embed embed2
  • Bawal Maligo, Magkasugat, At Iba Pang Pamahiin Tuwing Holy Week

    Bukod sa mga tradisyon, may mga pinaniniwalaan pa ang mga Pinoy.
    by Jocelyn Valle .
Bawal Maligo, Magkasugat, At Iba Pang Pamahiin Tuwing Holy Week
PHOTO BY Dennis Lucem and Gabe Pagulayan
  • Nakalakihan na ng karamihan ang mga tradisyon alinsunod sa Christian faith tuwing panahon ng Semana Santa o Holy Week.

    Nagsisimula ang mga ito sa Palm Sunday at tumutuloy sa Huwebes Santo (Maundy Thursday), Biyernes Santo (Good Friday), Sabado de Gloria (Black Saturday), at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday). Kabilang diyan ang pagsasagawa ng Senakulo, Visita Iglesia, pabasa, prusisyon, at salubong.

    May mga sumusunod din sa mga pamahiin na may kinalaman sa Holy Week. Ibinahagi ng ilang miyembro ng Smart Parenting Village Facebook page ang mga pamahiin na kanilang natutunan sa mga lolo at lola.

    Aniya ng isa sa kanila, “When our grandparents were still alive, we weren’t allowed to eat meat. We did fasting and prusisyon.”

    Maraming sumang-ayon, kaya raw kadalasanan isda at gulay lang ang kinakain nila noon, lalo na kapag Biyernes Santo. Iyon kasi ang general belief na araw ng pagkamatay ni Jesus Christ, sa eksaktong 3 p.m.

    Mahigpit ang bilin ng mga nakakatanda na huwag maglaro at magsaya dahil oras iyan ng pagdadalamhati. Diyan daw nag-ugat ang kasabihang “mukhang Biyernes Santo.”

    Dahil din pinaniniwalang patay si Hesus ng Biyernes Santo, pinakaiiwasan ang magkasugat. Baka raw kasi matagalan maghilom ang sugat o hindi na gumaling pa. Komento nga ng isang mommy sa group page, bawal silang mga bata noon na umakyat ng puno o magpunta sa malayo para makaiwas sa disgrasya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kuwento ng kapwa niya mommy na base sa kanyang karanasan noong bata siya, tila may katotohan ang pamahiin na iyon dahil nang maaksidente siya ng Maundy Thursday ay natagalan ang paghilom ng kanyang sugat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napag-alaman naman ng isa pang mommy na bawal ding magpukpok, tulad ng gagawin sana ng kanyang asawa sa minor home repair. Para raw kasing ibinabaon ng pako si Kristo. Huwag din daw magputol ng kuko dahil baka hindi na raw tumubo muli.

    Bawal din daw maligo dahil may patay, at isa iyang pamahiin na pinaniniwalaan kahit hindi Semana Santa.

    Mapapanood ang mga Filipino Holy Week traditions dito:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles