heartburn,Tagalog,acid reflux,GERD,greener,gamot sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga,scr23,r08-em,Gamot Sa Pananakit Ng Dibdib At Hirap Sa Paghinga|Smart Parenting,gamot sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga, heartburn, acid reflux, GERD, heartburn treatment,Para mabigyan ng tamang gamot sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga, kailangan munang malaman ang sanhi nito, tulad ng heartburn.
HealthYour Health

May Pananakit Ng Dibdib At Hirap Sa Paghinga? Baka Dahil Sa Heartburn: Mga Gamot At Remedyo

Wala kinalaman sa heartburn ang sakit sa puso, pero meron sa digestive system.
PHOTO BYShutterstock

Ang article na ito ay unang naipublish noong Mayo 15, 2022. Nadagdagan ito ng updates noong Disyembre 28, 2023.

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Gamot sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga ang hanap ng isang mommy kaya nagpunta siya sa cardiologist. Kumbinsido kasi siyang may sakit sa puso. Pero pagkatapos niyang masuri, iba pala ang kanyang kondisyon.

Heartburn ang pakiramdam ng tila nasusunog (burning sensation) sa parteng dibdib, lalo na kapag kumunsumo ng partikular na pagkain o inumin. Isa itong sintomas ng acidic sa tiyan at may dinadanas na acid reflux. Kapag nadadalas ang atake ng acid reflux, maaaring magtuloy ito sa gastroesophageal reflux disease (GERD).

Mga dapat malaman tungkol sa heartburn

Nagsisimula ang problema sa lower esophageal sphincter, na siyang nagdudugtong sa stomach at esophagus. Kapag nabigo ang lower esophageal sphincter na panatiliin dito ang pagkaing dumaan na sa tiyan, pati na ang stomach acid, bumabalik ang mga ito paakyat hanggang esophagus.

Nagreresulta ito sa negative reaction, ayon sa MedlinePlus information resource ng United States National Library of Medicine. Wala kasing mucus lining ang esophagus, hindi tulad ng stomach na may kakayahang promutekta laban sa hydrochloric acid na kailangan na sa pagtunaw ng pagkain.

Kapag nagkaroon ng negative reaction, makakaramdam ka ng burning sensation sa dibdib, na umaabot bandang puso. Kaya maraming naga-akala na may sakit sila sa puso.

Kasabay ng burning sensation, maaaring makaramdam ng mga ganitong symptoms of heartburn:

  • Pagpait na panlasa
  • Pag-ubo
  • Pagmamalat ng boses
  • Pakiramdam na may nakabarang pagkain sa lalamunan
  • Pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga, lalo na kung hihiga o yuyuko

Kadalasang apektado ng ganitong mga pagkain o inumin ang paghina ng lower esophageal sphincter at pagkakaroon ng heartburn:

  • Maaanghang
  • Sibuyas
  • Kamatis at mga produktong may kamatis, tulad ng ketchup
  • Maaasim, tulad ng mga prutas na citrus
  • Mamantika at piniritong pagkain
  • Hitik sa taba ng baboy o iba pang karne
  • Peppermint
  • Tsokolate
  • Kape o iba pang caffeinated beverages
  • Softdrink at iba pang carbonated drinks
  • Alak
watch now

Mas tataas ang tyansa na magkaranas ng heartburn kung madalas kumain nang marami (overeat) o kung may katabaan (overweight). Isa pa ang pagiging buntis (basahin dito).

Paggamot sa heartburn

Rekomendado ng mga eksperto ang pagpapatingin sa doktor para mabigyan ng gamot sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga dulot ng heartburn at acid reflux. Posibleng resetahan ng mga ganitong gamot, na mabibili rin over-the-counter heartburn medications, ayon sa Mayo Clinic:

Antacids

Maaaring makontra ng antacid ang stomach acid at magbigay ng panandaliang lunas. Pero nito kayang mahilom ang pinsala sa esophagus na dulot ng stomach acid.

H2 blockers

May kakayahan ang H2 blocker na mabawasan ang stomach acid. Hindi nga lang ito umi-epekto nang kasing bilis ng antacid. Pero mas pangmatagalan ang lunas na dulot nito. Mga halimbawa: cimetidine (Tagamet HB) at famotidine (Pepcid AC).

Proton pump inhibitors

May kakayahan din ang proton pump inhibitor na mabawasan ang stomach acid. Mga halimbawa: esomeprazole (Nexium 24HR), lansoprazole (Prevacid 24HR), at omeprazole (Prilosec OTC).

Mga natural na remedyo

Maaari ring subukan ang ganitong home remedies:

Kumain ng saging

May taglay ang saging na natural anticids na kokontra sa stomach acid at gigihawa ang pakiramdam.

Uminom ng baking soda solution

Maglagay ng isang kutsarita ng baking soda sa isang basong tubig at inumin ito. May taglay ang baking soda na sodium. Kaya siguraduhin na wala kang kondisyon na kailangang maghigpit sa pagkonsumo ng sodium.

Ngumata ng chewing gum

Sa pagngata ng chewing gum, dumadami ang laway sa bibig. Makakatulong ang laway sa pagtunaw ng stomach acid. Subukang ngumata ng chewing gum pagkatapos kumain ng nagdudulot ng heartburn nang maiwasan ang posibleng pananakit ng dibdib. Kung nakakaramdam na ng heartburn, ngumata ng chewing gum sa loob ng 30 minuto.

Uminom ng aloe juice

Maaaring makatulong ang aloe juice para maibsan ang iritasyon sanhi ng heartburn.

Uminom ng apple cider vinegar solution

Maglagay ng tatlong kutsarita ng apple cider vinegar sa isang basong tubig at inumin. Maaaring makatulong ito na pangontra sa stomach acid.

Mga paraan para makaiwas

Subukan ding  gawin ang mga sumusunod nang mabawasan o di kaya maiwasan ang atake ng heartburn:

Bantayan ang timbang

Kapag napabayaan ang paglaki at pagbigat ng katawan, ang sobrang taba ay magbibigay ng pressure sa tiyan. Ang pressure naman ang magtutulak sa tiyan paakyat hanggang kumilos ang stomach acid pabalik sa esophagus.

Iwasan ang pagsusuot ng pasikip na kasuotan

Kapag masikip ang suot na damit, puwedeng magbigay ng pressure sa stomach at lower esophageal sphincter.

Iwasan ang triggers

Obserbahan kung anong mga pagkain at inumin ang nagbibigay ng heartburn, at iwasan na ang ma ito.

Iwasan ang masyadong pagkabusog

Imbes na kumain nang todo sa isang upuan, kumain na lang nang mas konti pero mas madalas sa buong araw.

Iwasan na humiga pagkatapos kumain

Maghintay ng tatlong oras bago mahiga at matulog.

Iwasang kumain nang malalim na ang gabi

Bumabagal ang panunaw kapag masyado nang gabi at kumain ka pa. Maaaring magbigay ng pressure ito sa tiyan.

Patungan ang tulugan nang tumaas ito

Mahirap makatulog kapag umaatake ang heartburn o acid reflux. Kung hindi umubra ang pagdagdag ng unan na ulunan, subukang maglagay ng pamatong sa ibabang bahagi ng kama. Sa ganitong paraan, magiging mas mataas ang mula baywang kaysa sa ulunan.

Itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak

Pinapababa ng paninigarilyo at pag-inom ng alak ang abilidad ng lower esophageal sphincter na mabantayan ang pag-akyat ng stomach acid papunta sa esophagus. Kaya mainam na itigil ang bisyo nang hindi na maghanap pa ng gamot sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga na dulot ng heartburn.

Pagbubuntis at heartburn

Ayon sa NHS, ang indigestion at heatburn ay karaniwang nararanasan sa pagbubuntis. Ito ay maaaring dulot ng mga pagbabago sa hormones at ang lumalaking bata na umiipit sa iyong sikmura.

Maaaring maibsan ang sintomas ng heartburn habang buntis sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay at kinakain, at meron ding mga ligtas na gamot para dito.

Pag-manage ng heartburn habang buntis

Maaaring gawin ang mga sumusunod upang maibsan ang heartburn habang buntis:

  • Kumain nang wasto: Mas malakin ang posibilidad na makaranas ng heartburn kung marami ang kinain. Maaaring nakakatukso na kumain ng marami kung ikaw ay buntis ngunit maaari din itong makasama sa iyo at sa sanggol. Basahin ang mga tips sa wastong pagkain habang buntis.
  • Baguhin ang ilang nakaugaliang pagkain at pag-inom: Maaaring ma-kontrol ang indigestion at heartburn sa pamamagitan ng pagkain ng konti nang mas madalas sa maghapon, kumpara sa pagkain ng marami nang tatlong beses sa isang araw. Maaari ding maupo ng tuwid habang kumakain upang hindi maipit ang sikmura, at umiwas sa mga pagkain na may caffeine, pagkaing matataba o maanghang upang maibsan ang sintomas.
  • Baguhin ang posisyon sa pagtulog: Maaaring itaas ng konti sa unan ang balikat at ulo o matulog nang nakatagilid sa kaliwa, upang maiwasang pumanik ang stomach acid habang natutulog.
  • Huwag manigarilyo: Maaaring magdulot ng indigestion ang paninigarilyo bukod pa sa ilang malubhang sakit na maidudulot nito sa iyo at sa sanggol, tulad ng premature birth, mababang timbang, o sudden infant death syndrome (SIDS).
  • Iwasan ang alcohol: Maaaring magdulot din ng indigestion ang pag-inom ng alak habang buntis at maaari din itong makasama at makaapekto sa kalusugan ng sanggol.

Maaari bang mauwi ang heartburn sa malubhang isyu sa kalusugan?

Ayon sa Mayo Clinic, ang hearburn na madalas na nararanasan at nakakasagabal sa iyong pang-araw-araw na bahay ay maaaring maging gastroesophageal reflux disease o GERD.

Kinakailangan nito ng mga gamot upang maibsan, o minsan ay surgery at ibang mga pamamaraan. Maaaring mapinsala ng GERD ang iyong esophagus o ito ay humantong sa precancerous na pagbabago sa esophagus na tinatawag na Barrett’s esophagus.

Basahin dito ang sanhi ng laging pag dighay.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close