embed embed2
Medical Emergency Ang Severe Dengue: Kailan Nangyayari Ito At Anong Dapat Gawin
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Napakaliit man ng mga lamok (partikular ang aedes aegypti mosquitoes at sa ilang pagkakataon, ang ae. albopictus), malalang karamdaman naman ang maaaring maidulot.

    Ang mga ganitong uri ng lamok din ang nagdadala ng viruses tulad ng Zika at chikungunya. Matinding perwisyo kapag ikaw ay makagat ng mga ito at mapasahan ng dengue virus (virus mula sa Flaviviridae family), na puwede pang mauwi sa severe dengue.

    Mga dapat malaman tungkol sa dengue

    Ang dengue fever ay sakit na kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok na infected ng isa sa dengue viruses. Mataas ang kaso nito sa tropical at sub-tropical climates sa buong mundo, kadalasan sa mga urban at semi-urban na mga lugar.

    Sa mga lugar na siksikan ang mga tao, iba't ibang social at environmental factors ang nagdudulot ng pagkalat ng ganitong sakit: human mobility, access sa reliable water source, water storage practice at iba pa. Tinatayang mula 100 hanggang 400 million ang infection taon-taon, ayon sa World Health Organization (WHO), at higit sa 80 percent ng mga kaso ang mild at asymptomatic.

    Bandang 1950s nang nagkaroon ng epidemya ng dengue sa Pilipinas at Thailand. Sa kasalukuyan, apektado na rin nito ang iba pang mga bansa sa Asya at Latin America. Naging isa na rin ito sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga bata at matatanda sa buong mundo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sintomas ng dengue fever

    • Rash
    • Nausea o pagkahilo na nauuwi sa pagsusuka
    • Pananakit ng muscle, bone, at joints
    • Mataas na lagnat (umaabot sa 40°C/104°F)
    • Labis na pananakit sa likod ng mga mata

    Samantala, madalas na wala ring sintomas ang mga taong may dengue virus. Ngunit sa paglipas ng apat hanggang sampung araw mula nang makagat ka ng lamok, maaaring doon na maging kapansin-pansin ang mga sintomas na nabanggit sa itaas. Posible ring tumagal ang mga ito sa loob ng tatlo hanggang pitong araw.

    Ano ang severe dengue?

    Ang mga sintomas ng dengue ay kagaya ng mga sintomas ng karaniwang lagnat (fever) o di kaya trangkaso (flu), ngunit maaaring mauwi sa severe dengue (dengue hemorrhagic fever), na isang mapanganib na kondisyon. Ang severe dengue  ay life-threatening o mapanganib.

    Isa sa dalawampung mga nagkakaroon ng dengue ay nagkakaroon ng severe dengue pagkatapos magsimulang mawala ang kanilang initial symptoms. Lumalala ang mga sintomas at ang warning signs nito ay nakikita 24 hanggang 48 oras matapos mawala ang iyong lagnat. Maaaring maging medical emergency na nakamamatay ang severe dengue.

    Diagnosis at treatment ng dengue

    Blood test ang paraan upang matukoy o mag-diagnose kung mayroon kang dengue. Kukuha ng sample ng iyong dugo mula sa iyong ugat at susuriin ito sa laboratoryo upang matukoy kung may senyales ng dengue virus.

    Walang gamot na direktang nakapagpapagaling sa dengue fever. Mayroon lamang mga rekomendasyong treatment na maibibigay ang doktor upang makontrol ang mga sintomas at sila rin ang makapagsasabi kung dapat bang dalhin sa emergency room (ER).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ilan sa mga paraan ng pag-manage sa mga sintomas ang sumusunod:

    • Magpahinga nang sapat
    • Iwasan ang dehydration
    • Uminom ng maraming fluids, tulad ng tubig.
    • Kung may pananakit ng katawan, acetaminophen tulad ng Tylenol lamang ang gamitin.
    • Huwag uminom ng ibuprofen tulad ng Advil o aspirin dahil makapagdudulot ito ng internal bleeding.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Huwag mag-alinlangang magpapatingin sa doktor, lalo na kapag naranasan ang alinman sa sumusunod na mga sintomas:

    • Pananakit ng tiyan
    • Panlalambot
    • Pagsusuka (tatlong beses sa loob ng 24 oras)
    • Pagdurugo ng ilong (nosebleed) at gilagid (gums)
    • Pagsuka ng dugo, o di kaya may dugo sa iyong dumi (stool)
    • Pagkahapo o labis na pagod
    • Pagkabalisa (restless) o di kaya iritable
    • Paglaki ng atay (liver enlargement)

    Kapag nakitaan ang pasyente ng mga sintomas na ito sa critical phase (mula 3 hanggang 7 araw pagkatapos magsimula ang sakit), mahigpit na pagbabantay (close observation) ang kailangan sa susunod na 24 hanggang 48 oras. Ito ay upang mabigyan ng wastong medical care at makaiwas sa karagdagan pang mga komplikasyon ang pasyente.

    Maaari bang maging immune sa dengue fever?

    Oo, ayon sa mga eksperto, maaaring maging ligtas o immune kung nagkaroon ka na nito nang isang beses ngunit kailangang higit na mag-ingat kung nagka-dengue ka na. Kapag na-infect ka kasi sa ikalawang pagkakataon, mataas ang posibilidad na mas seryosong sintomas pa ang iyong mararanasan.

    Mayroong apat na bersyon ang dengue virus:

    • Strain DENV-1
    • Strain DENV-2
    • Strain DENV-3
    • Strain DENV-4

    May pagkakumplikado ang mga ito. Pero mayroon ding tools ang ating immune system upang makilala ang mga impeksyon at malabanan ang mga ito. Habang nilalabanan ng katawan ang isang virus, naghahanap ito ng antibodies na makasisira o makapupuksa sa virus. Ispesipiko ang mga antibody na ito sa bawat invader sa ating katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nabakunahan ka na, inaasahang hindi ka na muling magkakaroon ng ganitong strain ng DENV. Ngunit may mga pagkakataong muli kang tatamaan ng ibang bersyon ng DENV at makahahanap ito ng paraan upang masalisihan ang iyong immune system (antibody-dependent enhancement).

    Sa ganitong pagkakataon, ang ibang strain ng virus na mahuhuli ng antibody mula sa unang strain ay mahihila papunta sa iyong cells. Hindi pa lubos na nauunawaan ang prosesong ito ngunit kapag nasa loob na ng iyong cells ang nasabing strain ng DENV, hindi alam ng cells na ito ay delikado. Mas nagiging madali tuloy para sa virus ang magdulot ng mas seryosong karamdaman kapag ikaw ay mayroong impeksyon mula sa dengue.

    Pumapasok ang virus sa iyong dugo at bumubuo ng maraming kopya ng sarili. Kayang sirain ng virus na ito ang mga bahagi ng iyong dugo na bumubuo ng clots at nakapagbibigay ng istruktura sa iyong blood vessels.

    Sa ganitong pagkakataon, mayroon ding ilang kemikal na mula sa immune system mo ang maaaring maging sanhi ng pag-leak ng dugo mula sa blood vessels at magdulot ng internal bleeding. Dito na nararanasan ang life-threatening na sintomas ng malala o severe dengue.

    Nakahahawa ba ang dengue?

    Hindi ito nakahahawa sa paraang maaaring maipasa ang karaniwang lagnat o di kaya trangkaso (flu). May ibang paraan kung paano naipapasa ang sakit na dengue. Kung ang isang buntis ay magka-dengue, ito lamang ang pagkakataong maaaring maipasa niya ang virus nang direkta sa baby habang nasa sinapupunan niya pa ito o kapag isinilang na ang sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero doble ingat ang dapat pairalin dahil puwedeng magkasakit ng dengue ng ilang beses. Mayroong apat na bersyon o strains ang virus na ito, kaya posible ngang mahigit sa isang beses ka dapuan ng virus.

    Mga paraan para makaiwas sa dengue

    Paalala ng WHO, ang panganib ng pagkakaroon ng dengue sa isang komunidad ay nakabatay sa kaalaman ng mga tao, sa kanilang aktibong pag-iingat laban sa sakit, at sa implementasyon ng routine sustainable vector control activities. Mainam kung aalamin mo ang mga programa sa inyong barangay upang makaiwas sa dengue fever.

    Ang pagpapabakuna at ang pag-iwas na makagat ka ng lamok ang dalawang pangunahing paraan upang hindi magkaroon ng dengue. Kailangang magpahinga, uminom ng tubig, at komunsulta sa doktor upang higit na makaiwas sa severe dengue.

    Tandaan din ang mga ganitong paraang upang makasigurong iwas-lamok at iwas-sakit ang buong pamilya:

    • Panatilihing malinis ang paligid
    • Magtapon ng basura sa wastong lalagyan
    • Tanggalin ang mga natatambak na tubig, kung saan puwedeng pamugaran at magpadami ang mga lamok
    • Gumamit ng insecticides sa mga water storage outdoor containers
    • Linisan ang window screens, repellents, coils, at vaporizers at panatilihin ang kalinisan buong araw
    • Ibahagi sa buong komunidad ang risks ng mosquito-borne diseases
    • Iwasang makapasok ang mga lamok sa inyong tahanan
    • Gumamit ng kulambo o mosquito net sa gabi lalo kung maraming lamok sa inyong lugar
    • Gumamit ng insect repellents na mayroong 20% hanggang 30% DEET o iba pang sangkap na makapagtataboy sa Aedes mosquitos
    • Magsuot ng mga damit na makapagpoprotekta sa iyong balat, lalo sa gabi kung kailan mas maraming mga lamok
    • Tanggalin ang standing water o naipong mga tubig sa mga balde, batya, at drum na walang mga takip. Dito kasi nagpaparami ang mga lamok.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ikaw ay buntis, iwasan ang pagbiyahe at pagpunta sa mga lugar na mataas ang bilang ng mayroong dengue. Makatutulong kung i-search muna sa news kung saan dumadami ang mga kaso at bisitahin ang website ng Department of Health (DOH) sa iba pang ulat.

    Kung sa labas naman ng bansa, i-check ang United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) para malaman kung saan dako ng mundo merong dengue outbreak.

    Sakaling ikaw ay buntis at mayroong dengue, agad na komunsulta sa iyong doktor at unawaing posible itong maging sanhi ng miscarriage, low birth weight, o di kaya premature birth. Kailangang maging mas maingat upang maprotektahan ang sariling kalusugan at ang iyong baby sa panahon ng pagbubuntis.

    Kung alam mong mayroon kang dengue, buntis man o hindi, mas mabuting iwasan na makagat ka ulit ng lamok sa unang linggo ng pagkakaroon ng virus. Sa panahong ito kasi, kumakalat na ang virus sa iyong dugo. Kung makakagat ka ulit, maipapasa mo ang virus sa iba pang makakagat ng lamok na kumagat sa iyo.

    Bakuna laban sa dengue

    Inirerekomenda ang Dengvaxia laban sa dengue virus kapag ikaw ay nagkaroon na ng dengue. Mababawasan nito ang risk ng severe dengue (dengue hemorrhagic fever) kung sakaling magkaroon ka ng ibang bersyon ng virus na ito.

    Hindi dapat magpabakuna ang hindi pa nagkakaroon ng dengue virus. Natutukoy rin sa mga blood test kung nagka-dengue na ang isang tao.

    Tumatagal sa loob ng tatlo hanggang pitong araw ang initial symptoms ng dengue fever. Pagkatapos nito, gumiginhawa na ang pakiramdam ng ibang tao ngunit sa ibang pagkakataon, mayroong mga dumaranas pa ng life-threatening severe dengue kung kaya't dapat na ipa-confine ang pasyente sa ospital.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Walang tumatagal na mga komplikasyon sa karamihan ng mga taong nakaka-recover mula sa dengue. Kung mayroon ka namang sintomas nito, napakaliit din ng posibilidad na mauwi ito sa severe dengue. Siyamnapu't siyam na porsiyento naman ang posibilidad na gumaling ang mga pasyenteng may severe dengue na agad naisusugod sa ospital upang mapagamot.

    Posibleng resulta ng severe dengue:

    • Shock
    • Internal bleeding
    • Kamatayan

    Tandaang nakamamatay ito dahil sa plasma leaking, fluid accumulation, respiratory distress, severe bleeding, o di kaya organ impairment. Medical emergency ang severe dengue. Agad na magpunta sa ospital kung nakararamdam ka ng mga sintomas nito. 

    Read also: Bakit Laging Kinakagat ng Lamok ang Aking Anak 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles