'Give time para sa sarili mo.' Hindi mo kailangan umalis ng bahay. Hindi mo kailangan maganda ka para masabihan na nagbibigay ka ng oras. Kahit nasa banyo ka lang, kahit mag-cellphone ka lang doon sa banyo, kahit mag-lagay ka lang ng lipstick kahit na sa bahay ka. Kahit isang minuto lang yun.

'Alam mo yun ang maganda sa mga parents ngayon? Alam natin na hindi selfish kapag mag-spend time together. Alam natin na a healthy marriage [is] good for kids.' —Sheena Halili

Magkape ka na quiet, kahit sa banyo ka pa. Minsan nagagawa ko yan. To be honest, nagkakape ako sa banyo para lang tahimik. Kasi nakatira kami sa condominium. ‘Pag nasa condo kayo, ang hirap naman talaga na magkaroon ka ng space.

Bigyan nyo ng oras ang sarili ninyo. Matatapos din yung lahat ng 'yan, 'yung kalosyangan natin. Kapit lang tayo. Kasi taon lang yan.

How did you feel about the physical changes of becoming a mom?

Nanganak ako, nag-iba lahat ng itsura ko. Yung first year ko, hindi ko napansin na nalolosyang ako. Napansin ko na lang second year ni Martina. Kasi bilang nanay, nakakalimutan na nating tumawa, nakakalimutan na nating umiyak, nakakalimutan nating maging malungkot, para tayong robot, 'di ba? Wala kang time man lang [para malaman] ano yung nararamdaman mo sa moment.

undefined

PHOTO BY MIGGY BROÑO

Noong nagka-time ako, doon ko na feel na, 'Ay, nalosyang ka girl, ha?' Pwede ka na ulit mag-skincare, mag-punta sa derma. Pwede ka na ulit umalis, mag-cafe with your friends. Pwede ka na ulit magpakulay ng buhok. Pwede na ulit akong bumili ng mga bagong damit. Kasi for siguro two years, pambahay, pantulog ako buong araw. Minsan, umuwi na yung asawa ko ulit from work, yun pa rin ang suot ko. Hindi dahil ayaw mo. 'Yung time na tulog yung anak ko, itutulog ko din eh.

Hindi ko naisingit man lang ang workout, hindi ko man lang talaga naisingit na magpaganda that time. Kasi talagang mas nasa tabi lang ako ni Martina.

How do you share the parenting load with Jeron? What is he like as a father?

Cool dad si Jeron. Siya yung tipo ng daddy na gusto niya kay Martina na "'Pag ako kasama mo, game. Okay ako sa lahat. Lahat ng bawal, game." Ganun sila. Ako 'yung sa bahay, ako 'yung una nagdi-discipline. Lahat ine-explain ko.

'Sa mga first time moms like me: Okay lang 'yan. Babawi tayo. Babangon tayo ulit. Hindi pa ngayon, pero babangon ka din, girl.' —Sheena Halili

Pero pag si Jeron na kasi yung nagdi-discipline, ang usapan namin ganun: pag ako ang galit, kalma ka lang. Pero pag ikaw galit, sana, try mo huwag muna masyado. Hindi ko masasabing strict siya. Very, very supportive siya na daddy kay Martina. Nandiyan siya sa lahat ng special, tulad ngayon [at the shoot], nandito siya. Special na time ni Martina, nandiyan siya. Yung na-imagine ko na daddy, nasa kanya. Ang hirap mag-describe ng word sa pagiging dad ni Jeron, kasi hindi ko talaga siya mag-describe eh. Sobrang... pulido. Pulido talaga.

undefined

PHOTO BY MIGGY BROÑO

How do you take care of your marriage with Jeron? And how has your relationship changed since becoming a parent?

Alam mo yun ang maganda sa mga parents ngayon? Alam natin na hindi selfish kapag mag-spend time together. Alam natin na a healthy marriage [is] good for kids. Nung nagkaroon kami ng anak, si Jeron, chill lang siya [habang] nangangapa ako. Walang pressure, walang demands akong narinig sa kanya, or naramdaman sa kanya. Tina-try namin na may isang araw sa week na makapag-date kami. Pero, hindi kami nagiging consistent pa din. Ang recent bonding namin, nanonood kami ng Korean [series]. ‘Pag tulog na si Martina, kahit anong late pa yan, manonood lang kami ng isang episode, dalawa, tatlo, hanggang sa mag-lilimang episode.

Yung last nag-plan kami yung over the weekend sa Hong Kong. Minsan mag-mall lang kami together. Wala kaming binibili. Kakain lang kami together. Minsan magpapadeliver, kaming dalawa lang. Yung may kaniya-kaniya kaming snack. Kwentuhan. Sa dining table, pagkatapos namin kumain, ang dami-daming chismis, updates, kaya updated kami talaga sa lahat ng chismis.

How do you keep the fire burning in your marriage?

Tayong mga babae, palagi tayong sinusuyo talaga. Ang mga lalaki, sila talaga ang nanunuyo. Dapat pag mag-asawa kayo, hindi dapat kami lang ang magpapakita at magbibigay ng kilig or parang mag-burn 'yang fire na sinasabi niyo na 'yan. Kailangan, nililigawan nyo pa rin kami.

Phew, we agree! Any advice you have for moms?

Ang advice ko sa mga young moms, at kung hindi man young moms na mga late din nag-asawa at nagka-baby, sa mga first time moms like me: Okay lang 'yan. Babawi tayo. Babangon tayo ulit. Hindi pa ngayon, pero babangon ka din, girl.


***
Photographs by: Miggy Broño
Styling by AJ Alberto
Makeup by Rick Calderon
Hairstyling by Darla Soria
Produced by Ronna Capili Bonifacio
Shoot assisted by Judy Santiago Aladin
Video producer: Cherrie Julian
Videographer: Jez Villapando
Editor: Rolando Pingco Jr.
Social Media by Zen Arganda
Art Director: Stephanie Ocampo
Publisher: Iza Santos-Cuyos

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close