May naitalang 551 kaso ng chikungunya sa bansa ngayong taon ng 2022. Mas mataas ang bilang na ito ng 589 percent kumpara sa parehong panahon ng nakaraang taon ng 2021.
Ito ay ayon sa abiso ng Department of Health (DOH). Naitala ang pagtaas ng mga kaso sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng severe tropical storm Nalgae (Paeng sa Pilipinas). Nalubog kasi ang mga lugar na ito sa tubig-baha, na siya namang kadalasang binabahayan ng mga lamok.
PHOTO BY Facebook/Department of Health
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang chikungunya, tulad ng dengue, ay isang viral disease na nakukuha mula sa kagat ng lamok na infected ng virus na ito. Partikular ang mga uri ng lamok na Aedes aegypti at Aedes albopictus, na carrier din ng mga sakit na dengue at Zika.
PHOTO BY Facebook/Department of Health
CONTINUE READING BELOW
watch now
Pero hindi kasing bagsik ang chikungunya ng dengue, na maaaring mauwi sa kamatayan (basahin dito). Ganyunpaman, nakakaranas ng ganitong mga sintomas ang mga tinatamaan ng chikungunya:
Lagnat
Pananakit ng katawan
Pananakit ng ulo
Pagkahilo na puwedeng may kasamang pagsusuka (nausea, vomiting)
Labis na pagkapagod
Pamamantal ng balat (rashes)
Labis na pananakit ng mga kasu-kasuan (severe joint pain)
Ang severe joint pain ang magsasabing chikungunya ang tumamang sakit at hindi dengue. Sa sobrang sakit ng mga kasu-kasuan, ang pakiramdam ng pasyente ay nababali na ang kanyang mga buto.
Halaw ang pangalan ng sakit mula sa salitang chikungunya, na ang ibig sabihin ay “to become contorted” sa wikang Kimakonde. Isa ito sa mga wikang ginagamit sa bansang Tanzania, kung saan unang namataan ang virus.
PHOTO BY Facebook/Department of Health
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Para makaiwas sa chikungunya, payo ng DOH na panatiliing malinis ang kapaligiran at kabahayan. Makakatulong din na malusog ang pangangatawan, lalo na't wala pang bakuna laban sa sakit na ito.
Simula noong 2013, nagkaroon ng chikunguyna outbreak sa mga probinsya ngAntique, Iloilo, at Bataan. Ang huling malawakang atake ay noong 2016 sa Cavite.
PHOTO BY Facebook/Department of Health
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Basahin dito ang dapat pang malaman ng magulang para sa kaligtasan ng anak.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.