health,Tagalog,con-00391,Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,Family/Children,Genres,sc25,Alternative & Natural Medicine,luya para sa buntis,Luya Para Sa Buntis: Ligtas Ba O Dapat Iwasan?,Ang luya ay may maraming benepisyo para sa buntis, tulad ng pagpapagaan ng nausea at pagpapabuti ng digestion. Ngunit, ligtas ba ito?
PregnancyGetting Pregnant

Luya Para Sa Buntis: Benepisyo At Babala Sa Pag-Inom Ng Salabat

Ang luya ay kilalang halamang gamot na may maraming benepisyo, ngunit ligtas ba ito para sa buntis?
PHOTO BYCANVA

Ang pag-inom ng herbal sa panahon ng pagbubuntis ay nangangailangan pa rin ng konsultasyon sa ob-gyn. Bagaman natural ang mga herbal, hindi naman lahat ng ito ay ligtas na inumin sa panahon ng pagbubuntis. May ilang produktong herbal na nagtataglay ng sangkap na hindi angkop para sa mga buntis.

Ayon sa American Pregnancy Association, may mga herbal na maaaring magdulot ng pagkalaglag, maagang panganganak, paghilab ng matris, o pinsala sa fetus. Kakaunti lamang din ang mga naisagawang pag-aaral para sukatin ang mga epekto ng iba’t ibang herbal sa buntis o fetus.

Gayunpaman, may mga herbal na pinapagayagan o karaniwang inirerekomenda sa mga buntis dahil may mga malawak na pag-aaral. Gaya na lamang ng luya na nakatutulong para maibsan ang pagkahilo at pagsusuka.

Ang luya bilang herbal o halamang gamot

Ang luya o ginger ay isang halamang gamot na matagal nang ginagamit sa tradisyonal na medisina at sa pagluluto dahil sa mga benepisyong pangkalusugan na dala nito. Sa Pilipinas, karaniwang iniinom na ito bilang salabat, isang uri ng tsaa na gawa sa luya para maibsan ang iba’t ibang karamdaman.

Mga benepisyo ng luya para sa buntis

Karaniwang ginagamit ang luya bilang panggamot sa mga suliranin sa gastrointestinal tract at nakatutulong sa digestion. Ginagamit ito sa mga problema o sakit ng tiyan pati na rin sa pagsusuka.

Ayon nga sa National Center for Complementary and Integrative Health (NCCIH), ginagamit ng mga tao ang luya para sa mga sakit sa kasukasuan, suliranin sa digestion, impeksyon sa respiratory, allergies, mga sakit sa atay, at iba pa.

Ang luya ay maaaring gamitin nang sariwa at ihalo sa mga pagkain bilang pampalasa ngunit maaari din ito na pinatuyong mga ugat, gawing powder ang pinatuyong ugat na inilagay sa capsule, at tsaa o liquid extract na hinaluan ng honey o asukal.

Kaya ang pag-inom ng salabat ay masasabing makatutulong sa mga buntis hindi lamang sa kanilang pagsusuka kundi maging sa digestion na mga problemang karaniwang kinaharap ng mga buntis.

1. Pagbawas ng pagsusuka o pagduduwal

Karaniwan na sa buntis na sa unang trimester ang makaranas ng pagduduwal o pagsusuka o ng kanilang “morning sickness”. Makatutulong ang luya para maibsan ito. Ang paghigop ng mainit na salabat ay lalong nakatutulong sa pagrerelaks ng tiyan at pagkawala ng pakiramdam ng pagkahilo.

watch now

2. Pagpapabuti ng panunaw

Sa pagbubuntis, madalas nakararanas ng problema sa digestion gaya ng kabag o hindi pagdumi. Nakatutulong ang luya sa pagpapabuti ng panunaw sa pamamagitan ng pagpapasigla ng produksyon ng mga digestive enzymes.

3. Pagpapalakas ng immune system

Taglay ng luya ang katangiang antioxidant at anti-inflammatory na nakapagpapalakas ng immune system. Maiiwasan ang karaniwang sakit gaya ng sipon at ubo. Mahalaga sa buntis ang pagpapalakas ng immune system dahil madali silang kapitan ng mga impeksyon.

4. Pagpapababa ng blood sugar

Sa panahon din ng pagbubuntis, maaaring maranasan ang gestational diabetes. Ipinapakita ng ilang pag-aaral na nakatutulong ang luya sa pagpapababa at pagkontrol ng pagtaas ng level ng blood sugar.

5. Pag-alis ng pananakit ng katawan

Isa sa madalas na nararanasan din ng buntis ang pananakit ng katawan o kalamnan dahil sa pagbigat ng kanilang tiyan gayundin ang pagmamanas. Maaaring makatulong ang luya sa pag-alis nito dahil sa taglay nitong mga anti-inflammatory properties.

Ang Tamang Pagkonsumo ng Luya o Salabat ng Buntis

Kahit na maraming benepisyo ang luya, mahalagang isaalang-alang ang tamang paggamit nito lalo na sa pagbubuntis. Ayon sa mga eksperto, itinuturing na ligtas ang pag-inom ng 1-2 tasa ng salabat sa bawat araw. Maaaring magdulot ng pagdurugo o posibleng makunan kung labis ang pagkonsumo nito.

Sinasabi rin sa isang artikulo ng Medical News Today, na ligtas ang pagkonsumo ng isang buntis ng sariwa o pinatuyong luya ngunit may tamang dami lamang. Ipinapaalala rin na dapat iwasan ng buntis ang pag-inom ng mga capsule o supplement na nagtataglay ng turmeric o curcumin bilang pangunahing sangkap. Dahil ang pag-inom ng marami o malaking bilang ng curcumin habang buntis ay maaaring magpabago ng antas ng hormone ng estrogen sa katawan na maaaring magdulot ng pagdurugo o uterine contractions na posibleng magresulta ng pagkalaglag o maagang panganganak.

Paraan ng Pag-inom ng Salabat para sa Buntis

Maaaring maglagay ng 1 kutsarita ng ginadgad o hiniwang luya sa isang tasang mainit na tubig. Ibabaad ito ng 10-15 minuto saka salain ang luya. Magdagdag o haluan lemon at honey ayon sa panlasa.

Puwede rin ang paggamit ng nakapakete na ginger tea bags ngunit tiyaking nasusunod ang paalala na nasa pakete at hindi sosobra sa inirerekomendang dami ng pagkonsumo nito.

Bukod sa pag-inom ng salabat, maaaring ibudbod din ito sa pagkain o inumin. Maaari ding ihalo na sangkap bilang pampalasa sa inilulutong pagkain.

Sa kabuuan, ang luya ay isang natural na lunas na maaaring magdulot ng maraming benepisyo para sa mga buntis. Ngunit, dapat tandan na bagaman na maraming benepisyo ang luya o salabat sa buntis, kailangan pa rin ang moderasyon sa pagkonsumo nito. Ito rin ang paalala ng isang ob-gyn sa isang artikulo ng Baby Center na maraming tsaa ang ligtas inumin habang buntis nang may moderasyon. Isaisip na hindi makabubuti ang sobrang pagkonsumo nito. Bago rin sumubok ng luya at iba pang herbal ay mas mainam na kumonsulta muna sa doktor.

Basahin ang iba pang benepisyo ng luyang sa katawan dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close