;
embed embed2
Fordyce Spots, STD, At Iba Pang Bukol Na Posibleng Tumubo Sa Private Parts
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sa mga bukol na tumutubo sa ating katawan, tulad ng bukol sa leeg, bukol sa dibdib, at marami iba pa, ang pagkakaroon ng bukol sa ari ang isa sa mga nakakabahala sa atin. Maaaring tumubo rin ito sa labas o loob ng ari ng babae at lalaki. Mahalagang malaman kung ang mga bukol na ito ay nakababahala o wala namang masamang epekto sa atin.

    Sa isang artikulo ng SmartParenting.com.ph, naibahagi ng isang tagasubaybay na ang inakala niyang simpleng tigyawat lamang na tumubo sa kaniyang ari ay isang cyst pala nang ipatingin niya sa doktor. Dumaan siya sa pagsusuri saka natiyak na hindi mapanganib ang bukol sa pepe, pero pinili pa rin niyang ipatanggal ito.

    Ayon sa medical resource, may mga dahilan ng pagtubo ng bukol sa pribadong bahagi ng ating katawan at ang iba ay maaaring magdulot ng sakit, kirot, at pagkabalisa sa atin. Kaya makabubuti talaga na magpakonsulta sa doktor para maiwasan ang higit na paglala ng anumang kondisyon.

    Mga uri ng bukol sa ari ng babae

    Ang mga sumusunod ay ilang dahilan ng pagkakaroon ng bukol sa ari ng babae, ayon sa iba pang medical resource

    Vaginal cysts

    May iba’t ibang vaginal cysts na ang iba ay nagtataglay ng nana at ang iba naman ay hangin o scar tissue. Kadalasan ang mga cyst ay maliliit at walang anumang sintomas, ngunit mayroon din na malalaki at nagdudulot ng sakit o kirot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga uri ng cysts:

    • Bartholin’s cysts – mga bukol na nasa isa o parehong bahagi ng bukana ng vagina.
    • Endometriosis cysts – mga bukol na tissue na namumuong maliliit na cysts sa vagina
    • Gartner’s duct cysts – mga bukol na karaniwang nabubuo habang buntis 
    • Vaginal inclusion cysts – mga bukol na kadalasang resulta mula sa trauma ng vaginal walls gaya ng panganganak. Anumang injury na magdudulot sa tissue na magbara sa ilalim ng balat.

    Fordyce spots

    Tinatawag din itong sebaceous glands na maliliit na puti o manila-nilaw na bukol sa loob ng vulva. Ang patse na ito ay makikita sa labi at pisngi ng ari. Karaniwang tumutubo ito sa panahon ng puberty at mas dumami o mawala rin habang tumatanda. Hindi ito masakit at hindi rin nakababahala.

    Ingrown hair

    Nagdudulot ng pagtubo ng maliit na bukol na minsan masakit o makati ang pag-aahit o pag-wax ng pubic hair dahil sa problema sa pagtubo ng buhok. Maaaring mayroon itong nana sa loob at mamula ang paligid ng bukol. Huwag itong gagalawin dahil posibleng maimpeksyon pa. Kadalasan naman ay kusa itong gumagaling.

    Vaginal skin tags

    Tinatawag din itong vaginal polyps. Tumutubo ito sa balat. Hindi ito nangangailangan ng paggamot maliban na lamang kapag nagdudulot ng sakit o may pagdudurugo na nararansan.

    Lichen sclerosus

    Hindi ito pangkaraniwang kondisyon pero naaapektuhan nito ang mga babaeng nakararanas ng menopause. Nakikita ito sa bahagi ng vulva at palibot ng anus. Kasamang sintomas nito ang pangngati, masakit o mahapi ang pag-ihi o kapag nakikipagtalik, paltos na may kasamang pagdurugo, pagtubo ng mga puting patse sa balat na sa paglipas ng panahon nagiging peklat ng manipis at kulubot na balat.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Vaginal warts at genital herpes

    Ang mga ganitong kondisyon ay dulot ng Human Papillomavirus (HPV) na isang sexually transmitted infection. Ito rin ay isang salik para sa cancer. Hindi mararamdam ang pagtubo ng warts sa loob ng vagina pero mapapansin ito sa bukana ng vagina. Makakapa ito na maliit lamang at makatutulong ang ang pagatpat ng salamin sa ilalamin ng vagina para makita ito.

    Cancer

    Hindi pangkaraniwan ang cancer sa vulva o vagina. Maaaring mabuo ang bukol na dulot ng labis na pag-develop ng cancerous cell sa lining ng skin cells o glandular cells sa vagina. Kaakibat na sintomas nito ang hindi pangkaraniwan na pagdurugo o discharge.  Posibleng makaranas din ng pangangati sa bahagi ng ari, mahapdi o masakit na pag-ihi, at may pamamaga ng ari.

    Mga uri ng bukol sa lalaki

    Ayon pa sa medical resource, may mga dahilan din ng pagtubo ng bukol sa ari ng lalaki. Maaari itong lumabas sa penis at singit na kadalasan naman walang dapat ipag-aalala pero higit pa ring makabubuti ang pagpapatingin nito sa doktor.

    Narito ang ang mga nabanggit na ilan sa mga dahilan ng pagtubo ng bukol sa ari ng lalaki:

    Blemishes

    Iba’t ibang uri ng blemishes ang maaaring tumubo sa katawan kasama na ang ari ng lalaki. Kabilang dito ang cyst na matigas o may tubig. Hindi ito masakit pero medyo sensitibo at posibleng lumaki sa katagalan. Maaaring mamaga ang palibot nito at magkroon ng impeksyon kapag pumutok na.

    May cyst na hindi kailangang gamutin dahil kusang nawawala rin. Ang isa pa ay tigyawat gaya ng tumutubo sa mukha dahil sa pagbara ng oil at dumi sa skin pore. Posible ring maranasan ang problema sa pagtubo ng buhok dahil sa pag-ahit ng pubic hair kapag lumiko ang pagtubo ng buhok mula sa follicle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pearly penile papules

    Maliit itong butlig na kadalasan na makikita sa paligid ng ari na kakulay ng iyong balat. Hindi ito mapanganib at hindi rin matiyak ang dahilan ng pagtubo nito. Para itong gaya ng tigyawat pero hindi makati. Posibleng hindi rin maging pansinin ito at tuluyang mawala sa pagtanda mo.

    Fordyce spots

    Maliit itong butlig na makikita sa ari ng lalaki o palibot ng scrotum. Madilaw ang kulay nito at maaring tumubo nang kumpol. Mas nagiging kapansin-pansin ito sa pagbibinata pero hindi ito kailangang gamutin dahil karaniwang nawawala rin sa paglipas ng panahon.

    Angiokeratomas

    Ito ay maliliit, mamula-mula na tumutubong kumpol kapag lumaki o nag-dilate ang blood vessel malapit sa iyong balat ng ari. Magaspang ito kapag hinawakan at maaaring kumapal sa katagalan.

    Hindi malinaw ang sanhi nito pero karaniwang posibleng dahilan ng pagtubo ay hypertension o mga kondisyon na nakaapekto sa blood vessel na malapit sa ari gaya ng hemorrhoids at varicocele. Hindi ito kusang nawawala pero maaaring hindi rin nakababahala. Pero puwedeng maging sintomas ng kondisyon sa cell function ito gaya ng Fabry disease.

    Lymphoceles

    Nangyayari ito kapag may pamamaga sa bahagi ng ari pagkaraan ng pakikipagtalik o pagma-masturbate. Ito ay resulta ng pagbara sa mga kulani o lymph channels na nagdadala ng lymph fluid sa katawan na nakatutulong sa immune system.

    Kusa namang nawawala ito sa paglipas ng ilang oras. Karaniwan din itong side effect ng pagkakaroon ng surgery sa prostate gaya ng prostatectomy. Magpatingin naman sa doktor kung sakaling may ibang maranasang sintomas gaya ng pananakit ng balakang para maiwasan ang iba pang komplikasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sexually Transmitted Infections (STIs)

    Nagdudulot ng pagtubo ng bukol sa ari o sa paligid nito ang mga ganitong impeksyon. Nakukuha ito kung hindi ka protektado mula sa pakikipagtalik sa taong mayroon ng sakit na ito. Ilan sa posibleng bukol na tumubo sa iyo na dala nito ay genital herpes, syphilis, genital warts, at molluscum contagiosum.

    Penile cancer 

    Ang kanser sa ari o penis ay hindi pangkarinawang cancer sa tissue at balat ng ari. Karaniwang sintomas nito ay pagtubo ng abnormal na bukol sa ari. Sa simula, mapapansin na isang tipikal na bukol lamang pero lumalaki ito sa katalagan, mukhang mapula, namamaga, at may impeksyon.

    Iba pang sintomas ay panganagti, may masakit o mahapdi kapag umiihi, may hindi pangkaraniwang discharge, pagdurugo, pagtubo ng rashes, pagkapal ng balat ng ari, at may matinding pamamaga sa ari. Nangngailangan ito ng agarang panggagamot at depende ito sa sitwasyon. 

    Paalala ng mga eksperto na anumang bukol o butlig na tumutubo sa ating balat lalo na maselang katawan natin ay hindi dapat na ipagwalang-bahala o isintabi. Bagaman may bukol na hindi nakakasasama, mahalagang ipatingin ito sa doktor upang matiyak ang sanhi at anong uri ito.

    Kung nakasasama, agad na malapatan ng lunas at matukoy kung may iba pang kondisyong medikal na kaakibat nito. Kung may mararanasan ding sintomas na hindi pangkariniwan sa iyo o nagdudulot ng sakit o hirap, huwag magdalawang isip na kumonsulta sa doktor para sa tamang pagsusuri ng bukol sa ari.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles