;
embed embed2
9 Tips Para Sa Tamang Pag-upo Ng Buntis (Hindi Ayon Sa Paniniwalang Bawal Sa Hagdan)
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Isa sa paniniwala ng mga matatanda na kapag buntis bawal daw maupo sa hagdan dahil mahihirapan daw manganak. Naibahagi nga ng isang mommy sa Parent Chat, ang online parenting community ng SmartParenting.com.ph, na pinagsabihan siya ng kaniyang lola na magiging patigil-tigil ang paglabas ng anak niya dahil sa hindi tamang pag-upo ng buntis.

    Marahil walang katotohanan ang paniniwalang ito ngunit kung iisipin naman, isang paalala ito ng pag-iingat sa mga buntis para maiwasan ang anumang disgrasya gaya ng posibleng madulas o mahulog sa hadgdan.

    Siguro paalala na rin ito sa pagkakaroon nang maayos o komportableng posisyon sa pag-upo ng mga buntis. Siyempre habang lumalaki ang baby sa sinapupunan, bumibigat lalo ang tiyan ng mga buntis at nakakaragdag ito ng pressure sa balakang at likod.

    Kaya naman, mahalaga sa buntis ang pagsasaalang-alang ng tamang pag-upo maging ng pagtayo at paghiga para dahil makatutulong ito na maiwasan at mabawasan ang anumang pananakit ng likod at pananakit ng balakang ng buntis.

    Mga tips na ito para sa tamang pag-upo ng buntis

    Suhestiyon ng mga eksperto na subukang gawin ang mga sumusunod nang makaupo nang tama:

    • Maupo nang nakadiretso ang likod at pantay ang balikat.
    • Tiyaking nakalapat ang puwet nang maayos sa upuan.
    • Pumili ng upuan na matibay at komportable kang makauupo at naabot ng paa ang sahig.
    • Gumamit ng upuan na may armrest para makapag-relaks ang iyong balikat at braso.
    • Kung ang swivel chair ang upuan, iikot ang buong katawan at iwasan na i-twist ang iyong baywang.
    • Maupo nang may suporta sa likuran gaya ng unan o maliit at nakarolyong tuwalya.
    • Mag-ingat sa pag-upo sa mga upuan na de-gulong dahil maaaring gumalaw ito habang ikaw ay umuupo.
    • Iwasan na nakade-kuwartro o magka-krus ang paa para hindi makaapekto sa sirkularyon ng dugo.
    • Mas mabuti rin na tumayo kada oras o tuwing lilipas ang 30 minuto at maglakad-lakad kaysa nakaupo nang matagal. Maaaring magdulotdin  kasi ang matagal na pag-upo ng pagmamanas.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa pag-upo mahalagang panatilihin din ang tamang pagtayo dahil makabubuti ito sa iyo at sa iyong baby. Narito ang ilang paalala na dapat mong gawin:

    • Iwasan ang pagtayo nang matagal. Subuking magpalit-palit ng posisyon sa pagtayo.
    • Kapag nakatayo, panatilihing medyo magkalayo ang mga paa at iwasan na magkrus ang mga binti.
    • Iwasan na iliyad ang balakang paharap o palikod para hindi mangalay.
    • Kung kinakailangang tumayo nang matagal, ilagay ang isang paa sa maliit na step stool o hagdan para maialis ang kaunting bigat sa iyong likod o balakang.
    • Kung tatayo naman mula sa pagkakaupo, umurong papunta sa dulo ng upuan. Ilapat ang paa sa sahig. Tumayo sa pamamagitan ng pagtuwid ng iyong mga binti. Dahan-dahang inunat o buhatin ang iyong likod patayo. Iwasang yumuko nang pasulong sa iyong baywang.

    Subukin ang mga tips naman na ito sa paghiga:

    Bukod sa tamang pag-upo at pagtayo, dapat ding isaalang-alang ang ang tamang paghiga. Isa rin sa nakadaragadag ng pananakit ng likod at balakang ng mga buntis saka maayos na pagtulog kung hindi tama ang posisyon sa paghiga. Ayon sa Stanford Childrens’ Health, ang pregnancy hormones ay nagdudulot ng pagrelaks ng ligaments o litid. Dahil dito, nakakaramdam nang hindi pagiging komportable sa paghiga kaya ipinapayong makabubuting iwasang mahiga nang patihaya.

    Kung nakahiga nang patagilid, sikaping nakaayos ang iyong katawan, na bahagyang nakabaluktot ang iyong binti at iwasan na magka-krus ito. Maaaring gumamit ng unan na makasusuporta sa iyong likuran, binti, at ilalim ng tiyan.

    Kung tatayo naman mula sa pagkakahiga, iangat ang itaas na bahagi ng katawan gamit ang mga braso at kamay para makaposisyong nakaupo. Pagkatapos, ilagay ang mga binti sa gilid ng kama at ilapat ang paa sa sahig saka dahan-dahang tumayo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang pagpapanatili ng tamang pag-upo, pagtayo, at paghiga ay makapagbibigay ng ginhawa sa iyo at posibleng makaiwas sa anumang problema o discomfort na mararanasan habang buntis. Kaya hindi dapat basta-basta uupo o tatayo na lamang.  Mahalaga na mag-ingat at magdahan-dahan para sa kaligtasan ninyo ng iyong baby.

    Makatutulong din sa pagpapanatili ng magandang posture ang pagsusuot ng komprotableng sapatos. Iwasan na muna ang matatas ang takong o high heels. May ibang buntis din na lumalaki ang sukat ng paa kapag buntis at nagmamanas. Magsuot ng makasusuporta sa iyong paa para sa bumibigat mong timbang. Subukin ding gumamit ng pregnancy belly band para suportahan ang balakang at likod sa bumibigat na tiyan.

    Kung babalikan natin ang tanong kung masama nga ba sa buntis na umupo sa hagdan, wala man itong siyentipikong batayan ngunit kung pagninilayan hindi ito makabubuti sa iyo dahil sa posibleng maidulot sa discomfort, gaya ng pananakit ng likod at balakang. Ang mahalaga ay gawin ang tamang pag-upo ng buntis para mas kumportante ang iyong pakiramdam.

    Pinagkunan ng impormasyon:

    Pregnancy and Posture

    https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=pregnancy-and-posture-134-8 

    7 Tips to Get Better Sleep While Pregnant 

    https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/tl/7-tips-to-get-better-sleep-while-pregnant-a1533-20161107 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles