Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 8 Paraan ng Tamang Pag-Aalaga sa Sarili Kahit Ikaw ay Nanay Na

    Para maalagaan nang tama ang pamilya, kailangan ding alagaan ang ating sariling isip at katawan.
    by Allan Olga .
8 Paraan ng Tamang Pag-Aalaga sa Sarili Kahit Ikaw ay Nanay Na
PHOTO BY @flukyfluky/iStock
  • Bago ang lahat, linawin natin: Walang masama sa pag-aalaga sa sarili. Sa totoo lang, kailangan talaga itong gawin. Kung babalewalain ng mga magulang ang pag-aalaga sa sarili at aabusuhin ang kanilang katawan, maari silang makaranas ng stress, burnout, o depression, sabi ni Dr. Monique Tello, isang physician at contributing editor sa Harvard Health Publishing

    Sabi niya, “[Self-care] is so, so important. If it is important to us to be able to take care of others, then we must pay attention to our own well-being.” (Mahalaga ang pag-aalaga sa sarili. Kung importante para sa atin na maalagaan ang iba, kailangan din nating bigyan ng pansin ang ating sarili.)

    Ang self-care ay hindi lamang ang pagbisita sa spa. Pwede mong gawin ang pag-aalaga sa iyong sarili araw-araw habang inaalagaan ang iyong mga anak.

    More from Smart Parenting

    Paano mas maaalagaan ang sarili kapag nanay ka 

    1. Huwag ipagkait sa sarili ang pahinga

    Sa loob ng isang araw, sanayin ang sarili na magkaroon ng maiikling break, kahit mapag-isa sa kusina para uminom ng tubig, o kaya ay makapaglakad papuntang sari-sari store. Makakatulong ito para bumuti ang pakiramdam. Pagkakataon ito para makahinga at maari ring mag-inhale-exhale sa loob ng isang minuto. Pwede mo ring bigyan lang ng oras ang iyong sarili nang walang ginagawa kahit saglit lang, para magkaroon ng alone time.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung sa pakiramdam mo ay malapit ka nang sumabog, awatin ang sarili at mag-isip. “Ask yourself ‘What do I need right now to stay in balance?’ Then, give it to yourself,” (Tanungin ang sarili, ‘Ano ang kailangan kong gawin para kumalma?’ Ibigay mo sa iyong sarili iyong makakapagpasaya sa iyo) sabi ni Dr. Laura Markham, isang psychologist at parenting expert, sa isang artikulo sa Aha! Parenting

    Pwede ring ang short break ay pagchi-check ng Pinterest, o kaya ay ang pag-shower. “It isn’t good for us to feel deprived. It kills our natural joy. And it isn’t good for our kids, who end up with a resentful, negative, impatient parent.” (Hindi makakabuti sa atin na makaramdam na tayo ay nade-deprive. Nawawala iyong kasiyahan natin. At hindi makakabuti sa mga bata kapag ang magulang nila ay laging masama ang loob, negatibo, at maikli ang pasensya.) 

    More from Smart Parenting

    2. Iwasan ang junk food

    Naniniwala si Dr. Tello na araw-araw dapat ginagawa ng mga magulang at caregivers ang pag-aalaga sa sarili. Isang madaling paraan para gawin ito ay ang pagkain nang tama. Siguraduhin na kumakain nang sapat at tama (huwag palaging processed food). “Stay away from inflammatory, sugar-spiking, insulin-releasing foods like processed carbohydrates,” (Iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng pamamaga, o iyong nagpapataas ng blood sugar o inslulin gaya ng processed carbohydrates) sabi ni Dr. Tello. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kumain ng mas maraming gulay at prutas! “We don’t have to be perfect, but the more plant-based our diets are, the better,” (Hindi kailangan maging perpekto, pero mas maganda kapag kung mas plant-based ang diet natin) sabi ng doktor. Para hindi makaramdam ng mas matinding pagod, kailangan ibigay sa sarili ang tamang “fuel” para magampanan ang mga responsibilidad sa bawat araw.  

    3. Matutong humindi kung kinakailangan

    May limit ang kaya nating gawin sa isang araw. Mag-set ka ng limitasyon at ibuhos ang iyong lakas doon sa mga bagay na dapat unahin. “Say no to things that don’t serve you. Say yes to things that are fulfilling and replenishing,” (Tumanggi sa mga gawain na hindi makakatulong sa iyo, at gawin ang mga bagay na magpapabuti sa pakiramdam mo) sabi sa Washington Post ni Aimee Danielson, director ng Women’s Mental Health Program sa MedStar Georgetown University Hospital. Halimbawa, pwede kang humindi sa mga kamag-anak na madaming hinihinging pabor para makalabas kayo ng kaibigan mong matagal mo nang hindi nakikita. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    4. Obserbahan kung kailan ka madalas nagiging stressed at iritable 

    Maaring sa tanghali ito dahil pahirapan pakainin ang iyong anak, o sa gabi kapag ayaw niyang matulog. Pwede mo itong gawan mo ng paraan. “It’s your life, and you’re in charge, whether it feels that way or not. Letting yourself feel victimized doesn’t help your kids,” (Buhay mo ito at nasa iyo kung magpapa-stress ka o hindi. Hindi rin makakabuti sa anak mo kung pababayan mong maapektuhan ka) sabi ni Dr. Markham. 

    Kausapin ang iyong partner o asawa kung paano ninyo paghahatian ang responsibilidad sa bahay; kung kailangang magtulungan sa pagpapatulog sa bata o sa paghuhugas ng mga pinagkainan. May mga payo rin ang mga eksperto pagdating sa mga batang pihikan sa pagkain. Kung nakakapagod sa umaga, mag-isip ng paraan na mabawasan ang gagawin sa umaga, kagaya ng pagre-ready sa gabi ng lulutuing breakfast kinabukasan.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Planuhing mabuti at maging malinaw sa planong me-time 

    Minsan, nagi-guilty ang nanay kapag kailangan niyang lumabas ng bahay at iwan ang mga anak para magpunta sa spa o kaya ay mag-relax. Hindi ibig sabihin nito ay masama kang magulang. Nararapat lang na magkaroon ka ng panahon sa iyong sarili para manatili kang matatag, at para rin mayroon kang gana sa panibagong linggong darating.

    Huwag ma-guilty at ituloy ang plano na pagkakaroon ng me-time. Gumawa ng schedule, ilagay sa kalendaryo, at ipaalam ito sa iyong pamilya. “Those appointments with yourself will replenish you,” (Makakabuti sa iyo ang mga oras para sa iyong sarili) sabi ng The Washington Post writer na si Lindsey Roberts.

    6. Humanap ng ibang pagkakaabalahan bukod sa pag-aalaga ng mga anak 

    “You are the same woman before you got married and had children. And this time, you are more special, more beautiful, more loved.” (Ikaw pa rin naman iyong dating ikaw bago ka ikinasal at naging nanay, at ngayon ikaw ay mas espesyal, mas maganda, at mas minamahal). Bahagi ito ng mensahe na isinulat ng isang SP mom, at totoo iyon! Pwede mo pa ring ma-enjoy iyong mga bagay nae-enjoy mong gawin noon. Kung mahilig ka sa arts and crafts, mag-aral ka ng crochet o kaya gumawa ng DIY (do-it-yourself) toys. Kung mahilig ka sa sports, mag-jogging sa umaga o kaya ay mag-take ng Zumba class. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    7. Magpasalamat

    Life is a series of problems that have to be solved — and a lot of times those problems cause stress. Gratitude can be that stress buster,” (Ang buhay ay puno ng mga problema na kailangang lutasin, at kadalasan yung mga problemang iyon ay nagdudulot ng stress. Ang pagpapasalamat ay maaaring maging stress buster) sabi sa The Huffington Post ni Dr. Robert Emmons, isang gratitude researcher at psychology professor sa University of California. Mas masaya raw ang mga taong marunong magpasalamat, sabi sa Psychology Today ni Dr. Barton Goldsmith, isang psychotherapist at author. Sa katunayan, inirerekomenda ni Dr. Goldsmith ang isang gratitude journal para tulungan ang mga taong nakakaranas ng depression. 

    Naniniwala ang dating publishing executive na ngayon ay isa nang life coach na si Aurora M. Suarez, na isa ring nanay, na ang pagsusulat sa journal ay paraan para mapangalagaan ang sarili, kaya nag-publish siya ng planner- journal. Ang librong “The Sunday Night Journal” ay para sa lahat ng nakakaranas ng tila hindi matapus-tapos na mga gawain at humahanap ng paraan para maging focused at productive.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    8. Maging nanay ka rin sa iyong sarili

    Dapat mo ring bigyan ng pag-aalaga at pagmamahal ang iyong sarili gaya ng ibinibigay mo sa iyong mga anak. Maging nanay ka rin sa iyong sarili, ani Dr. Markham. “Talk to yourself like someone you love. Nurture yourself through the hard times. Acknowledge all your efforts in the right direction. No, you’re not perfect. You don’t need to be.” (Kausapin ang sarili nang may pagmamahal. Huwag pabayaan ang sarili sa panahon ng mga pagsubok. Huwag bale-walain ang lahat ng iyong ginagawa. Hindi ka perfect, pero hindi mo kailangan maging perfect). 

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 8 Simple Ways to Care for Yourself While Caring for Your Child

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles