embed embed2
  • Pampayat Na Hindi Nakakabutas Ng Bulsa! Pwedeng-pwedeng Gawin Sa Bahay Ang Mga Ito

    Pwede mo nang ma-achieve ang goals mo na wala masyadong ginagastos.
    by Ana Gonzales .
Pampayat Na Hindi Nakakabutas Ng Bulsa! Pwedeng-pwedeng Gawin Sa Bahay Ang Mga Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Maraming dahilan kung bakit nagiging challenging ang pagpapapayat. Nariyang wala kang oras, hindi mo alam kung paano mag-uumpisa, o 'di naman kaya ay llimitado ang budget mo.

    Pinatunayan ng mga nanay sa isang Facebook group na hindi mo naman kailangang gumastos nang malaki para lang makapagpapayat. May mga paraan kasing abot-kaya at kahit sa bahay pwede mong gawin!

    Mga pampapayat na hindi nakakabutas ng bulsa

    Intermittent Fasting

    Maraming mga nanay ang nagsabing ito ang naging pinaka-epektibo at matipid para sa kanila. Kung hindi ka pa pamilyar dito, ito ang eating pattern kung saan mahigpit na nakatalaga ang oras ng iyong pagkain. Sa mga natitirang oras, magfa-fasting ka.

    Hindi nito sinasabi kung anong pagkain ang kakain mo kundi kung kailan mo ito kakainin.

    May tatlong methods kang maaaring pagpilian:

    • 16/8 method o Leangains protocol: Walong oras ang iyong eating period, habang 16 oras naman ang iyong fasting period.
    • Eat-stop-eat: Kabilang dito ang 24-hours na fasting minsan o dalawang beses sa isang linggo.
    • 5:2 diet: 500-600 calories ang kakainin mo sa dalawang araw at kakain ka nang normal sa limang araw

    Kumonsulta ka muna sa iyong doktor bago ka magdesisyong mag-intermittent fasting. Kung breastfeeding mom ka kasi, kailangan mong maging maingat pagdating sa pagbabago ng iyong diet at eating pattern.

    Dagdag pa ng mga nanay, kailangang samahan ng workout ang intermittent fasting para mas maging epektibo ito. May mga nanay na apat na beses sa isang linggo nagwoworkout.

    Jump rope, pilates, at Emi Wong

    Napakaraming libreng workout videos online. Sa katunayan may nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village na sumunod lang sa mga workout videos ni Emi Wong.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Epektibo rin daw ang pilates workout videos sa YouTube, sabi ng mga nanay. Hindi mo na kailangan pang magbayad nang malaki para lang makasali sa mga klase.

    Kung wala ka namang tiyaga na sumunod sa mga workout routines, pwede mong gayahin ang mga nanay na pumayat sa pamamagitan lang ng jump rope.

    Murang-mura lang ang mga jump ropes online at kahit sa mga palengke. Kailangan mo lang ng 30 hanggang 45 minuto kada araw, maa-achieve mo na ang iyong goal.

    No rice, less sweets, at calorie counting

    Kung hindi mo naman kayang limitahan ang oras ng iyong pagkain, pwede mong i-monitor ang mga mismong kinakain mo.

    May mga nanay na nagsabing napaka-epektibo ng tinatawag na Calorie Deficit. Ito ang pagkain ng tamang bilang ng calorie, depende sa pangangailangan ng katawan mo.

    Ayon sa VeryWell Fit, marami sa atin ang kumakain nang labis sa pang-araw-araw na kailangan ng ating mga katawan. Ang sobrang calorie na ito ang siyang nagiging taba.

    May ilang mga nanay naman na piniling alisin ang asukal at junk food sa diet nila. Ibig sabihin, bawas na sa softdrinks at iba pang mga labis na matatamis na pagkain.

    Bawas na rin sa kanin ang mga nanay—mas marami na sa gulay, prutas, at protina.

    Kwento pa ng mga nanay, hindi lang naman pampaganda ang pagpapapayat. Mayroon din itong kaakibat na health benefits. Sa panahon kasi ngayon, mahirap nang hindi ingatan ang katawan lalo na dahil marami nang naglalabasang mga karamdaman.

    Ano ang pampapayat technique mo at ano ang naging epekto nito sa iyong timbang? I-kwento mo na iyan sa comments section.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makahanap ng iba pang paraan para ma-achieve mo ang iyong fitness goals.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles