-
Money Mom Transforms Veranda Into A Tiny Coffee Shop For Only P5,000!
-
Your Health Experts Say: Ito Raw Ang 3 Brands Ng Mouthwash Na Maaaring Panlaban Sa COVID-19
-
Home Delikado Magluto Ng French Fries Sa Air Fryer: Consumer Group
-
Love & Relationships 'Am I Overreacting?' Mom Wonders About Comments Another Woman Left On Husband's Posts
-
Souvenirs, Loot Bags At Iba Pa: McDonald's Party Para Sa 75 Guests
Ibinahagi ni mommy Evita Sison kung paano niya ito nabuo.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Evita Sison
Maraming mga nanay katulad mo ang naghahanap ng mga abot-kayang paraan para i-celebrate ang mga mahahalagang okasyon sa inyong pamilya.
Kaya naman lagi kaming nag-aabang ng mga party hacks mula sa aming mga readers na pwede naming ibahagi sa mas marami pang nanay na naghahanap ng murang paraan para mag-celebrate.
Kung naiisip mong mag-party sa McDonald’s pwede mong subukan ang ginawang ito ni mommy Evita Sison. Php10,550 ang nagastos niya para sa mismong McDo party ng anak niya. Kinwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview kung paano niya ito ginawa.
Ano ang food package na inorder niya?
Nag-imbita si mommy ng 75 na bisita—60 ang adults at 15 ang mga bata. Para sa mga adults, umorder siya ng fried chicken with rice at drinks. Para naman sa mga bata, umorder siya ng chicken spaghetti meal with drinks, french fries at sundae. Narito ang breakdown ng cost:
Fried Chicken Meal with Drinks, 60 pieces (Php105 each): Php6,300
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWChicken Spaghetti Meal with Drinks, Fries, and Sundae, 15 pieces (Php150 each): Php2,250
Party Fee: Php2,000
TOTAL: Php10,550
Anong kasama sa party package?
Ayon kay mommy, mayroon nang kasamang 30 piraso ng invitations, party tray mats, at party hats ang kanilang party package.
Mayroon din itong kasamang balloons, banner, backdrop, mascot appearance, regalo sa birthday celebrant, 20 piraso ng McDo bag with notepad, at 15 piraso ng assorted toys para magsilbing prizes. Dinagdagan ni mommy ng iba pang giveaways para mabigyan ang lahat ng mga bisita.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSaan nabili ang mga giveaways?
Hand sanitizers ang napiling ipamigay ni mommy Evita sa kanilang mga bisita. Nakabili siya ng mga empty sanitizer bottles sa Shoppee sa halagang Php6 isa. Dito rin siya nakabili ng isang galon ng hand sanitizer sa halagang Php500. Nakagawa siya ng 100 piraso na saktong-sakto lang sa bilang ng mga bisitang nagpunta.
PHOTO BY courtesy of Evita SisonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon rin siyang ipinamigay na personalized mugs na nabili niya ng Php25 isa. Si daddy Adolf James na mismo ang nag-layout ng mga ilalagay sa mga mugs kaya mas nakamura sila. Sampung piso per mug lang ang nagastos nila para sa printing ng design ni daddy. Nag-print din sila ng kopya sa papel para idikit sa lalagyan ng mga mugs.
PHOTO BY courtesy of Evita SisonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagpamigay din sila ng activity books at crayons sa mga bata na si daddy na mismo ang nag-layout. Ayon kay mommy, bumili lang siya ng crayons sa National Bookstore sa halagang Php12 ang isa.
Malaking tulong ang printer nila sa bahay. Gamit lang ang photo paper, nakagawa na sila ng magsisilbing book cover para sa kanilang coloring book.
PHOTO BY courtesy of Evita SisonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon din silang pinamigay na loot bags na sari-saring mga laruan ang laman. Ayon kay mommy, mag-search ka lang ng ‘loot bag fillers’ sa Shoppee o Lazada.
PHOTO BY courtesy of Evita SisonMula doon ay marami ka nang pagpipiliian ng mga pwedeng ilagay sa loob ng mga loot bags. Mayroon ding mga abot-kayang loot bags online kung sakaling hindi ka makakapag-print sa bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Saan nabili ang cake?
Sa Goldilocks umorder ng cake si mommy sa halagang Php550. Nagbayad lang sila ng extra na Php20 para mapalitan ang kulay ng cake.
PHOTO BY courtesy of Evita SisonEnjoy talaga ang mga bisita dahil na rin sa dami at ganda ng mga pamigay ni mommy at daddy. Bukod pa riyan, naaliw din ang mga bata dahil sa mascot na kasama. Patunay lang na hindi kailangang maging komplikado ang paghahanda sa special day ni baby. Basta teamwork kayo ni daddy, siguradong ma-aachieve ninyo ang isang masaya at memorable na party.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo? Nakapagcelebrate na ba kayo sa McDo? Paano ninyo ginawa ang inyong party? I-share niyo lang sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network