embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Wish Ni Geoff Eigenmann Alam Nya Na Ang Intermittent Fasting Noon Pa

    Masaya si Geoff sa result ng intermittent fasting sa katawan niya.
    by Jocelyn Valle .
  • Ngayong father of two young kids na si Geoff Eigenmann ay kapansin-pansin na mas fit ito at di mukhang dad bod ang pangangatawan. Ang dahilan, aniya, ay intermittent fasting na sinimulan niyang gawin noong 2018. Di tulad ng maraming fad diets na sinubukan niya dati, ang intermittent fasting ay hindi uri ng pagdi-diyeta, bagkus isang eating pattern sa pagitan ng fasting at eating.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “I started with the 18-hour fast,” kuwento ng 34-year-old actor sa SmartParenting.com.ph sa isang event kamakailan. “Meaning, 18 hours na hindi kumakain. Now, umaabot ako ng one meal every 24 hours, kumbaga. I do that three times a week.”

    Pag oras ng pagkain ay puwede siyang kumain ano man ang gusto niya, kabilang na ang carbs na kinatatakutan ng maraming nagda-diet. Kung di naman niya gusto ang nakahain, tulad sa taping ng ABS-CBN teleserye na kinabibilangan niya, ang Killer Bride, ay wala siyang problema dito dahil kaya niyang di kumain nang buong araw.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag pa niya, “Ang nangyayari sa akin, like when I’m at taping, I have my last meal, say, at around 7, 8 p.m., then I get home. Hindi na ako kakain no’n. I skip midnight snack, I get home, 5 or 6 in the morning. I sleep until maybe lunchtime, then I wake up. Di na ako agad gutom, e. Kasi nasanay na ako sa fasting. I don’t wake up hungry, looking for food. So napo-prolong siya.”

    Pansin niya na simula nang gawin niya ang intermittent fasting ay naging madali para sa kanya na mag-focus sa ano man ang ginagawa niya. Hindi rin daw siya nanghihina sa taping kahit umagahin sila sa set. Nagwo-work out pa rin daw siya pero paminsan-minsan na lang, at kung pupunta man siya ng gym ay tiyak na walang laman ang kanyang tiyan.

    Sana nga daw ay mas maaga niyang nadiskubre at nasubukan ang intermittent fasting dahil matagal na niyang problema ang kanyang timbang sapul noong kabataan niya at lalong umigting nang pumasok siya sa showbiz. Ang unang subok niya ay bilang miyembro ng youth-oriented gag show na Ang TV (1992) at naulit sa pelikulang Batang X (1995) hanggang nagtuloy-tuloy na ang kanyang acting career.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pagdaan ng panahon ay naging balakid ang pagiging overweight sa kanyang trabaho lalo pa’t nalilinya siya sa pagiging romantic leading man. May pagkakataon na hindi ni-renew ng isang network ang kanyang kontrata dahil tumataba siya at ang isa pang network ay binigyan siya ng “fat memo” para ipaalala na kailangan niyang magpapayat.

    Ang gagawin ni Geoff ay magda-diet at magiging aktibo sa sports, tulad ng ultimate Frisbee, boxing, at mixed martial arts. Subalit magiging abala siya sa trabaho at mawawalan na siya ng panahon at disiplina para dito. Laking pasalamat niya nang maging patok ang intermittent fasting maging sa local at international celebrities kaya sumubok din siya.

    Sa kabilang banda, buong-buo naman ang pagyakap ni Geoff sa real-life role niya bilang daddy. Siya at ang kanyang fiancée na si Angeli May Flores, isang singer na kilala bilang Maya, ay may dalawang anak: si Arabella Simone, 2 years old, at Augustus Geoffrey, 5 months old.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ang saya!” pagmamalaki niya. “Honestly, it’s the best thing that’s ever happened to me. During weekdays, I’m at work, we do Facetime, as much as possible, three times a day. When I get home at five in the morning, gising na sila. So play with them for a couple of hours, and then pag nap time nila, sabay-sabay na kami. Pag walang ginagawa, we make it a point to go out to do something as a family talaga.”

    More from Smart Parenting

    Aminado si Geoff na siya ang disciplinarian sa bahay. Toddler na ang panganay, na may nickname na Beanie, at ito pa lang ang nakakatikim ng disiplina sa pamamagitan ng “facing the wall or standing in the corner.” Nagbibigay muna daw siya ng babala sa pagtanong sa bata ng “You want to face the wall?’”

    Pag di daw nakinig ang bata ay tinutuluyan na ang pagtayo sa harap ng dingding. Paliwanag niya, “So far, she realizes kung ano ’yong ginawa niya, and after a while, di na niya kakayanin, she’d turn around and say sorry. Then magha-hug kami. Nare-realize niya kung ano ang mali niya. Pag inaantok, ginugutom, tantrums come up. But on a good day, nakakausap namin siya nang walang problema.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nasa public place silang pamilya ay pabulong lang ang pagsita niya sa anak o di kaya ay kakargahin niya ito agad. Pakli niya, “She knows already na she has to calm down. Sasabihan ko na siya, ‘Beanie, behave.’ She knows na, she’ll calm down na. Kailangan lang lambingin, hug lang. Madaling kausap. When you give her something, she’ll say, thank you. Napi-pick up niya lang ’yon. She’s a very, very good kid.”

    More from Smart Parenting

     

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles