;
embed embed2
  • Maricel Soriano Nagulat Na Hindi Na Gumamit Si Meryll Ng Bigkis

    Nagbahagi si Meryll sa kanyang Tita Mary ng mga paniniwala niya tungkol sa childcare.
    by Anna G. Miranda .
Maricel Soriano Nagulat Na Hindi Na Gumamit Si Meryll Ng Bigkis
PHOTO BY Instagram/planetumeboshi
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

    Mataas ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa ating mga tradisyon. Kasama rito ang mga paniniwalang pinasa sa atin mula pa sa mga lolo’t lola. Isa sa pinaka-popular na sinusunod ay ang pamahiin sa buntis, bawal sa panganganak, at pag-aalaga ng baby, lalo na sa mga newborn!

    Ito ang topic sa isang episode ng Dear Mama Meme, ang vlog ni Meryll Soriano tungkol sa kanyang mga karanasan bilang mommy. Nakapag-post na siya tungkol sa morning at night routines nila ng 10-month old baby niyang si Baby Gido, at ang inspiring na co-parenting setup nila ni Jerika Ejercito dahil mayroon silang mga anak na magkapatid sa tatay.

    Sa episode na pinamagatang "Traditional Mom- Diamond Star Maricel Soriano vs Modern Mom- Meryll Soriano," nagbahagi si Meryll ng mga paniniwala niya tungkol sa childcare. Ilang buwan pa lamang noon ang lumipas mula nang ibahagi nila ng kapwa aktor na si Joem Bascon ang pagdating ng kanilang bundle of joy.

    Meryll (modern) vs Maricel (traditional)

    Matutuwa kang pakinggan at panoorin ang mag-tita dahil marami silang pinag-usapang tradisyon ng mga Pilipino na ngayon ay hindi na rin ginagawa ng iba sa atin, tulad ng laway bilang panlaban sa usog sa babies. Narito ang ilan sa kanilang mga ibinahagi.

    Paggamit ng bigkis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa ang bigkis sa popular na tradisyon kapag may bagong panganak na baby. Pinaniniwalaan kasing balang araw, mas gaganda ang hubog ng katawan, magiging flat ang tiyan, at hindi uusli ang pusod kapag binigkis ang baby. Nagulat si Maricel dahil hindi na ginawa ni Meryll ang bigkis sa ikalawa nitong anak.

    Maricel: Kailangang nakabigkis ang bata. Importante ‘yan.

    Meryll: Ngayon kasi ang bigkis, hindi na talaga siya kailangan.

    Maricel: Bakit naman hindi?!

    Meryll: Kasi mas matagal mag-heal ang sugat.

    Pagtulog ng baby: Crib o sa tabi nina mommy at daddy?

    Sabi ni Maricel, "Ako, both (basta) kailangang bantayan mo." Paalala pa niya, kailangang i-a-adjust din ang posisyon ng ulo ng baby sa pagtulog para hindi mapipisa, at maiiwasan ang flat head syndrome.

    Sabi ni Meryll, "Kami ngayon ni Joem, sleeping with the baby kami sa bed."

    Maricel: "Huwag kayong magkakamaling matulog nang malalim dahil baka madaganan ang bata."

    Paggamit ng lampin vs diaper

    Isa ang diaper sa dilemma na pinagdaraanan ng bagong mommies. Kawawa kasi ang babies kapag nagkakaroon ng diaper rash.

    Maricel: Lampin! Kailangan ng lampin na lalagyan mo ng clip o di kaya aspile na malaki. (Kapag diaper), nakababad ang bata sa ihi! Papaano kapag nagka-rashes ang bata?

    Meryll: Bago na ngayon, "fluff diaper." Meron siyang parang napkin. May bamboo charcoal (para) absorbent.

    Ayon kay Meryll, pumili siya ng de kalidad na diaper para mula pagtulog hanggang paggising, komportable pa rin ang kanyang baby.

    Nang idadgdag pa niya na ang modern lampin ngayon ay chlorine-free at absorbent, sagot ng Diamond Star, "Oo nga, maganda."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagpapasuso o paggamit ng breast pumps

    Napag-usapan nila kung gaano kahirap maging working mom ngayon, lalo na’t mayroong pandemya. Halimbawa, para sa mga artista mahirap na ang pagpapasuso dahil naka-lock in tapings na sila kapag nagsimula na ang shows.

    Maricel: Direct breastfeeding [ang ideal]. Although 2 months lang ako nakapag-breastfeed.

    Meryll: Kay Eli (panganay na anak ni Meryll), nakapag-breastfeed ako six months.

    Pagligo ng bata sa umaga vs hapon o gabi

    Nabigla ulit sa sagot ng pamangkin si Maricel.

    Maricel: Umaga pero bago mo paliguan siyempre may bulak ka, i-o-oil mo muna ang baby. Dahan-dahan. Pagka-oil mo, naka-ready na ang maligamgam na tubig.

    Meryll: Kami naman, gabi!

    Pero sumang-ayon din si Maricel na  puwede namang umaga at gabi paliliguan paliliguan ang baby, lalo na kapag mainit ang panahon.

    Makikita sa kabuuan ng panayam kung gaano sila ka-open at kalapit sa isa’t isa. Busog na busog sa tawanan at tips para sa mommies ang masayang kuwentuhan nilang mag-tita. Kasama rito ang kahalagahan ng kalinisan

    • kung totoo ba ang usog
    • benefits ng pagpapaaraw sa umaga
    • kung okay lang bang bumiyahe kahit hindi pa nabibinyagan ang baby
    • kung totoong lalakas ang lungs kapag pinapaiyak ang baby
    • paglalagay ng sinulid sa noo kapag sinisinok
    • paano iiwasan ang binat kapag kapapanganak mo pa lang

    May mga nakalakhan tayong hindi na akma o kailangang gawin sa modernong panahon pero tulad ng paniniwala ng mga traditional moms, wala namang mawawala kung susunod sa mga tradisyong ito.

    Paalala rin ni Meryll, ngayong napakaraming mapagpipilian, mainam na mag-research ang mga mommy kung ano ang pinakamabubuti para sa kanilang mga anak. Mahalaga ring kumunsulta sa pediatrician.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang mayroon ding respeto sa mga nanay at/o magulang na mas naniniwala sa tradisyunal o sa makabagong paraan ng pag-aalaga sa mga bata. Ang mahalaga ay magbahagi ng kaalaman, karanasan, at wastong mga impormasyon sa isa’t isa,

    Tunay ring panahon lamang ang lumilipas at nagbabago ngunit ang pagmamahal ng mga nanay sa kanilang mga anak ay nananatiling dalisay at walang hanggan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles