embed embed2
5 Natural Na Inumin Bilang Gamot Sa Sakit Ng Tiyan Dahil Hindi Natunawan
PHOTO BY Unsplash/Julia Topp
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Minsan hindi napipigilang mapadami at mapabilis ang pag kain, lalo na kung malapit nang malipasan ng gutom. Ang nangyayari tuloy ay nai-impatso, kaya naghahanap na ng gamot sa sakit ng tiyan dahil hindi natunawan.

    Masakit ang tiyan kapag hindi natunawan

    Sinasabi ng mga Pinoy na hindi natunawan kapag nakakaranas ng indigestion, na tinatawag ding dyspepsia. Hindi talaga ito sakit o kondisyon, ayon sa Mayo Clinic. Bagkus ito ang tawag (general term) sa pananakit o discomfort na nararamdamn sa itaas na bahagi ng iyong tiyan.

    Nangyayari ang indigestion kapag kumain nang masyadong marami at mabilis, o di kaya ng pag kain ng hindi kasundo ng tiyan. Dahil diyan, nagkakaroon ng pananakit sa itaas ng bahagi ng tiyan. Puwedeng may kasama itong iba pang mga sintomas, gaya ng:

    • Pagkabundat ng tiyan
    • Pagkirot ng tiyan ng parang sinisilaban
    • Pagsinok ng madalas
    • Pakiramdam ng pagduduwal (nausea)

    Karaniwang "minor condition" ang indigestion, sabi ng mga eksperto, at inaasahang lumilipas pagkaraan ng ilang oras. Pero obserbahan pa rin ang sarili kung nakakaramdam ng pag-init sa dibdib na parang nasabuyan ito ng asido. Baka kasi umakyat na ang stomach acid pabalik sa esophagus, na nagsisilbing tubo sa pagitan ng lalamunan at tiyan.

    Tinatawag na heartburn ang pag-init ng dibdib, pero wala itong kinalaman sa puso. May hatid din itong paninikip ng lalamunan at hirap sa paghinga, pati na ang mapakla at maasim na panlasa. Sintomas ang heartburn ng esophageal o acid reflux. Kung madalas mangyari ang acid reflux, posibleng mayroon ka ng gastroesophageal reflux disease (GERD). Makukumpirma ito pagkatapos mong masuri ng doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamot sa sakit ng tiyan dahil hindi natunawan

    Maaaring subukan kaagad ang ilang home remedies nang bumuti ang pakiramdam:

    Uminom ng mainit na tubig

    May dahilan kung bakit mainit, hindi malamig, na tubig ang iniinom ng  mga nakakatanda pagkatapos kumain. Naniniwala kasi silang makakatulong ang mainit na tubig sa pagtunaw ng kinain, lalo na iyong masebo.

    Sang-ayon naman ang mga eksperto sa alternative medicine. Anila, nakakatulong din ang pag-inom ng mainit na tubig sa pagtunaw ng stomach acid nang maiwasan ang acid reflux.

    Uminom ng mainit na tsaa

    May parehong dahilan ang pagbibigay ng mainit na tsaa sa mga Chinese o di kaya Japanese restaurant. Tradisyon kasi sa mga ganoong bansa ang pag-inom ng mainit na tsaa bago, habang, at pagkatapos kumain. Nakakatulong daw ang ganitong gawain hindi lang para maiwasan ang indigestion pero nakakabawas pa ng timbang.

    Para sa hindi natunawan, suhestiyon ng mga eksperto sa alternative medicine na uminom ng mainit na tsaa ng luya (ginger tea), na tinatawag ding salabat. Isa kasi sa mga benepisyo ng luya sa katawan ang secretion ng iba-ibang digestive enzymes na siya namang bumabalanse sa stomach acid at pinapakalma ang stomach muscles. Sa ganitong paraan naiiwasan ang pag-asim ng tiyan.

    Kung walang ginger tea, puwede ang iba pang tsaa na herbal, puwera ang peppermint para sa mga taong may GERD. Napapa-relax daw ng peppermint ang sphincter, na matatagpuan sa pagitan ng tiyan at esophagus. Kaya nakakalusot ang stomach acid mula sa tiyan at umaakyat sa esophagus. (Basahin dito ang iba pang bawal na pagkain at inumin kung may GERD.)

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Uminom ng lemon water

    Bagamat maasim ang prutas na ito, may benepisyo ng lemon sa digestion. Paalala lang ng mga eksperto na pumiga lamang ng ilang lemon slices o di kaya ihalo ang mga ito sa mainit na tubig.

    Puwede rin sa mainit sa tsaa at lagyan din ng isang kutsaritang honey. Hindi lang sasarap ang lasa ng tsaa, pero malalasap din ang benepisyo ng honey sa katawan. Isa pang rekomendasyon ang paglalagay sa tsaa ng cinnamon (powder o bark) na may kaparis na benepisyo.

    Uminom ng baking soda solution

    Sa isang basong tubig, maglagay ng isang kutsaritang baking soda (at hindi baking powder). Haluan din ng ilang patak ng lemon juice bago inumin. Sinasabing kabilang sa mga benepisyo ng baking soda ang pagbalanse ng stomach acid at hangin sa tiyan.

    Uminom ng apple cider vinegar solution

    Subukan inumin ang kalahating tasa ng tubig na may halong isang kutsaritang apple cider vinegar kung wala kang GERD. Posible kasing kulang sa acid ang tiyan kaya nagkakaroon ng indigestion.

    Kahit alin man ang piliing inumin bilang gamot sa sakit ng tiyan dahil hindi natunawan, bilin ng mga eksperto na bigyan ng panahon ang pagbuti ng pakiramdam. Maaaring mahiga, pero magpatong muna ng ilang unan sa may likuran ng ulo nang tumaas ang bahagi ng dibdib at maiwasan ang acid reflux.

    Basahin dito ang mga halamang gamot na hindi dapat nawawala sa bahay.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles