Tagalog,eczema,skin diseases,ask the doctor,greener,con-00370,eczema sa kamay,Eczema Sa Kamay | Smart Parenting,topical cream, eczema sa kamay, eczema, skin diseases, sakit sa balat, atopic dermatitis,Kapag may eczema sa kamay, halimbawa, tandaan ang bawal itong kamutin, kutkutin, at kalkalin.
HealthYour Health

Eczema Sa Kamay Ang Madalas Maranasan Dahil Sa Gawaing Bahay: 4 Paraan Para Makaiwas

Iwasan din na kamutin, kutkutin, at kalkalin, ayon sa dermatologist.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Isa ang eczema sa karaniwang inflammatory skin conditions. Eczema sa kamay ang madalas ding maranasan ng mga nanay dahil sa mga gawain sa bahay araw-araw. Ang eczema ay grupo ng mga sakit sa balat na nagdudulot ng pamamaga, pagkatuyo, at pagpapantal. Makati, mamasa-masa, at mapulang bahagi ito sa balat na madalas ay nauuwi rin sa pagbubutlig-butlig at pangangaliskis.

Maaaring magkaroon ng eczema ang isang tao, anoman ang edad at kasarian. Kahit ang mga baby ay posible ring magkaroon ng eczema. Ayon sa National Eczema Association ng Estados Unidos, lampas 31 milyon sa Amerika ang mayroong ganitong medical condition.

Kasama sa mga sintomas ng hand dermatitis o hand eczema ang:

  • Pakatuyot (dry)
  • Pagbabalat-balat (peeling)
  • Pagbabakbak (flaking)
  • Pagputok-putok (cracking)
  • Pagpapaltos (blistering)
  • Pangangti (itchy)

Sa tulong ng dermatologists, marami ang naliliwanagan kung ano-ano ang triggers ng kanilang blisters.

Triggers ng eczema

Nagbabago ang pangalan ng eczema batay sa itsura at kung saan ito nakikita. Ang iba pang mga bahaging maaaring magkaroon ng eczema ay ang leeg, sa likod ng siko, at sa binti. Ito rin ang mga bahaging mas madalas na nababasa at nalalagyan ng sabon. Nagdudulot din ng eczema ang antiseptic wipes at iba pang cleaning products na may mga sangkap na matapang para sa balat.

Karaniwang sanhi ng eczema ang mga kemikal mula sa mga gamit sa bahay tulad ng bleach, at mga detergent at sabong panlaba, ayon sa dermatologist na si Dr. Katty Go. Nagbigay siya ng paliwanag sa vlog na ito.

Sa isang tingin pa lang sa larawan ng eczema sa kamay, natukoy agad ni Dr. Go na contact dermatitis ito. Payo niya, magsuot ng cotton at/o rubber gloves kapag naglalaba at naglilinis ng banyo at iba pang bahagi ng bahay. Mainam kung gagamit ng Perla kaysa iba pang brand ng detergent at sabon upang makaiwas sa pangangati ng kamay.

watch now

Bukod sa mga kemikal mula sa cleaning products, narito din ang ilan pa sa triggers ng eczema, ayon sa mga eksperto:

  • Alikabok
  • Lagnat
  • Pagkain
  • Panahon
  • Pawis
  • Polusyon
  • Stress
  • Tubig na panligo
  • Nickel o cobalt

Ang cobalt at nickel ay matatagpuan sa metals, mula sa mga alahas hanggang sa cellphones, at ibang uri  ng pagkain.

Kung ang mga produktong madalas mong ginagamit sa iyong trabaho ay nakapagti-trigger ng pagbubutlig-butlig o di kaya eczema rash, dapat kang komunsulta sa dermatologists upang magabayan ka sa pagprotekta sa iyong balat at maiwasan ang bagong blisters. Ang kaalaman tungkol dito ay makatutulong upang makaiwas sa triggers at mabawasan ang flare-ups. 

Mga uri ng eczema

Matutukoy kung alin sa types of eczema sa tulong ng dermatologist para sa management ng sakit na ito. 

Atopic dermatitis o skin asthma

Ito ang pinakakaraniwang uri ng eczema. Prone dito ang mga may dry na balat. Madalas na mayroon ding asthma o hay fever ang nagkakaroon ng atopic dermatitis. Hindi ito nakakahawa at karaniwang nagsisimula mula pagkabata ng pasyente.

Contact dermatitis

Irritant at allergic ang dalawang uri ng contact dermatitis. Prone dito ang mga taong exposed sa iba’t ibang allergens. Kasama dito ang cleaning products na ginagamit araw-araw.

Dyshidrotic eczema

Mas madalas umaatake ang dyshidrotic eczema sa mga babae. Eczema sa kamay at paa ang ganitong uri ng sakit sa balat. Stress at metals tulad ng nickel ang karaniwang trigger. Kapag lagi ring basa ang kamay, mataas ang posibilidad na magkaroon ng ganitong uri ng eczema.

Neurodermatitis

Ang mga madalas nagkakaroon ng neurodermatitis ay ang mga walang tigil sa pagkamot sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Karaniwan itong nakikita sa isa o dalawang patches ng balat at kapag tumagal, nagiging mas tuyo at matigas ang patse-patse ng balat at mangangati pa rin ito. Lichenification ang tawag dito. Ang neurodermatitis ay kilala rin bilang lichen simplex chronicus.

Numular eczema

Kalat-kalat at bilog ang hugis at mukhang piso ang ganitong uri ng eczema. Kailangan ng skin scraping upang makumpirma na wasto ang diagnosis ng doktor. Madalas kasing napagkakamalan ang numular eczema sa ilan pang sakit, tulad ng psoriasis, ringworm, fungal infection, at ibang uri ng eczema.

Seborrheic dermatitis

Ang seborrheic dermatitis ang inflammatory reaction sa sobra o excess Mallassezia yeast, na tinuturing na sanhi ng ganitong eczema. Sa anit ito karaniwang nakikita ngunit maaaring magkaroon din sa gilig ng ilong, kilay, at iba pang bahagi ng mukha. Maaari itong tumagal ng ilang taon.

Stasis dermatitis

Ang madalas na nagkakaroon ng stasis dermatitis ay mga may venous insufficiency o poor circulation, lalo na sa lower legs. Karaniwang babaeng nasa edad 50 pataas ang nagkakaroon ng ganitong uri ng eczema.

Sabi pa ng mga eksperto, may mga pagkakataong mayroon ding kombinasyon ng mga sakit na ito.

Ang mga paltos o blisters ng dyshidrotic eczema, halimbawa, ay maaaring tumagal mula tatlo hanggang apat na linggo bago tuluyang maghilom. Tinatawag din itong pompholyx. Sa ibang kaso, bumabalik-balik ang mga ito. Maaari ding tumagal nang habambuhay ang ganitong sakit sa balat.

Flares ang tawag sa panahong malala ang pamamaga at pangangati. Remissions naman ang tawag sa mga pagkakataong naiibsan ang pamamaga at nagiging clear ang balat.

Tips kung prone sa eczema sa kamay

May payo ang mga eksperto kung hindi maiiwasan ang exposure sa triggers ng eczema:

  • Mahalaga ang paggamit ng cotton o rubber gloves habang naghuhugas ng pinggan, naglalaba, o naglilinis sa banyo.
  • Magdala ng travel bottles ng sabon at moisturizer nang maagapan ang pagtuyot ng balat.
  • Piliin ang mga produktong moiturizer na mild, iyong walang chemicals.
  • Hugasan nang mabuti ang mga kamay at mag-apply ng moisturizer.

Narito ang mga trabaho kung saan mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng eczema:

  • Kasambahay
  • Labandera
  • Chefs, bakers, caterers
  • Construction workers
  • Hairdressers
  • Healthcare workers
  • Mangingisda
  • Magsasaka

Kung may eczema sa kamay, maaaring maging problema ang pagsunod sa rekomendasyon ng health officials na regular na paghugugas at pagsa-sanitize ng mga kamay upang maprotektahan ang sarili lalo na ngayong may pandemya. Napatunayan na kasing ang tamang paghuhugas ng kamay ay isa sa pinakaepektibong paraan sa pagpigil ng pagkalat ng mga virus, tulad ng COVID-19 at flu.

Ang pagkakaroon ng eczema sa kamay, gaya ng sa atopic dermatitis o di kaya dyshidrotic eczema, ang palaging paghuhugas ng kamay ay makapagdudulot ng flare-ups o pagkatuyo ng balat at cracked skin, itchiness, pananakit ng balat, at impeksyon.

May payo si Dr. Jonathan Silverberg, ang Associate Professor ng Dermatology sa George Washington University School of Medicine and Health Sciences. Aniya sa panayam ng The Asthma and Allergy Foundation of America (AAFA), mainam ang paggamit ng moisturizer pagkatapos maghugas ng kamay upang mabawasan ang panunuyo ng balat.

Paano ginagamot ang eczema?

Inirerekomenda ng mga doktor ang mga ganitong anti-allergies o antihistamine tablets na mabibili over-the-counter:

  • Levocetirizine (Histalev)
  • Loratadine (Loaller)

Nakatutulong din sa pagginhawa ng pakiramdam ang paglalagay ng yelo sa bahaging nangangati. Posibleng makaramdam ng sakit o hapdi dulot ng lamig ngunit epektibo ang home remedy na ito ayon sa mga eksperto. Ilan pa sa inirerekomenda ang lotions tulad ng Aveeno at Cetaphil.

Para sa mga sugat dulot ng pangangati, mainam ang paggamit ng antibacterial creams tulad ng Burnsil. Isa pa sa inirerekomenda ang mild steroids tulad ng Lornasone.

Bukod sa prescriptions ng doktor, may mga pagkakataong gumagamit din ng UVB o type B ultraviolet light treatment para sa eczema. Nakatutulong din ang nutritional counseling para sa pasyente.

Bilin ng mga eksperto na komunsulta sa iyong dermatologist upang maresetahan ng angkop na gamot sa eczema at magabayan sa wastong treatment.

Gawin din ang ganitong mga hakbang:

  • Iklian ang kuko at ang kuko ng batang may eczema.
  • Gumamit o magsuot ng gloves kung maglilinis ng bahay.
  • Umiwas sa stress upang hindi makapag-trigger ng flare-ups.
  • Sundin ang mga hakbang sa paghuhugas ng kamay mula sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
  • Maligamgam na tubig ang gamitin sa paghuhugas ng mga kamay (at sa pagligo). Matutuyo ang balat kapag mas mainit pa ang tubig.
  • Gumamit ng moisturizer na hindi mabango pagkatapos maghugas ng kamay.
  • Uminom palagi ng tubig upang maiwasan ang dehydration.

Idagdag pa ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo upang masiguro na malinis ang mga ito, lalo na kung galing ka sa labas o kung ikaw ay inuubo at sinisipon.

Makatutulong naman ang paggamit ng moisturizer na may emollients. Ang mga ito ay moisturizing agents na makapagpapaginhawa sa iyong pakiramdam laban sa eczema. Creams, lotions, ointments, sprays, at gels ang ilang halimbawa ng emollients.

Makatutulong din ang paggamit ng humidifier sa loob ng bahay o opisina. Makatutulong na moist ang iyong kapaligiran upang manatiling moisturised ang iyong balat.

Maliban sa mga paalalang nabanggit, dapat ding malaman na mayroong tatlong dapat iwasan kung may eczema sa kamay. Ayon kay Dr. Katty Go, tatlong Ks ang bawal gawin sa eczema: kamutin, kutkutin, at kalkalin. Mahalaga ito upang hindi na mas lumaki ang eczema at makaiwas sa iba pang mga impeksyon.

Itinuturing na pinakamalaking organ ng ating katawan ang ating balat. Dapat lamang na maging maingat upang hindi magkaroon ng sakit katulad ng eczema sa kamay. Tandaang mahalagang panatilihing malinis ang ating katawan at kapaligiran gamit ang mga produktong banayad o mild sa balat. Agad ding komunsulta sa doktor kung mayroong napapansing hindi nawawalang pangangati, pamumula, at pamamaga.

Read also: A Mom's Battle and Victory Against Her Baby's Eczema

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close