-
Vitamins Sa Kidney? 8 Mas Mabisang Paraan Bilang Gamot Sa Sakit Sa Bato, Ayon Sa Doktor
Malaking tulong ang maagap na aksyon at masugid na gamutan.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Mahigpit ang bilin ng mga eksperto na kung may sintomas ng kidney problem o sakit sa bato, mainam na komunsulta kaagad sa doktor. Malaking tulong ito kung paano malalaman kung may sakit sa kidney at nang mabigyan ng tamang gamot sa sakit sa bato.
Paano nagkakasakit sa bato
Nagkakaroon ng problema sa kidney, sa isa o parehong pares, kapag inaatake ang mga maliit at milyon na structures sa loob nito na nephrons kung tawagin. Ang mga nephrons ang sumasala ng dugo, ayon sa MedlinePlus health information resource ng United States National Library of Medicine.
Tinatanggal ng nephrons ang mga dumi at sobrang tubig sa katawan. Ang mga ito ang nagiging ihi (urine). Dumadaloy ang ihi sa mga lagusan na kung tawagin ay ureters, na siya naman tumutuloy sa pantog (bladder). Nananatili ang urine sa bladder hanggang handa ka nang pumunta sa banyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan sa kidney diseases ang mga sumusunod:
- Infections
- Cysts
- Cancer
- Chronic kidney disease (CKD)
CKD ang pangunahing sakit sa bato, sabi ni Dr. Michelle Ozaeta-Alpuerto, isang nephrologist at internal medicine doctor, sa online talk na inorganisa ng Philippine Society of Nephrology (PSN). Isa raw kada sampung adult sa buong mundo ang tinatamaanng CKD.
Paliwanag ng fellow ng Philippine College of Physicians na ang CKD ay isang pangmatagalan at progresibong sakit ng bato, kung saan humihina ang paggana nito sa loob ng ilang buwan o taon. Nagu-ugat ito sa "abnormality of kidney function" na nangyayari sa loob ng higit sa tatlong buwan.
Lahad pa ng doktora na may mga taong hindi nalalaman na may kidney problem hanggang lumala na ito at tuluyang lumabas ang kombinasyon ng sakit sa bato sintomas. Sinasalo kasi ng mga malulusog na nephrons, o iyong mga maliliit na bahagi ng kidneys, ang mga gawain ng mga napinsalang nephrons. Kaya tuloy pa rin ang pagsasala ng mga dumi mula sa dugo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowGamot sa sakit sa bato
Paliwanag ni Dr. Ozaeta-Alpuerto na "walang cure" o lunas ang CKD, pero may treatment o paraan ng paggamot para mapigilan na lumala pa ang sakit sa bato. Kaya kailangan ang regular na checkup at pagsunod sa rekomendasyon ng doktor na gamot at test.
Payo ng doktora na maging mapanuri sa pagkain, tulad ng pag-iwas sa mga fatty food at madaming sangkap na preservatives. Dapat din daw iwasan ang mga pagkain na mayaman sa protina, tulad ng karne. Aniya, ang waste product mula sa protina ay nagiging pabigat para sa mga kidney.
Sa kabilang banda, depende sa kondisyon ng pasyente ang dami ng tubig na iinumin. Depende rin sa resulta ng test kung may kailangan pang iwasan na nutrisyon sa pagkain, gaya ng potassium at phosphorus.
Hindi naman rekomendado ni Dr. Ozaeta-Alpuerto ang sinasabing vitamins o supplement para malinis ang kidneys. Aniya, sapat na ang "regular water intake na appropriate" sa pasyente atang tamang diet.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi rin daw rekomendado ang herbal medicine, tulad ng inaakalang pag-ayos ng dating ng regla, pagbabawas ng timbang, at paggamot sa rayuma. Wala raw ang mga ito na "approved therapeutic benefits" at baka magkaroon pa ng "interaction" sa niresetang gamot ng doktor.
Kung sakali raw magkaroon ng kakulangan (deficiency) sa vitamin D ang pasyente, makakatulong ang pag-inom ng multivitamins basta hindi sosobra sa itinakdang dosage ng doktor.
Ibinahagi ni Dr. Ozaeta-Alpuerto ang tinatawag niyang 8 golden rules of kidney health kung paano iwasan ang sakit sa bato:
Keep fit, be active
Mapapababa ng regular na ehersisyo ang timbang at blood pressure, pati na ang risk sa CKD. Nakakabawas din ng stress at nakaka-improve ng physical conditioning. Hindi kailangan ng mamahaling o kumplikadong equipment o gadget dahil malaking tulong na ang paglalakad o di kaya pagsasayaw.
May parehong benefit ang mas madalas na moderate intensity exercise kumpara sa vigorous exercise na minsanan lang gagawin. Ang brisk walking ng 30 minuto ng 5 beses sa isang linggo araw, halimbawa, ay halos katumbas ng paglalaro ng basketball ng 25 minuto ng 3 beses sa isang linggo. Basta komunsulta muna sa doktor.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWEat a healthy diet
Nakakatulong ang tamang pagkain sa pagme-maintain ng ideal body weight, pag-improve ng blood pressure, pag-prevent ng diabetes, heart disease, at iba pang kondisyon na associated sa CKD.
Limitahan ang sodium o asin sa ating pagkain. Ang recommended na dami ng sodium sa isang araw ay 2 grams o isang teaspoon (kutsarita) upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng hypertension. Kaya hangga't maaari, huwag nang magdagdag ng asin, toyo, o bagoong na pampaalat sa hapag-kainan.
Check and control you blood sugar
Kalahati ng mga mataas ang blood sugar ay hindi sila aware na meron silang diabetes. Kaya ugaliin ang pag-check ng blood sugar bilang parte ng regular body checkup, lalo na sa mga nakakaedad na. Ang mataas na blood sugar ay nakakasira ng kidneys.
Maaaring mapigilan ang pagkakaroon ng CKD kung kontrolado ang blood sugar. Kung kayo ay may diabetes, makakatulong ang pagbaba ng blood sugar para bumagal ang pagkasira ng mga bato. Uncontrolled blood sugar ang number one cause ng kidney disease na nauuwi sa dialysis sa buong mundo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCheck and control your blood pressure
Maraming may high blood pressure (BP) na asymptomatic. Kailangan magpa-check ng BP bilang parte ng regular health monitoring. Ang normal BP para sa adults ay 120/80.
Take appropriate fluid intake
Maraming factors para masabi ang tamang dami ng tubig na kailangang inumin: exercise, klima, health conditions, pagbubuntis o breastfeeding. Pero kadalasang rekomendado ang mula 8 hanggang 10 na basong tubig (tinatayang 2 liters) kada araw sa kumportableng klima.
Don’t smoke
Ang paninigarilyo ay nagpapabagal ng daloy ng dugo sa kidneys. Kapag mabagal ang daloy, mababawasan ang function ng mga bato. It also increases the risk of kidney cancer to about 50 percent. Nakakataas din ito ng blood pressure, na maaaring makaapekto sa kidneys.
Don’t take over-the-counter painkiller pills regularly
Isang halimbawa ng ganitong gamot ang ibuprofen, na maaaring makasira ng bato kung madalas. Kung may kidney disease o decreased kidney function, kahit kaunting pag-inom ng tabletas ng painkiller ay maaaring magdulot ng panganib sa mga bato. Mainam na komunsulta sa doktor para tamang gamot at dosage.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGet your kidney function checked if you have one or more of the high risk factors
Kailangan ang regular checkup kung may diabetes, high blood pressure, obesity, o may lahi ng sakit sa pamilya. Kung meron kang isa o higit pa sa mga nabanggit na risk factors, mas mataas ang risk mo na magkaroon ng kidney disease. Malalaman ito sa blood test, tulad ng serum creatinine, urinalysis, at pagsukat ng albumin sa ihi, bilang bahagi ng gamot sa sakit sa bato.
Basahin dito ang sintomas ng mataas na creatinine at kung may kinalaman ito sa sakit sa bato.
What other parents are reading

- Shares
- Comments