embed embed2
  • 5 Puwedeng Gawin Kapag Dumadanas Ng Anxiety Attack

    May mga paraan para matugunan ang problema sa anxiety.
    by Jocelyn Valle .
5 Puwedeng Gawin Kapag Dumadanas Ng Anxiety Attack
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sa tindi ng anxiety attack, sinugod ang isang mommy sa ospital (basahin dito), at doon niya nalaman ang kahalagahan ng pag-aalaga sa mental health. Kaya paalala niya sa lahat na huwag nang hintayin na danasin pa ang pinagdaanan niya. Mainam daw na komunsulta sa doktor upang matugunan ang problema at makahanap ng gamot sa anxiety.

    Bakit nagkakaroon ng anxiety disorder

    Normal ang maging balisa at pagkakaroon ng nerbyos o anxiety kapag nahaharap sa isang stressful na sitwasyon. Pero ibang upasan na daw kung dumadalas at gumagrabe ang iyong kalagayan. Maaaring anxiety disorder na ito, ayon sa mga eksperto mula sa American Psychiatric Association (APA).

    Hindi pa lubusang naiintindihan ang ugat ng anxiety disorder, sabi naman ng mga eksperto mula sa Mayo Clinic. Pero posible raw na may kinalaman ang mga mapapait na karanasan, tulad ng traumatic experiences, para tuluyang magkaroon ng anxiety disorder ang taong madali talagang mabalisa at nerbyosin. Puwede rin daw magmula sa inherited traits.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pa raw posibleng sanhi ng anxiety disorder ang pagkakaroon ng underlying medical condition, lalo na kung wala naman sa pamilya ang meron nito at hindi ka nagkaroon ng matinding dagok sa buhay. Pero maaari rin namang side effect ang anxiety ng iniinom mong gamot. Kaya mainam daw na ipag-alam mo ito sa iyong doktor.

    Mga uri ng anxiety disorder

    Sabi pa ng mga eksperto, mayroong iba-ibang klase ng anxiety disorder base sa diagnosis ng doktor. Kabilang diyan ang:

    • Generalized anxiety disorder
    • Panic disorder
    • Phobias, specific phobia
    • Agoraphobia
    • Social anxiety disorder (kilala dati bilang social phobia)
    • Separation anxiety disorder

    Gamot sa anxiety

    Kapag nasuri ng doktor na meron ka ngang anxiety disorder, bibigyan ka ng angkop na medical treatment, tulad ng medication at therapy. Matutulungan mo rin ang iyong sarili para gumaling sa ilang paraan.

    Pagbabago sa lifestyle

    Malaking tulong ang pagiging physical active para sa matugunan ang problema mo sa anxiety, lalo na raw kung iiwasan ka sa alcoholic drinks at recreational drugs. Sikapin din daw na tumigil sa paninigarilyo at pagkonsumo ng caffeine, gaya ng kape.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ilan pang paraan ang pag kain ng masustanya at pagtulog ng sapat na oras. Subukan din daw ang stress management at relaxation techniques. Magandang halimbawa ang yoga, meditation, at tai chi.

    Pamamahala sa kondisyon

    Matutulungan mo rin ang iyong sarili kung aalamin at iwasan ang triggers ng iyong anxiety o stress. Simulan din daw ang pagtatala sa iyong journal, makipag-socialize at sumali sa support group.

    Mga puwedeng gawin sa gitna ng anxiety attack

    Noong 2018, ibinahagi ng American actress na si Kelsey Darragh, na mayroong panic disorder, ang ginawa niyang listahan ng mga dapat gawin kung nakakaranas siya ng anxiety attack. Gusto niya raw kasing maintindihan at matulungan siya ng kanyang boyfriend.

    Kabilang sa kanyang listahan ang:

    • Hanapin kaagad ang gamot na nireseta ng doktor at inumin
    • Simulan ang breathing exercises
    • Kung nasa labas ng bahay, magsabi kaagad na kailangang makauwi
    • Baka makatulong ang konting inom ng tubig
    • Tanggapin ang hawak sa kamay o di kaya maluwang na yakap ng kasama
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung may kasama ka naman sa bahay o di kaya nakasabay lang na isang taong dumadanas ng anxiety attack, payo ni Kelsey na huwag magsabi na labanan ang nararamdaman. Mas makakatulong daw kung magbigay lang ng alalay at simpatya. Isa pa ang pagsabay sa breathing exercises para maibsan ang anxiety attack ng kasama.

    Kapag lumipas na ang anxiety attack, mainam din daw na pag-usapan ng mag-partners ang kondisyon ng taong may anxiety disorder. Malaking tulong din daw ang unawa at suporta bilang gamot sa anxiety.

    Basahin dito ang sintomas ng anxiety sa bata.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close