Tagalog,rabies,rabies vaccine,rabies virus,kalmot ng pusa,greener,may rabies ba ang kalmot ng pusa,r08-judy,scr24,May Rabies Ba Ang Kalmot Ng Pusa | Smart Parenting,may rabies ba ang kalmot ng pusa, kalmot ng pusa, rabies, cat scratch, pet care,May rabies ba ang kalmot ng pusa ang tanong ng karamihan sa mga gustong mag-alaga.
HealthYour Health

May Rabies Ba Ang Kalmot Ng Pusa? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto

Isang "neglected disease" ang rabies, ayon sa DOH.
PHOTO BYShutterstock

Updated on January 22, 2024

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kapag nakikipaglaro sa alagang pusa, hindi maiiwasan na mangalmot ito. Malamang makakampante ka dahil alaga mo naman ito at kalmot lang naman ang natamo mo. Pero mapapaisip ka siguro kung may rabies ba ang kalmot ng pusa kung hindi mo ito alaga.

Oo, bukod sa kagat ng pusa o iba pang hayop, puwedeng magkuha ang rabies mula sa kalmot ng pusa o iba pang hayop.

May paliwanag ang mga eksperto ng Philippine Pediatric Society (PPS) sa isang fact sheet: “Bites and scratches by an animal’s paw can transmit rabies. The same is true for licks on open wounds and on mucous membranes such as the eyes, mouth, and genitals. Exposures on the head, face, and neck are especially dangerous.”

Sang-ayon diyan si Dr. Maricelle Licuanan Resurreccion, ang founder ng Philippine Pet Birth Control Center (PPBCC). Aniya sa isang news report, maaaring maipasa ng infected na pusa, aso, o iba pang hayop ang rabies virus kapag nilawayan nila ang kanilang mga kuko at saka nangalmot ng tao.

Mga dapat malaman tungkol sa rabies

Isang viral disease ang rabies. Nagkakaroon nito ang tao kapag nakagat ng aso, pusa, o iba pang hayop na infected ng virus. Puwede ring maipasa ito kapag nalawayan ng infected na hayop ang sariwang sugat ng tao.

Malaking problema ang rabies sa higit 150 na mga bansa at teritoryo sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Libo-libo raw ang namamatay mula sa rabies, partikular sa Asia at Africa. Halos 40% naman ng mga nakakagat ng aso, pusa, at iba pang hayop ay mga bata na wala pang 15 years old.

Sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH), tinuturing na "neglected disease" ang rabies. Ito raw kasi ay 100% nakakamatay (fatal) pero 100% din namang naiiwasan (preventable). Kaya layunin ng ahensiya na maging rabies-free ang bansa sa Taong 2022 sa pamamagitan ng kanilang Rabies Prevention and Control Program.

watch now

Payo ng mga eksperto na maging responsableng pet owner. Kailangan daw na regular na dalhin ang alagang pusa o di kaya aso sa veterinarian kahit wala itong malalang sakit. Maging ikaw mismo ay dapat na makatanggap ng rabies vaccine.

Anong dapat gawin kapag nakalmot ng pusa

Kapag nagtamo ng kalmot ng pusa, lalo na sa hindi mo kakilala o iyong pusang gala, mainam na komunsulta sa doktor. Ito ang bilin ni Dr. Stephen Sayles III, isang emergency medicine physician sa Cleveland Clinic. Aniya, kailangan itong gawin sa loob ng walong oras para mabawasan ang panganib ng infection.

Sabi pa ni Dr. Sayles III, tumataas ang tyansa ng infection ng mga taong may diabetes o di kaya mahina ang immune system (immunocompromised). Baka kailangan nilang maturukan ng antibiotics at maospital pa. Posible kasing may taglay na bacteria ang nangalmot na pusa.

Bukod sa rabies, may iba pang sakit na mula sa kalmot ng pusa. Ito ang tinatawag na cat scratch disease, isang bacterial infection na makukuha din kapag nakagat ng pusa o di kaya nadilaan nito ang sugat mo.

Payo ni Dr. Sayles III na gawin ang kalmot ng pusa first aid. Una, subukang matanggal ang bacteria mula sa kalmot ng pusa gamit ang tubig. Pagkatapos, hugasan ito gamit naman ang mild soap. Kung patuloy ang pagdudugo, punasan ito ng malinis na tela at pahiran ng antibiotic cream, na mabibili over-the-counter.

Pag dating naman sa doktor, lilinisin ulit ang sugat at papahiran ng antibiotic cream. Magrereseta raw ng antibiotics, tulad ng Augmentin, para malabanan ang infection. Sasabihan ka rin daw na kumuha ng tetanus vaccine kung wala ng bisa ang huli mong bakuna o knng hindi ka pa nakakatanggap nito kailanman.

Mainam din na maging bukas sa pagtatanong sa doktor kung may rabies ba ang kalmot ng pusa nang maliwanagan at makampante ang iyong kalooban.

Paano pag nakalmot ng pusa ang buntis

Ang pagkakaroon ng kalmot ng pusa habang buntis ay maaaring magdulot ng agam-agam sa ilang mga nagdadalang-tao. 

Bago magpaturok ng kahit anong vaccine at uminom ng gamot, kung mayroong kalmot ng pusa, mahalagang kumonsulta sa doktor lalo na sa OB-Gyne para sa kaukulang payo. Ang doktor ay maaaring magbigay ng karagdagang payo at magsagawa ng kaukulang pagsusuri kung kinakailangan.

May rabies ba ang kalmot ng pusa frequently asked questions  

1. Paano maiiwasan ang rabies ng may-ari ng pusa?

Ayon sa Department of Health, ang pinakamabisang hakbang para iwasan ang rabies ay ang regular na pagpapabakuna ng alagang pusa at aso. Dapat itong gawin kahit na ang hayop ay nakatira lamang sa loob ng bahay. Importante rin ang pag-iwas sa pakikipaglaban ng alagang hayop sa ibang mga hayop na maaaring may rabies.

2. Ano ang mga senyales ng rabies sa pusa?

Ayon sa World Health Organization, ang mga senyales ng rabies sa pusa o maging sa aso ay maaaring magtaglay ng pagbabago sa ugali, kakaibang pag-atake, pangangagat sa sariling katawan, at pagtataglay ng laway na hindi maaaring kontrolin. Kung mayroong ganitong senyales, dapat itong agad dalhin sa beterinaryo para sa pagsusuri.

3. Puwede bang maipasa ang rabies sa tao kahit walang kagat o kalmot ng hayop?

Ang rabies ay maaaring maipasa sa tao kahit walang direktang kagat o kalmot ng hayop, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC. Ito ay maaring mangyari sa pamamagitan ng laway ng hayop na makakapasok sa sugat o bukas na bahagi ng katawan, tulad ng mata, bibig, o genital area. Kaya't mahalaga ang agarang paglilinis at paghuhugas ng bahagi ng katawan na na-expose sa laway ng hayop.

4. May iba pa bang sakit na maaaring makuha mula sa hayop maliban sa rabies at cat scratch disease?

May iba pang sakit na maaaring makuha mula sa hayop, tulad ng leptospirosis, toxoplasmosis, at salmonella infection. Ang mga ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng direct na contact sa hayop, kanyang laway, o iba pang bodily fluids.

Basahin dito para malaman naman kung anong gagawin kapag nakagat ng aso.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close