;
embed embed2
  • Meryll On Breastfeeding Then And Now: 'Dati Nag-Hire Pa Ako Ng Masahista Sa Kili-Kili'

    Bilib si Meryll sa mga bagong "breasfeeding gadgets" na mayroon na ngayon!
    by Angela Baylon .
Meryll On Breastfeeding Then And Now: 'Dati Nag-Hire Pa Ako Ng Masahista Sa Kili-Kili'
PHOTO BY instagram/planetumeboshi
  • Napatunayan na sa mga pag-aaral na maraming benepisyo ang pagpapadede hindi lang para sa sanggol kung hindi para na rin sa mga ina. Gayunpaman, hindi biro ang pinagdaraanan ng mga nanay na nagpapa-breastfeed lalo sa mga pagkakataong masakit o mahirap itong gawin. Mabuti na lamang at marami na ring mga produkto ngayon na malaki ang pakinabang sa mga new moms.

    Minsan nang naranasan ng celebrity mom na si Meryll Soriano ang mahirapan sa pagpapasuso. Kwento niya sa exclusive interview ng SmartParenting.com.ph, nakaranas siya ng mastitis noong sanggol pa ang kanyang panganay na anak na si Eli na 14-anyos na ngayon.

    Naalala ni Meryll ang pagkakataon noon na, "nag-hire pa ako ng masahista sa kili-kili para lang dun sa mastitis ko!"

    Ang mastitis ay madalas na nararanasan ng mga padedemoms kung saan nagkakaroon ng inflammation o pamamaga sa suso dahil sa impeksyon.

    Mga pagbabago sa pagpapasuso noon at ngayon

    Disyembre 2020 nang isilang ni Meryll ang unang anak nila ng partner na si Joem Bascon. Aniya, tila panibagong karanasan talaga para sa kaniya ang pagpapasuso kay Baby Gido.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa higit isang dekada na ang lumipas mula ng huling magpadede, hindi niya inaakala ang dami ng mga bagong kagamitan na na-imbento ngayon para makatulong sa breastfeeding moms.

    Kung dati'y mano-mano ang solusyon sa kaniyang padede mom struggles, aniya ngayon, "ang dami nang mga kung anu-anong mga kinakabit para ma-stimulate (ang breast)."

    Dagdag ng aktres, "It was very difficult before kasi talagang pump ka. Swerte ka na kung mayroon kang electric pump. Ngayon, mayroon pang-travel, mayroon nang...'yung mga silicone pumps na ang bilis-bilis. Sabi ko, 'Wala namang ganito noon!'" 

    Maliban sa pangambang maubusan siya ng gatas, wala umanong naging problema si Meryll sa pagpapadede kay baby Gido.

    Ani ng Dear Mama Meme vlogger, "sa first few weeks mahirap naman talaga because engorged yung breast mo because of the milk. Pero, along the way, okay naman. Wala akong naging problem. Nagpa-panic lang ako kung mawawalan ako ng milk supply.

    "Marami nang mga gadgets ngayon na talagang, you know, pampadali ng buhay. Pati mga treats, nagulat ako sa mga lactation treats!"

    Bukod sa mga pang-pump ng breast milk, "bilib na bilib" din si Meryll sa mga produkto tulad ng nipple shield at nipple cream na nakakatulong upang maibsan ang sakit na nararanasan ng mga nanay tuwing magpapasuso.

    Nakakapayat nga ba ang pagpapadede?

    Isang malaking "myth" o walang umanong katotohanan ang paniniwalang nakakabawas ng timbang ang pagpapadede, base sa karanasan ni Meryll.

    "Nakakaloka! Mas payat pa ako nung nanganak ako. Kasi nga lahat ng tao kapag nagbe-breastfeeding ka, 'Kumain ka! Kumain ka! Kumain ka'. Edi kumain naman ako nang kumain nang kumain. So ayan, na tumaba na," walang kiyemeng kuwento ng aktres.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Marami po akong kilala na hindi naman pumayat sa breastfeeding. It's a myth. Or siguro yung body type namin," ani Meryll.

    Totoo man o hindi, mas mahalaga na tutukan ang overall health ng breastfeeding mommies at kanilang babies. Dapat ring tandaan na iba't iba ang pinagdadaraanang hamon ng bawat nanay na nagpapasuso.

    Kaya naman mahalaga na magkaroon sila ng matatag na support system na maaari ring samahan ng tulong ng mga breastfeeding gadgets basta't subok na epektibo at ligtas gamitin.

    Basahin dito ang paglalarawan ng isang ina tungkol sa mga nararanasang hirap at sakripisyo ng mga breastfeeding moms.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles