embed embed2
  • Ito Ang Bonding Nina Camille Prats At Vj Yambao! 'It Took Us A Year To Get Here'

    Ibinahagi rin nila kung paano nila sinimulan ang kanilang fitness journey.
    by Ana Gonzales .
Ito Ang Bonding Nina Camille Prats At Vj Yambao! 'It Took Us A Year To Get Here'
PHOTO BY Instagram/Vj Yambao
  • "Yung fitness journey naming dalawa, took months," kwento ng celebrity mom na si Camille Prats sa kanyang vlog. "Matagal na panahon siya bago kami umabot sa ganitong point na na-lose talaga namin 'yung weight."

    Dagdag pa niya, ang intensyon lang talaga nilang mag-asawa nang magsimula sila ng kanilang fitness journey ay ang maging physically healthy.

    "Because of the pandemic, alam din natin 'yung time na 'yun, 'yung immune system natin 'yung kailangan nating pinaka malakas to be able to not get sick and catch the virus."

    Sabi pa ni Camille, talagang mahirap na trabaho ang pagpapapayat. "I have been working out for as long as I can remember, pero last year lang talaga na pinush ko rin 'yung sarili ko," kwento niya.

    Nagbahagi pa siya ng ilan pang tips para mas maging makabuluhan ang inyong mga workout sessions.

    Consistency is key

    "Work out consistently to achieve your goal," sabi ni Vj. "It has been one year and I think na-achieve naman namin 'yung goal namin," dagdag pa niya.

    "Pero, mas importante ang system kaysa sa goal," pagpapatuloy ni Vj. "You have to make it a habit. Commit your time. For me, 'yun 'yung pinaka secret—'yung consistency and habit."

    Teamwork makes the dream work

    "Pinupush namin ang isa't-isa to work harder," kwento ni Camille. "Wina-watch namin ang form ng isa't-isa. Kapag hindi proper 'yung form niya, I tell him."

    "We look after each other, we motivate each other," dagdag pa niya. May mga pagkakaiba rin daw ang workout routine nina Camille at Vj, pero sinisiguro nilang minsan o dalawang beses sa isang linggo ay nakakapag workout sila nang magkasama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinwento rin nina Vj at Camille ang naging benefits ng pagwo-workout sa kanila.

    "It's really easier to move around," paliwanag ni Camille. Ayon sa mag-asawa, simula raw nang maging consistent sila sa pagwo-workout, mas naging magaan ang kanilang mga daily activities.

    "Also, when it comes to taking care of our very active toddlers," dagdag pa ni Camille.

    "Nabibigyan kami ng extra energy para makipaglaro sa mga anak namin nang hindi rin kami napapagod o sumasakit agad 'yung katawan o 'yung likod."

    Hinikayat ni Camille ang kanyang mga followers at subscribers na simulan na rin ang kanilang fitness journey.

    Mahalaga ring 'wag kallimutan ang pagkain ng tama at pagkakaroon ng disiplina para mas maging matagumpay ang inyong journey. "Kapag gumagaan na 'yung pakiramdam mo, talagang sulit na sulit naman lahat ng paghihirap mo," sabi ni Camille.

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanilang vlog dito:

     

    Kayo, kumusta ang fitness routine ninyong mag-asawa? I-share mo ang inyong experience sa comments section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakita ng ibang fitness journey. 

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles