-
Kailan Dapat Mabahala Sa Kalmot Ng Pusa: 6 Senyales Ng Cat Scratch Disease
Alamin din ang first aid para dito.by Jocelyn Valle .
- 23 Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bukod sa aso, ang pusa ang pinakapaboritong pets ng karamihan. Nitong mga nakaraang taon, tumataas pa lalo ang interes at pagkahilig sa pag-aalaga ng pusa. May mga dapat lang alamin, tulad ng kalmot ng pusa first aid, bilang tugon sa hindi magandang karanasan sa alaga.
Pag-iingat laban sa kalmot ng pusa
May mga pagkakataon na nagiging agresibo kahit na akala mo naglalaro lang kayo, at biglang nangangalmot ang pusa. Kaya mahalaga, bilang pet owner, na regular na dalhin ang alagang pusa sa veterinarian kahit wala itong malalang sakit.
Maging ikaw mismo na pet owner ay dapat na magpabakuna rin laban sa rabies, isang viral disease na naipapasa sa pamamagitan ng laway (saliva). Nangyayari ito kapag nakagat o nakalmot ng isang hayop na may ganyang sakit, at kadalasan na humahantong sa kamatayan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNararapat na bigyan ng bakuna o rabies vaccine ang mga pamilyang may alagang aso, ayon sa rabies fact sheet na nailathala sa Pediatric Society of the Philippines (PSP) website. Ang tawag dito ay pre-exposure prophylaxis at rekomendado ito lalo na sa mga bata dahil wala pa silang kamalayan sa panganib dulot ng kagat ng hayop.
Mga dapat gawin sa kalmot ng pusa
Kapag nagtamo ng kalmot ng pusa, lalo na sa hindi mo kakilala o iyong pusang gala, mainam na komunsulta sa doktor. Ito ang bilin ni Dr. Stephen Sayles III, isang emergency medicine physician sa Cleveland Clinic. Aniya, kailangan itong gawin sa loob ng walong oras para mabawasan ang panganib ng infection.
Sabi pa ni Dr. Sayles III, tumataas ang tyansa ng infection ng mga taong may diabetes o di kaya mahina ang immune system (immunocompromised). Baka kailangan nilang maturukan ng antibiotics at maospital pa. Posible kasing may taglay na bacteria ang nangalmot na pusa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBukod kasi sa rabies, may iba pang sakit na mula sa kalmot ng pusa. Ito ang tinatawag na cat scratch disease, isang bacterial infection na makukuha din kapag nakagat ng pusa o di kaya nadilaan nito ang sugat mo.
Mga senyales ng cat scratch disease
Sanhi ang cat scratch disease ng bacterium na Bartonella henselae, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDP). Nakukuha ng pusa ang bacterium mula sa mga pulgas at mga dumi nito.
Halos 40 precent daw ng mga pusa ay nakakasagap ng bacterium kahit minsan sa kanilang buhay. Kadalasang mga kuting na wala pang isang taong gulang ang nakakasagap ng bacterium at naipapasa sa tao. Sila kasi ang mas may hilig mangalmot at mangagat.
Kapag naipasa sa iyo ng pusa ang bacterium, ayon pa sa CDC, maaari kang magkaroon ng mild infection sa loob ng 3 hanggang 14 na araw pagkatapos makalmot ng infected na pusa at dumugo ang balat. Kaya bantayan daw ang ganitong mga sensyales:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Pamamaga ng kalmot ng pusa
- Pagkakaroon ng mapula, bilugan, at nakaangat na sugat mula sa kalmot
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagksakit ng ulo
- Pagkahapo
- Pamamaga at pagkirot ng mga kulani (lymph nodes) malapit sa parte ng katawan na nakalmot
First aid para sa kalmot ng pusa
Payo ni Dr. Sayles III na subukang matanggal ang bacteria mula sa kalmot ng pusa gamit ang tubig. Pagkatapos, hugasan ito gamit naman ang mild soap. Kung patuloy ang pagdudugo, punasan ito ng malinis na tela at pahiran ng antibiotic cream, na mabibili over-the-counter.
Pag dating naman sa doktor, lilinisin ulit ang sugat at papahiran ng antibiotic cream. Magrereseta raw ng antibiotics, tulad ng Augmentin, para malabanan ang infection. Sasabihan ka rin daw na kumuha ng tetanus vaccine kung wala ng bisa ang huli mong bakuna o knng hindi ka pa nakakatanggap nito kailanman. Depende sa laki ng sugat, maaaring tahiin ito kung hindi naagapan ng kalmot ng pusa first aid.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito para malaman naman kung anong gagawin kapag nakagat ng aso.
What other parents are reading

- 23 Shares
- Comments