-
Preschooler Parents Are Being Warned Of Screen Addiction Amid Pandemic: How To Fight It
-
News TikTok Asked To Block Underage Users After Death Of 10-Year-Old In 'Blackout Challenge'
-
Toddler Parusa, Pagsigaw: Maling Gawain Sa Pagdisiplina Na Puwedeng Maiwasan, Ayon Sa Expert
-
Real Parenting Define Stress-Free Life. Isa Sa Mga Sagot Ng Moms, 'Bumukod Ka'
-
Totoo O Hindi? Mga Myths Tungkol Sa Pagpapaputi Ng Kili-Kili
Ano nga bang dapat gawin kung mayroon kang maitim na lihim?by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Confident mo bang maitataas ang mga kamay mo ngayon? 'Yung itataas mo nang hindi ka natatakot at nag-aalala na baka makita ang kili-kili mo. May maitim ka bang lihim na itinatago mo sa pamamagitan ng long sleeves?
Hindi lang ikaw ang namomroblema pagdating sa maitim na kili-kili. Sa katunayan, maraming mga babae ang nahihiyang magtaas ng kanilang mga kamay dahil dito.
What other parents are reading
Ayon sa Healthline, bagaman dapat sana ay kakulay ng kili-kili mo ang balat mo sa ibang bahagi ng katawan mo, hindi maiiwasan na may ilang bahagi na umitim katulad ng iyong batok, singit, siko, tuhod, at ang iyong kili-kili.
Ang pangingitim ng mga bahagi ng katawan mo na ito ay maaaring sanhi ng isang kundisyon sa balat na kung tawagin ay acanthosis nigricans o AN. Hanggang 74% ng mga tao ang nakakaranas nito, batay sa isang 2014 overview.
Dagdag pa ng mga eksperto, ang pag-itim ng mga bahaging ito ng iyong katawan ay depende rin sa iyong lahi, kalusugan, at family history.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Hindi kataka-taka na maghangad ka ng maputi at makinis na kili-kili. Noon pa man kasi'y talagang bahagi na ng kultura natin ang pagpapaputi. Para kasi sa karamihan, ang maputi at makinis na balat ay tanda ng mataas na antas sa buhay. Samantala, kapag maitim o kayumanggi ang iyong balat, nakikita ito bilang tanda ng kababaan at kahirapan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung tutuusin, wala namang kinalaman ang kulay ng balat mo sa iyong tunay na ugali at pagkatao.
Gayun pa man, kung gusto mo talagang maging makinis, maputi o 'di kaya ay pantay ang kulay ng iyong kili-kili, may ilang solusyon para riyan. Kailangan mo lang siguraduhin na tama ang paraan ng pagpapaputi mo ng iyong kili-kili para hindi masira ang iyong balat.
What other parents are reading
Narito ang ilang mga myths na patungkol sa pagpapaputi ng kili-kili:
MYTH: Puputi ang kili-kili ko kapag pinahiran ko ito ng lemon at kalamansi
Hindi ito totoo ayon kay Dra. Vicki Belo. "Calamansi is an acid and it can whiten in some people like, if you have marks on your legs. But sometimes, it makes it even darker. Most of the time, it makes it darker 'cause it's an acid that burns your skin," paliwanag ng beauty doctor.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSinabi rin ng mga eksperto na hindi rin nakakatulong ang lemon sa pagpapaputi ng kili-kili. Dalawang board-certified dermatologists ang nagsabi sa The Huffington Post na maaaring mas makasama pa ito.
Sinabi ng dermatologist na si Anna Palabyab-Rufino sa preview.ph, manipis lang ang balat sa iyong kili-kili. Ibig sabihin, sensitibo ito sa pagkiskis at sa mga matatapang na kemikal. Kapag nilagyan mo ng lemon o kalamansi ang iyong kili-kili, maaaring mairita ang balat mo dito—maaaring mangati ito at mas mangitim.
MYTH: Mapapaputi ng pagkuskos ang kili-kili ko
Gumagamit ka ba ng bimpo para ipangkiskis sa kili-kili mo? Ayon sa mga eksperto, maaari nitong masaktan ang balat ng kili-kili mo. Sensitibo ang balat sa iyong kili-kili kaya hindi mo ito dapat ginagamitan ng matapang na kemikal at magagaspang na pangkuskos.
MYTH: Puputi ang kili-kili ko sa pamamagitan ng baking soda
Sabi ng mga eksperto, makakapagpaputi ng ngipin ang baking soda, pero wala itong magagawa para sa mga kili-kili mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa nila, tinatanggal lang ng baking soda ang patay na skin layer sa kili-kili mo, pero hindi ito nakakapagpaputi.
Paano magpaputi ng kili-kili?
Alamin ang iyong skin type
Bago ka pa man bumili ng mga produktong pampaputi ng kili-kili, dapat ay alam mo muna kung ano ang skin type mo. Oily ba? Dry? O Combination? Mas nagiging epektibo kasi ang isang produkto kung tama ito sa balat mo.
Pumili ng mga mild na produkto
Kapag nagpunta ka sa mga dermatologists, mga mild skin care products ang una nilang irerekomenda sa iyo—lalong lalo na sa mga bahagi ng katawan mo na nakukulob, naiipit, o laging nagkikiskis.
Kumonsulta sa isang dermatologist
Maraming dahilan kung bakit umiitim ang kili-kili. Maaaring dahil ito sa mga masisikip na damit, sa matatapang na kemikal, sa bacterial infection at iba pa. Para masiguro mong tama ang solusyon na ginagawa mo para sa iyong maitim na kili-kili, kailangan alam mo muna kung bakit ito maitim.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag mag-shave
Dahil sensitibo at manipis ang balat sa kili-kili, mabilis itong masisira dahil sa pag-aahit. Kung regular mo itong ginagawa, regular ding nasusugatan ang balat mo sa kili-kili.
Para maiwasan ito, pwede mong subukan ang waxing o kaya ang laser hair removal.
Magkaroon ng kili-kili routine
Kung may skincare routine ka na kumpleto pa ng face mask at scrub, bakit hindi mo ito subukan para sa iyong kili-kili?
Simple lang ang mga hakbang: cleanse, exfoliate, tone, at moisturize—walang kaibahan sa ginagawa mo para sa iyong mukha. Maaari mong subukan ang procedure na ito mula sa Female Network.
Ang pagpapaputi ng kili-kili ay hindi basta-basta. Kaya naman mas magandang huwag itong madaliin. Katulad ng pag-aalaga ng iyong mukha, nangangailan ng sapat na panahon at tiyaga ang pagpapaputi ng kili-kili.
Maitim ba ang kili-kili mo? Anong ginagawa mo para mapaputi ito? I-share mo lang sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network