celebrity,Tagalog,single mom,solo parent,Pokwang,fitness regimen,Pokwang: 'Dapat Fit Para Sa Mga Anak Lalo Na Kung Single Mom,Fitness, Fitness Instruction & Personal Training, Fitness, celebrity, Pokwang, solo parent, single mom, balik-alindog,Sabi Pokwang, the best revenge ang pagiging fit at healthy para sa mga anak, lalo na kung single mom.
HealthFitness & Nutrition

Para Kay Pokwang, 'Best Revenge' Ang Pagiging Fit At Healthy 'Lalo Na Kung Single Mom'

Solo parent si Pokwang sa dalawang anak na babae.
PHOTO BYInstagram/itspokwang27

Puspusan ang pagwo-work out ni Pokwang dahil ika niya sa isang Instagram reels post, "The best revenge is to be fit and healthy."

Maaaring may kinalaman ang bahagi ito ng caption ni Pokwang sa pagtatapos ng kanyang relasyon kay Lee O'Brian, na tatay ng kanyang bunsong si Malia. Pero punto ng actress at TV host, "Not to impress some one or anybody."

Paliwanag ni Pokwang, "Dapat fit para sa mga anak lalo na kung single mom ka." (Basahin dito kung paano kumuha ng solo parent ID.) Dagdag niya, "Hindi dapat sinisisi ang isang ina kung napabayaan ang katawan kaya nag hanap ng iba si mister."

Nagbigay siya ng mga posibleng dahilan: "Siguro kaya napabayaan kasi kakaalaga sating mga anak? kakaisip pano tayo palalakihin ng maayos? hindi maka pag pa salon kasi kulang sa budget? kakainin nalang ng mga anak, pang baon sa school pang tuition fee."

Diin niya, "Kaya wag natin kutyain ang katawan ng isang babae lalo na kung nanay dahil para mo narin sinisi sarili mong ina na nagpabaya dahil sa pagmamahal sayo."

Gumamit si Pokwang ng hashtag na #PeaceEveryone para magbigay pa ng saloobin: "Ang ganda ng katawan ay kumukupas at babalik sa alabok pero pagmamahal ng isang anak ay walang kamatayan. Dagdag pa niyang hashtags: #womenempowerment #Labanlangnanay.

Sa huli, nagpasalamat si Pokwang sa kanyang "my love" na si Malia, na makikita sa video na nag-aabot ng water bottle para sa kanyang nanay. Si Malia ang bunso, habang ang ate niyang si Mae naman ang panganay sa dalawang anak na babae ni Pokwang.

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Marietta Subong (@itspokwang27)

watch now

Tips para masimulan ang pagbabalik-alindog

Tulad ng paniwala ni Pokwang, mahalaga ang exercise unang-una para sa kalusugan. Makakaya mo itong gawin sa tulong ng ilang panuntunan:

1. Kilalanin ang sarili.

Base sa iyong fitness level, gumawa ng fitness goal na nais marating. Pero bago mag-umpisa, komunsulta muna sa doktor kung may iniindang medical condition. Maaaring umpisahan sa walking o iba pang low-impact exercises, at pagkatapos pumili ng napupusuang activity. Mga halimbawa: tulad ng dancing, yoga, swimming, cycling, at marami pang iba.

2. Hinay-hinay muna.

Magsimula sa light exercise at saka na lang dagdagan ang dalas, tagal, at bigat ng gawain. Mahalaga rin na alamin ang heart rate at pulse rate habang nag-eehersisyo, lalo na kung may heart condition.

3. Magplano at maghanda.

Planuhin ang araw na swak sa iyong schedule, kung sa umaga ba o gabi. Mainam din pumili ng lugar na hindi ka mahihirapang puntahan o di kaya baka may espasyo pa sa iyong bahay. Magandang ideya rin kung may kaibigan kang sasabay, gaya ng walking o running sa park.

4. Pakinggan ang katawan.

Maging alerto sa nararamdamang kirot, hirap sa paghinga, o di kaya pagkahilo habang lumalakad o tumatakbo. Kailangang tumigil muna para magpahinga. Kung napili naman ang boxing o iba pang mas strenuous na exercise, maaaring kausapin ang trainer para baguhin nang kaunti ang program.

Basahin dito ang 7-minute exercise na puwedeng subukan.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close