embed embed2
  • Tulad Ng Maraming Mommy, Nag-Alala Si Phoemela Baranda Na Kulang Siya Sa Breast Milk

    22 years ang pagitan sa edad ng kanyang panganay at bunso.
    by Jocelyn Valle .
Tulad Ng Maraming Mommy, Nag-Alala Si Phoemela Baranda Na Kulang Siya Sa Breast Milk
PHOTO BY Instagram/Phoemela Baranda
  • Pagkatapos ng 22 taon, mommy na ulit si Phoemela Baranda nang isilang niya ang kanyang second baby noong March 5, 2021. Kaya raw parang first time lahat ng kanyang naranasan sa pagbubuntis, panganganak, at paga-alaga ng baby.

    Nagkuwento ang model at TV personality sa #UpForTheChallenge online event na inorganisa ng Philips Avent, isang child-care brand, nitong April 21.

    Sabi ni Phoemela, mas malaking challenge ang panganganak ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Aniya, "There are so many rules. Every day, the rules change. So we had to do the swab. It’s an additional thing that we had to do and an additional cost for the parents."

    Isa pang challenge para sa kanya ang aspetong pisikal dahil sa kanyang edad na 40 at ang lampas 20 taon na lumipas nang ipanganak niya ang kanyang panganay na si Kim Baranda. Kaya hinanda raw niya ang kanyang sarili physically, emotionally, at mentally.

    Ang ikatlong challenge raw ay "keeping up with the baby." Sinisikap daw talaga niyang maging hands-on sa paga-alaga sa panganay nila ng partner niyang si Jason Choachuy, isang businessman at professional race car driver. Illya ang pangalan ng kanilang baby girl.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero ang hindi inasahan ni Phoemela na challenge na haharapin ay ang breastfeeding. Paliwanag niya, "I didn’t breastfeed with my first child. I was young. I went back to work right away. It’s like a first time for me now."

    Aminado siyang kulang ang kanyang preparasyon kumpara sa mga kapwa niya celebrity guests sa online event, tulad nila Canille Co at Patti Grandidge. May group chat daw sila, kaya alam niya ang mga paghahanda, lalo na ng first-time mom na si Camille.

    Pagbabalik-tanaw ni Phoemela na noong una niyang subukan na padedehin si Baby Illya, wala masyadong lumabas sa kanyang dibdib. Lubha siyang naga-alala lalo na't umiyak nang husto ang kanyang anak.

    Sabi pa niya, "I was so worried because the first time she latched, I felt I didn’t produce enough milk or colostrum. She was crying, and I felt so bad. I had to consult a lactation doctor, and she suggested to pump first so that we could produce more milk."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tama nga raw ang ginawa nila Camille at Patti na paghahanda, kahit sa pagbabasa tungkol sa breastfeeding. Doon daw siya nagkulang. Kinuha niya ang pagkakataon sa online event na humingi ng payo sa birthing coach na si Chiqui Brosas-Hahn.

    Sabi naman ni Chiqui, kailangan daw habaan ang pasensya sa pagpapadede. Hindi daw overnight natututunan ang breastfeeding. Meron nga raw mga mommy na inaabot ng ilang  linggo o buwan. Paalala niya, "Just keep pumping."

    What other parents are reading



Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles