-
Aminado Si Angelica Panganiban Na Pinanghinaan Siya Ng Loob Sa Pagsusumikap Na Mabuntis
Hindi alam ng aktres na nakakaramdam na pala siya ng mga sintomas ng pagbubuntis.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Noong 25 years old si Angelica Panganiban, nalaman niyang adopted siya ng kanyang kinikilang nanay.
Nalaman rin ng aktres, ayon sa news report, na dalawang taon nang sumakabilang-buhay ang kanyang biological mother at nadalaw niya ang puntod nito sa Singapore. Natunton naman niya sa Amerika ang kanyang biological father, na miyembro ng United States Navy nang mapadpad sa Pilipinas bandang 1980s.
Simula noon, sabi ni Angelica sa panayam niya sa vlog ni Meryll Soriano, pinagdasal na niyang magkaroon ng sariling pamilya. Sa tuwing magkakarelasyon siya, lagi niyang iniisip, "Ito kaya ang makakasama ko na magkaroon ng pamilya?" Kaya sa tuwing nauuwi ang relasyon sa hiwalayan, aniya, "kasama parati ’yun sa sakit na nararamdaman ko."
Masaya ang kuwentuhan nina Angelica (kanan) at Meryll dahil matagal na silang magkaibigan. Sabi nga ni Meryll, na may dalawang anak, na excited siyang matupad ang pangarap ni Angelica na magkaroon ng sariling pamilya.PHOTO BY YouTube/Meryll SorianoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgayong 35 years old na si Angelica, ilang linggo na lang ang kanyang hinihintay para magkatotoo ang kanyang dasal. Magiging nanay na siya sa unang anak nila ng partner na si Gregg Homan, isang negosyante.
Hirap magbuntis sa simula
Kuwento ni Angelica na isang taon silang sumusubok ni Gregg na makabuo ng baby, pero hindi sila nagiging matagumpay. Kaya panay ang tanong niya sa mga malalapit niyang mga kaibigan: "Ano ba, paano ba? Ano ang sikreto? Ano ba ang dapat gawin?"
May mga kinausap din daw silang mga doktor at ginawa nila ang "lahat ng dapat gawin." Pero pagdating ng bandang September 2021, aminado siyang "medyo napanghihinaan na rin ng loob."
Natatawang sabi ni Angelica kay Meryll, "Ang bilis kong panghinaan ng loob, no?" Pero paliwanag niya, "Sa kakakita-kakakita ko ng monthly, monthly, na puro negative, ’yung nakikita mo sa pregnancy test, then feeling mo naman sinusunod mo lahat ng bilin ng doktor…
CONTINUE READING BELOWwatch now"Kung lifestyle mo noon, tinalikuran mo. Wala kang bisyo, wala kang alak, wala kang puyat. Yoga ka nang yoga, malapit na akong maging yogi, di ba? Pa-expert na ’ko. Walang nangyayari."
Kaya nagdesisyon si Angelica at kanyang partner na "mas maganda siguro i-relax ko na lang." Tinodo raw nila ang pagre-relax pagpasok ng November, na kanyang birthday month, at itinuloy hanggang Pasko at Bagong Taon. Nag-party sila kasama ng mga kaibigan, na may kasamang pag-inom at pagpupuyat.
Nang magsimula ang Taong 2022, January pa lang, naalala ni Angelica na nakakaramdam siya ng premenstrual syndrome (PMS). Ilan daw sa mga sintomas ang pagiging mainitin ang ulo at iritable. Pero dumaan na ang 15 hanggang 18 days, at hindi pa rin dumadating ang kanyang buwanang dalaw.
Pagbabalik-tanaw niya, "Hindi ko talaga inisip na maaaring buntis ako dahil lahat ng ginawa ko no’ng December, kabaligtaran ng bilin ng doktor." Sinabi pa raw si Gregg na kumuha ulit ng home pregnancy test, pero umayaw siya dahil "masasaktan lang ako" kung negative na naman ang resulta.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya naiinis at natatawa siya sa sinasabi ng ovulation app na kanyang sinusundan: "Congratulations! You may be pregnant!" Hindi raw kasi siya nakakapag-log in ng kanyang menstruation kaya sinasabi iyon ng app.
Paano nalamang buntis siya
Naghahanda si Angelica sa gagawin niyang sitcom kasama si Piolo Pascual nang mapansin niyang napapadalas ang kanyang pag-ihi. Malaking problema ito dahil nakatira sila ni Gregg sa Subic at nasa Antipolo naman ang location nila ni Piolo.
Naga-alala si Angelica na maihi sa mahabang biyahe, pero naga-alangan siyang makigamit ng toilet sa mga madadaanang gasoline station. Takot daw kasi siyang makasagap ng COVID-19 virus at madala pa niya ito sa location ng kanilang trabaho. Ilang linggo kasi silang magkakasama sa tinatawag na lock-in taping.
Pagdating niya sa Antipolo at nagpapahinga sa kanyang kuwarto, hindi mawala sa kanyang isip na "hindi pa ako naging ihing-ihi nang ganito sa buong buhay ko." Naisip niya rin na ang spotting na nararanasan niya na hindi normal na menstruation ang kulay. Sinabihan na niya si Gregg bago pa siya umalis ng Subic na magpapa-check up sila pagkatapos ng kanyang trabaho.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNang binuksan niya ang lagayan ng kanyang toiletries, nakita niya ang pregnancy test kit at biglang naisipang gamitin ito. Pero confident daw siyang negative ang magiging resulta nito. Kaya laking gulat niya nang biglang bumulaga sa kanya ng dalawang linya, kahit na medyo malabo iyong isa.
Lahad ni Angelica, "Iba pala ang feeling na pag dumating na s’ya sa ’yo na parang…talagang nanginig ang buong katawan ko. Nabasa ko ’yung paper na kasama sa pregnancy test, na kahit faint ’yung second line, pregnant ka. Kahit ilang beses kong nabasa, gusto ko lang ulit-ulitin, siguraduhin na tama ang binabasa mo, na talagang dumating sa ’yo. ‘Wow, buntis talaga ’ko!'"
Sa kabilang banda, iniisip niya ang magsisimula pa lang niyang trabaho: "Wait lang, anong nangyayari? Bakit ako nandito?’ Kapapasok ko lang. Mhie, umihi lang ako sa set, kailangan ko nang umalis. Nakakahiya. Napaka-diva ng anak ko, di ba?"
Dagdag niya, "Literally hindi ko alam ang gagawin ko. Sino ang una kong tatawagan? Doktor ba? Manager ko ba? Siyempre partner ko. Kami ang bumuo nito. Parang iniisip ko, gusto ko munang makausap ang doktor, na sabihin sa ’kin, na ‘Yes,’ kahit faint ’yung linya, yes, you are pregnant."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero nang tawagan ni Angelica ang kanyang doktor, hindi niya ito mahagilap. Kaya sunod niyang tinawagan si Gregg. Natatawa siyang maalala ang pagtitiis ng kanyang partner sa kanyang pagu-ugali, na napagtanto niyang malaki ang kinalaman sa kanyang pagbubuntis.
Natatawa niyang pag-amin, "Napakamaldita ko. Nagiging halimaw talaga ’ko. Hindi namin alam. Umiiyak ako out of nowhere. Kumakain ako ng chicharon, pumutok s’ya sa mata ko, nag-breakdown ako. Sabi ko, ‘I hate my life.’"
"’Tapos pinagluto ako ni Direk Andoy," dugtong niya, sabay banggit sa kaibigang TV director na si Andoy Ranay. "Ang gusto ko sa liempo, salt and pepper lang. Gumawa siya ng salt and pepper na may sage, lemon, ginourmet niya.
"Ang init ng ulo ko. Galit na galit ako sa kanya. ‘Ikaw, pasikatera ka! Sabi kong salt and pepper! Ang pasikatera mo!’ Puwede namang di ko na lang kainin. ’Yon na pala ’yon. Napakametikuloso ko sa mga bagay-bagay."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ni Angelica, sa sobrang excited ng partner niyang si Gregg sa pagdating ng kanilang first baby, gusto na nitong magpatayo ng playground. Pinaalalahan niya itong hintayin munang gumapang muna ang parating pa lang nilang anak.PHOTO BY Instagram/iamangelicapHopes at fears habang buntis
Kuwento ni Angelica na lagi niyang kinakalma ang sarili sa pagi-isip ng maraming bagay, lalo na tungkol sa future ng kanyang baby. Kailangan daw kasi step-by-step at huwag munang alalahanin kung paano, halimbawa, ang upbringing. Kaya panay daw ang kanyang meditation at yoga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLahad niya, "Gusto kong matuto, on my own. Alam ko namang magkakamali ako. Ini-embrace ko, hinahayaan ko lang. Iniisip ko na noong unang panahon nga wala namang ganito, wala namang ganyan. Pero naka-survive sila…
"Tinigil ko na rin ang kakatanong. Na-realize ko, bawat magulang, iba-iba talaga. Iba-iba ng experience, iba-iba ng pamamaraan. So do’n ko na-gets. Oo nga, no, iba naman ang baby mo, sa baby n’ya."
May mensahe si Angelica sa mga tulad niya noon na hirap magbuntis: "Ang tagal kong naging single. Dumating ako sa point na, magpi-freeze ng eggs, ganyan. Ang dami ng options na sinubukan. Tinropa ko si God. 'Alam ko na ibibigay Mo ’to sa ’kin.'
"Kaya noong nangyari s’ya, iba rin. Siguro ang pinakamagandang ginawa ko, noong kumalma ’ko. Hindi ko kinulit ’yung universe. Hindi ko kinulit si God. Hinayaan ko siya ibigay kasama ang tamang tao, sa tamang pagkakataon. Naniniwala ako na kanya-kanyang panahon ’yan, kanya-kanyang timing."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito ang sabi ng psychologist tungkol sa pagbubuntis nang lampas 30 years old.
What other parents are reading

- Shares
- Comments