embed embed2
Safe At Effective Ba Ang Trust Pills Sa Breastfeeding? May Sagot Ang Mga Eksperto At Nanay
PHOTO BY Pexels/Wendy Wei
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Pagkatapos manganak, isa sa iniisip ng mga nanay ang family planning na susundin nilang mag-asawa. Magkakaiba kasi ang bawat pamilya ng  pamamaraang sinusunod. May gumagamit talaga ng natural family planning pero may ibang pumipili naman sa iba pang birth control method. Kaya ang tanong nila ay kung safe ang Trust pills for breastfeeding.

    Exclusive breastfeeding bilang natural family planning

    Ang eksklusibong pagpapasuso (exclusive breastfeeding) sa iyong baby ay isang natural na pamamaraan ng mabuting pagpaplano ng pamilya. Pero dapat na nagsisimula ito mula sa pagsilang ng iyong anak, tuloy-tuloy, at walang halong formula milk para tiyak na epektibo.

    Ang tawag sa ganitong pamamaraan ay lactation amenorrhea method (LAM). Sa pamamagitan ng eksklusibong pagpapasuso napipigilan ang pag-ovulate kaya hindi agad dinadatnan ng regla ang mga breastfeeding mom.

    Kapag hindi nasunod nang tama ang kondisyon nito, hindi magiging epektibo ang natural family planning. Kaya naman ang ibang breastfeeding mom ay sumusubok pa rin ng ibang family planning method gaya nga ng pag-inom ng pills.

    Gayunpaman, inirerekomenda na ang pag-inom ng anumang pills ay dapat gawin pagkaraan ng anim na linggo o higit pa pagkapanganak para matiyak ang dami ng suplay ng iyong breast milk. May ilang pills kasi, lalo na iyong nagtataglay ng hormones, na nakapagpapahina ng suplay ng breast milk.

    Trust pills sa breastfeeding moms

    Dahil dagdag din sa gastusin ang paggamit ng pills, bagaman nakakukuha naman ng libre nito sa mga health center sa inyong barangay. Pero nangangailangan kasi ng oras ang pagpila kaya isa sa pinipili ng mga nanay na bilhin ay iyong abot-kayang halaga lamang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa na rito ang Trust pills na talagang swak sa budget lamang. Ito ay isang uri ng combination pills na nagtataglay ng kombinasyon ng hormones na estrogen at progestin.

    Ang mga combination pills ay nakaaapekto sa menstrual cycle dahil sa pag-introduce nito ng ibang hormones sa katawan kaya napipigilan nito ang pag-ovulate. Napaninipis ang uterine lining ng combination pills na ito para hindi ma-fertilize ang egg cells. Nagdudulot ito ng pagkapal ng cervical mucus para hindi maabot ng sperm ang egg cells.

    Kung talagang napipigilan ng combination pills ang tsansa ng pagbubuntis, safe ba sa mga breastfeeding mom ang pag-inom ng gaya ng Trust pills? Ito rin ang tanong ng ilang mommy sa Smart Parenting Village (SPV), ang online community ng Smart Parenting.

    Ibinahagi rin ng mga mommy na iba-iba ang epekto ng mga pills na iniinom nila. Napansin ng ilang mga breastfeeding mom na humihina ang suplay ng kanilang breast milk nang gumamit sila ng Trust pills. Kaya naman hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng combination pills gaya ng Trust dahil sa nagagawa nitong pahinain ang milk supply mga breastfeeding mom.

    Ayon din sa mga eksperto, hindi ipinapayo sa mga breastfeeding mom ang pag-inom ng pills na may taglay na Ethinyl Estradiol, Levonorgestrel, at Ferrous Fumarate gaya ng Trust. Mungkahi nila ang paggamit ng progestin-only pills.

    Iba pang pills sa mga breastfeeding moms

    Kung talagang hindi maiiwasan ang pag-inom ng pills pero gusto mong ipagpatuloy ang pagpapasuso sa iyong baby, ipinapayong humanap ng progestin-only pills (POP) o mini-pill. Ang ganitong pills ay nagtatalay lamang ng isang hormone na progesterone. Sinasabing epektibo rin itong gamitin sa pagpigil sa pagbubuntis.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa pag-inom ng ganitong pills, hindi maiiwasan na humalo sa iyong breast milk ang hormones na taglay nito pero batay sa mga pag-aaral hindi naman ito nakasasama sa iyong baby.

    Ilan sa mga pills na iniinom ng mga nanay na breastfeeding na ibinahagi nila sa SPV ay Exluton, Daphne, at Cerazette pills. Ayon sa kanila, walang naging epekto sa suplay ng kanilang breast milk ang mga pills na ito. Pero sa iba nagkaroon din ng side effect, gaya ng pagkakaroon ng acne break out, pagkahilo, pagsakit ng ulo, flushing, pagpapayat, o pagbigat ng timbang.

    Progestogen-only pills

    Isa sa kilalang ganitong pills ang Daphne na nagtataglay ng lynestrenol.  Ayon sa medical information resource, ang lynestrenol ay isang synthetic progestogen na gaya sa female hormone. Ginagamit ito para sa mga may menstrual disorder na dulot ng pagkakaroon ng problem sa hormones sa kanilang katawan. Ginagamit din ito na oral contraceptive para pigilan ang pagbubuntis.

    Gaya ng ibang pills, nagagawa ng Daphne na pakapalin ang cervical mucus para hindi maabot ng sperm ang egg cells at napipigilan nito ang pag-ovulate. Ganoon din ang Exluton at Cerazette pills, pareho din itong POP o mini-pill.

    Ang mga ganitong mga pills ay iniinom sa loob ng 28 araw na walang tigil o paghinto. May label ang bawat pill ng kada araw sa isang linggo kaya matutulungan kang matiyak ang iyong pag-inom nito. Maaaring simulan ang pag-inom nito pagkaraan ng anim na linggo ng pagkapanganak. Maaari ding simulan ang pag-inom basta nakatitiyak na hindi ka buntis.

    Pagkaraan ng 28 araw, maaaring simulan mo na ang pag-inom ng panibagong set nito kahit di pa dumarating ang iyong regla. Karaniwan na umaabot ng dalawang araw matapos mainom ang isang set nito bago ka ulit datnan ng iyong regla.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa National Health Service (NHS), nagiging epektibo ang progestogen-only pill kung tama ang pag-inom nito. Ipinapaalala pa rin na mas mahalaga ang pagkonsulta sa iyong ob-gyn bago uminom ng anumang uri ng contraceptive para mabigyan ng tamang payo.

    Paggamit ng mga non-hormonal control methods

    Sabi ng mga mommy sa SPV, nakapapagod din ang pag-inom ng pills. Kung minsan, nakakadagdag din ng kanilang alalahanin kapag nalimutan nila ang pag-inom nito. Kaya kung ibig na ipagpatuloy ang eksklusibong pagpapasuso sa iyong baby at gusto mong mapigilan ang pagbubuntis, subukin ang mga natural na paraan na pagpaplano.

    Kabilang dito ang calendar o rhythm method. Maaari din ang non-hormonal birth control methods gaya ng condoms, cervical cap, at intrauterine device (IUD). Tignan kung saan ka magiging hiyang bago isipin ang Trust pills for breastfeeding.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Trust Pill

    https://www.mims.com/philippines/drug/info/trust%20pill?type=full

    Lynestrenol

    https://www.practo.com/medicine-info/lynestrenol-1167-api

    The progestogen-only pill

    https://www.nhs.uk/conditions/contraception/the-pill-progestogen-only/

    Read also: Benepisyo Ng Pagpapasuso

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles