;
embed embed2
Kung Paano Naging Mom Of 3, Pero Hindi Triplets, Sa Loob Ng 1 Taon
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi na bago ang pagbubuntis at panganganak ng dalawang beses sa isang taon. Pero sa kaso ng isang single mom sa Washington state ng United States, nagsilang siya sa tatlong sanggol, at hindi sila triplets.

    Kuwento ni Stephanie Hansen sa ulat ng TODAY Parents, una siyang nanganak noong January 28, 2020 sa isang baby girl na pinangalanan niyang Daphne. Pagkalipas ng 10 buwan, nanganak siya ulit, sa twin girls na sina Rubie at Penelope.

    Bagamat nakakawindang ang mga nangyari, maayos naman daw ang lagay nilang magi-ina. Aniya, “It’s total chaos. But it’s the best chaos.”

    Nagbalik-tanaw si Stephanie, 32, tungkol sa kanyang ikalawang pagbubuntis, na tinawag niyang "total shock."

    Nasa bago siyang relasyon noon, at kumuha raw siya ng pregnancy test bilang paghahanda sa birth control method na kanyang susubukan. Kaya laking gulat niya nang malamang buntis pala siya.

    Aminado si Stephanie na nakaligtaan niyang bantayan ang pagbabalik ng kanyang ovulation pagkatapos manganak. Maaaring dala raw ito ng "newborn fog," pati na excitement sa pagkakaroon ng bagong relasyon, at "adjusting" pa siya sa mga bagong pangyayari sa kanyang buhay.

    Ipinagtapat din niyang "overwhelmed" siya sa dami ng emosyong kanyang nararamdaman, kabilang na ang "guilt." Naga-alala raw siya na baka makaramdam ang panganay na si Daphne na napapabayaan dahil sa pagdating ng kambal.

    Siya raw mismo na new mom ay naga-alala kung kakayanin niya ang magkasunod na pagbubuntis at panganganak sa loob lamang ng isang taon. Nalungkot daw siya na hindi na niya mabibigyan ng "one-on-one time" si Daphne. (Basahin dito para sa tips kung paano ihanda ang older kid sa pagdating ng bagong baby.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nawala ang lahat ng takot ni Stephanie nang iuwi na niya mula sa ospital ang kambal. Si Daphne pa raw ang excited na hawakan ang kanyang baby sisters. Marunong na raw yumakap ang bata kahit hindi pa ito naglalakad.

    Kuwento pa si Stephanie na ngayong 2 years old na si Daphne at 15 months naman sina Penelope at Rubie ay talagang hindi sila mapaghiwa-hiwalay. Para na raw Three Musketeers ang mga magkakapatid. Sabay-sabay daw silang kumakain, nagliligo, at naglalaro. Magkakasama rin sila sa isang kuwarto.

    Dagdag pa ni Stephanie na "co-parenting" sila ng tatay ng kambal kahit nagkahiwalay na sila. Nananatili raw silang magkaibigan.

    Hindi man madali ang mga pinagdaanan niya, masasabi ng mom of three na pinakamasaya siya sa puntong ito ng kanyang buhay. Ang mga anak daw niya ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.

    Kailan puwedeng mabuntis ulit ang kapapanganak pa lang

    May paliwanag si Dr. Christine Greves, isang ob-gyn sa Orlando Health Winnie Palmer Hospital for Women & Babies sa Orlando sa U.S. state ng Florida, sa parehong ulat. Aniya, maaaring bumalik ang ovulation anim na linggo pagkatapos manganak.

    Nakakaligtaan daw talaga ng new moms ang kanilang ovulation cycle. Gayonpaman, puwede talagang mabuntis ulit kahit hindi inaakalang ovulating sila. (Basahin dito para sa ovulation calendar.)

    Samantala, rekomendado ng World Health Organization (WHO) ang dalawang taon na agwat sa paga-anak o pregnancy spacing.

    Narito naman ang ilang factors na makakatulong sa pagpaplanong mabigyan ng kasunod ang anak:

    • Hindi bababa sa 4 hanggang 6 na linggo bago maghilom ang matris (uterus)
    • Kailangan ng mula 4 hanggang 6 na buwan bago masanay sa pagiging nanay
    • Umaabot sa 1 taon bagong makabawi ang katawan mula sa pagbubuntis at panganganak
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May mga benepisyo ang pagkakaroon ng kapatid, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles