embed embed2
Tumataas Ang Dengue Cases Ng Hanggang 94%, Bilin Ng DOH Na Sundin Ang 4-S Campaign
PHOTO BY Pexels/icon0.com
  • Simula nitong katapusan ng March 2022, mabilis na umaakyat ang dami ng mga nagkakasakit ng dengue sa maraming rehiyon ng Pilipinas.

    May naitalang 11,435 dengue cases mula March 20 hanggang April 30, na kilala rin bilang Morbidity Weeks 12 to 17. Katumbas nito ang 94% na lamang kumpara sa nakaraang taon, 2021, sa parehong time period na 5,901 ang mga nagkasakit.

    Ito ay ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), gamit ang datos mula sa Epidemiology Bureau (EB).

    Mula naman April 10 hanggang May 7, may naitalang 6,622 dengue cases. Karamihan sa mga nagkasakit ay galing sa Region IX (Zamboanga Peninsula) na may 908 cases (14%). Sumunod ang Region VII (Central Visayas) na may 881 cases (13%) at Region III (Central Luzon) na may 593 cases (9%).

    Una nang naibalita ang pagtaas ng dengue cases sa Cebu City, kung saan 422 ang naitala mula January hanggang May 17, 2022. Naalarma ang mga opisyales ng siyudad dahil 10 beses ang itinaas ng mga kaso kumpara noong 2021.

    Sanhi ng dengue

    Ang dengue ay isang sakit mula sa lamok (mosquito-borne illness), ayon sa Mayo Clinic. Ginagamit ng mga lamok, partikular ang babaeng lamok, ang kanilang proboscis, o ang tila tubo na bibig, para sugatan ang balat ng madadapuan nilang tao o di kaya hayop. Tinatawag na host ang mga nakagat na tao o hayop.

    Mula sa sugat, sisipsipin ng lamok ang dugo ng host. Kailangan ng mga babaeng lamok ang mga bitaminang nasa dugo ng host para makagawa sila ng mga itlog. Kaya nilang mangitlog sa isang patak ng tubig, kaya talaga namang napakabilis din talagang dumami ng mga lamok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naaakit din ang mga lamok sa body odors, carbon dioxide, at sa init mula sa katawan ng tao at mga hayop. Karamihan sa mga lamok ay pumipili ng oras ng pag-atake, at madalas tuwing madaling-araw o sa dapithapon.

    Habang kumukuha ang mga lamok ng dugo sa host, nagi-inject din sila ng laway sa balat. Ang laway ng lamok ay mayroong anticoagulants at anti-inflammation substances na pumipigil sa bloodclotting. Dahil dito, hindi nata-trap ang kanilang proboscis sa host.

    Sa oras na maramdaman ng katawan ng tao ang foreign substances, agad magpapakawala ang immune system ng histamine at cytokines. Ang mga ito ang sanhi ng pangangati ng balat kapag nakakagat tayo ng lamok sa alinmang bahagi ng ating katawan.

    (Basahin dito kung paano naipapasa ang sakit na dengue.)

    Paraan upang maiwasan ang dengue

    Maaaring maiwasan ang dengue outbreak sa pamamagitan ng Enhanced 4-S campaign ng DOH:

    Search and destroy mosquito-breeding sites

    Malaking tulong na mahanap at mapuksa ang mga pinamumugaran (breeding sites) ng mga lamok. Pangunahin dito ang mga lugar kung saan naiipon ang tubig, tulad ng maduming estero, nakatiwangwang na gulong, basurang lata, at iba pa.

    Secure self-protection measures

    Mga halimbawa nito ang pagsusuot ng pantalon (long pants) at pang-itaas na may mahabang manggas (long sleeved shirts), pati na paggamit araw-araw ng pantaboy ng lamok (mosquito repellent).

    Seek early consultation

    Kung ikaw o iyong anak ay may nararamdaman ng mga sintomas ng dengue, mahalaga na magpasuri na sa doktor.

    Support fogging/spraying

    Makipagtulungan sa inyong barangay sa pagtukoy sa hotspot areas, kung saan tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit sa dalawang magkasunod na linggo. Magsasagawa ang barangay ng pagpapausok (fogging/spraying) nang mapuksa ang mga lamok at maiwasan ang outbreak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga dapat tandaan

    Paalala ng DOH na ito ang pangunahing sintomas ng dengue:

    • Biglang pagkakaroon ng lagnat mula 2 hanggang 7 na araw

    Bukod dito, maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang mga sintomas, gaya ng mga sumusunod:

    • Pananakit ng ulo
    • Panghihina o panglalata ng katawan
    • Pananakit ng mga muscle at joints
    • Pagkirot sa likuran ng mga mata
    • Pagkawala ng ganang kumain
    • Pagsusuka
    • Pagtatae (diarrhea)
    • Pagkakaroon ng rashes sa balat

    Bilin ng DOH na bantayan ang pagbaba ng lagnat sa pagitan ng 3 at 6 na araw ng pagkakasakit. Hudyat daw ito ng paglala ng kondisyon, mula mild hanggang sa mas seryoso.

    Kaya mula sa una pa lang hanggang ikatlong araw ng pagkakaroon ng lagnat, kailangang komunsulta na sa doktor. Mahalaga kasing matukoy kaagad kung dengue nga ang sakit.

    Kakailanganin na pataasin ang fluid intake. Hindi lamang sa pag-inom ng tubig, pero pati na ng Oral Rehydration Solution. Napatunayang nakapagliligtas ito ng buhay ng pasyente.

    Kung patuloy ang pagbaba ng lagnat o nagiging normal na ang temperatura ng pasyente sa pagitan ng 3 at 6 na araw, kailangan bantayan ang pagbalik ng lagnat. Posible rin kasing magkaroon ng warning signs, tulad ng:

    • Pananakit o panlalambot ng tiyan (abdominal pain or tenderness)
    • Pagsusuka ang madalas
    • Pamamanas (edema)
    • Pagdudugo ng ilong, bibig, at iba pang pinagdadaluyan ng mucus
    • Pagkawala ng ganang gumalaw (lack of energy)

    Read also: Halaman Laban Sa Lamok Para Iwas Dengue!

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles