;
embed embed2
Ito Ang Kulay Ng Ihi Ng Posibleng May Sakit Sa Bato
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Siguro may mga pagkakataong nagugulat o nagtataka ka kung bakit iba ang kulay ng iyong ihi. Hindi mo tuloy maiiwasan na mapaisip kung meron bang problema at mapatanong kung ano ang kulay ng ihi ng may sakit sa bato.

    Anong ibig sabihin ng kulay ng ihi?

    Ang ihi ay pinaghalong tubig, electrolytes (o minerals sa katawan na mayroong electric charge), at waste material na nasala ng bato (kidney) mula sa dugo. Kung kulay dilaw—mula malabnaw hanggang matingkad—masasabing malusog ka at sapat ang tubig sa iyong katawan.

    May paliwanag si Petar Bajic, MD, isang urologist, sa artikulo ng Cleveland Clinic tungkol sa mga karaniwang kulay ng ihi (urine color). Aniya, kapag hindi ka umiinom ng sapat na dami ng tubig, nagiging concentrated ang ihi kaya umiitim ang kulay nito (darker yellow o amber).

    Sabi ni Dr. Bajic, normal na magpabago-bago ang kulay ng ihi, basta madilaw pa rin ito. Pero huwag naman daw mabahala kaagad dahil baka meron ka lang nakain na hitik sa food coloring o di kaya iniinom na gamot na may artificial color. 

    Narito ang listahan ng mga karaniwang kulay at ano ang mga posibleng dahilan, ayon kay Dr. Bajic:

    Walang kulay (transparent)

    Maaaring nasobrahan ang pag-inom mo ng tubig o senyales pala ng sakit sa bato

    Dilaw na malabnaw (pale yellow) hanggang may kaitiman (dark yellow)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito ang inaasam na kulay. Dahil ito sa kulay (pigment) na urochrome

    Dilaw na mas maitim (amber) hanggang kulay honey

    Hindi sapat ang naiinom mong tubig kaya meron kang mild dehydration. Kailangan mo lang damihan ang iniinom mo para lumabnaw ang kulay ng ihi mo.

    Medyo brown na tila syrup

    Mas malala na ang dehydration o di kaya senyales na pala ng sakit sa atay (liver)

    Mapula (reddish)

    Maaaring may nakain ka na tulad ng beets at blueberries, o di kaya nahaluan ito ng dugo na sintomas na pala ng problema sa kalusugan.

    Orange

    Maaaring food dye ang sanhi o di kaya dehydration. Puwede ring sintomas ng problema sa liver o di kaya bile duct.

    Blue o green

    Maaaring nasobrahan sa food coloring ang pagkain o gamot mo. Puwede ring dahil sa bacteria o di kaya sa isang rare genetic disease.

    Malabo na tila maulap (cloudy)

    Maaaring dahil sa dehydration. Puwede ring senyales ng urinary tract infection (UTI) o di kaya kidney stones

    Mabula (foamy)

    Maaaring napapadalas at napapalakas ang pag-alog mo ng iniinuman. Puwede ring sintomas ng sakit sa bato.

    Paalala ni Dr. Bajic, na huwag balewalain kung kakaiba ang kulay ng ihi, lalo na kung may iba pang nararamdaman.

    Sakit sa bato

    Inilarawan ni Dr. Michelle Ozaeta-Alpuerto, isang nephrologist at internal medicine doctor, ang kulay ng ihi ng may sakit sa bato na tila tsaa pero mabula. Nagbigay din siya ng iba pang sakit sa bato sintomas at paliwanag kung paano malalaman kung may sakit sa kidney.

    Lahad ng doktora sa online talk na inorganisa ng Philippine Society of Nephrology (PSN) na chronic kidney disease (CKD) ang pangunahing sakit sa bato. Isa raw kada sampung adult sa buong mundo ang tinatamaanng CKD.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi pa ng fellow ng Philippine College of Physicians na ang CKD ay isang pangmatagalan at progresibong sakit ng bato, kung saan humihina ang paggana nito sa loob ng ilang buwan o taon. Nagu-ugat ito sa "abnormality of kidney function" na nangyayari sa loob ng higit sa tatlong buwan.

    Ibig sabihin, sabi ni Dr. Ozaeta-Alpuerto, may pinsala sa mga bato na siyang naglilimita sa kanila na gampanan ang trabaho, tulad ng pagsala ng mga dumi sa dugo. Dahil diyan, natatambak ang mga dumi sa katawan.

    Para malaman ang lagay ng kalusugan ng kidneys, maaari kang sumailalim sa glomerular filtration rate (GFR). Isa itong blood test na tumutukoy kung gaano kabuti o hindi ang pagtatrabaho ng mga bato sa katawan. Base sa resulta ng GFR test, makikita ang natitirang function ng kidneys at kung saan stage na ang pasyente:

    • Stage 1—90 o higit pa
    • Stage 2—sa pagitan ng 60 at 89
    • Stage 3A—sa pagitan ng 45 at 59
    • Stage 3B—sa pagitan ng 30 at 44
    • Stage 4—sa pagitan ng 15 at 29
    • Stage 5—mas kaunti sa 15

    Sakit sa bato sintomasSimula Stage 1 hanggang 3, sabi ni Dr. Ozaeta-Alpuerto, maaaring walang maramdamang sintomas (asymptomatic) o kaunting mga senyales lamang. Sinasalo kasi ng mga malulusog na nephrons, o iyong mga maliliit na bahagi ng kidneys, ang mga gawain ng mga napinsalang nephrons. Kaya tuloy pa rin ang pagsasala ng mga dumi mula sa dugo.

    Lahad pa ng doktora na may mga taong hindi nila nalalaman na may sakit sila sa bato hanggang lumala na ito at tuluyang lumabas ang kombinasyon ng mga sintomas ng kidney problem. Kadalasan daw na lumalabas ang mga sintomas pagtungtong ng Stage 4, kung saan meron ng malalang tama sa mga bato (severe kidney impairment), at sa Stage 5, na umaabot na sa hindi na paggana ng mga bato (kidney failure).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang sa mga sintomas ang mga sumusunod:

    • Pagkahilo na maaaring may kasamang pagduduwal (nausea)
    • Pagkawala ng ganang kumain na maaaring dahil sa nagi-iba ang panlasa
    • Pangangati ng balat ng walang dahilan, gaya ng rashes o kagat ng kulisap
    • Pananakit ng kalamnan (muscle cramps)
    • Pagkahapo (fatigue)
    • Paghirap sa pagtulog
    • Pagbaba ng dugo (anemia)
    • Pagkonti o pagdami, pati na pagdalas, ng pag-ihi, lalo na sa gabi
    • Pamamanas (swelling/edema) ng mga binti o di  kaya sa mga palibot ng mata at sa mukha dahil hindi na maganda ang regulasyon ng asin at kumokonti ang ihi
    • Pagkapos sa hininga
    • Pagbabago sa isip (mental state changes) dahil puwede ring makaapekto sa utak ang natambak na lason (toxins) sa dugo.

     

    Payo ng mga eksperto na maging alerto sa kulay ng ihi ng may sakit sa bato at komunsulta sa doktor nang maagapan ang paglala nito.

    Basahin dito ang gamot sa sakit sa bato.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles