-
Nakagat O Nakalmot Ng Pusa? Ito Ang 5 Bagay Na Dapat Agad Gawin
Pagdating sa rabies, ang mabilis na pagtugon dito ang panlaban sa virus.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments
.jpg)
Updated on August 31, 2023
Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi nakapagtatakang marami ang nawiwili sa mga alagang aso at pusa dahil sadyang malalambing ang mga ito. 'Yun nga lang, kung hindi bakunado laban sa iba’t ibang bacteria at infections, maaaring may dalang sakit na ikapapahamak mo kapag nakalmot o nakagat ka nila.
Bakit dapat mag-ingat mula sa mga kagat ng pusa?
Karamihan sa mga sakit na maaaring makuha sa ating mga alaga ay single-celled at wormlike parasites, at ang virus na rabies. Mahaba rin ang listahan ng mga karamdamang maaaring makuha sa mga aso at kagat ng pusa.
Anumang penetration sa balat gamit ang ngipin ay matatawag na bite exposure. Lahat ng kagat saanmang bahagi ng katawan ay maaaring makapagdulot ng pinsala at risk ng rabies transmission. Depende rin ito sa uri ng hayop na kumagat sa iyo, sa anatomic site ng kagat, at sa lalim at laki ng sugat. Kailangan ding matukoy kung ang kagat ba ay mula sa provoked o unprovoked attack.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaang mas may panganib kapag ang hayop na nakakagat sa iyo ay rabid.
Kung ikaw ay may alagang pusa o maraming pusang gala sa inyong lugar, tandaang maaari din silang makapagdala ng mga bacteria sa iyong katawan tulad ng staphylococcus aureus o pasteurella.
Ang staphylococcus aureus ay karaniwang nakikita sa balat ng mga tao at hayop at kumakalat ito, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Maaari mo itong makuha kapag hinawakan mo ang hayop na mayroon nito.
READ ALSO: May Rabies Ba Ang Kalmot Ng Pusa? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto
Paano malalaman kung rabid ang pusa?
Ang mga rabid na pusa ay maaaring magpakita ng pagbabago sa kanilang ugali at kahinahunan. Maaaring mangalmot, mag-angas, o maging labis na tahimik ang isang pusa na karaniwang aktibo at malambing. Kung may duda ka sa kondisyon ng pusa, huwag mag-atubiling kumonsulta sa isang beterinaryo.
Malalaman mo naman kung ang pusa ay agresibo kung nag-aangas ito at may pagkunot-noo. Iwasan ang mga galaw na maaring ma-trigger at ikagalit nito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAno ang dapat gawin kapag nakagat ng pusa?
Kung minsan, inaakala nating mas mapanganib ang kagat ng aso kaysa kagat ng pusa. Ngunit hindi rin dapat balewalain ito. Ayon sa bagong pag-aaral, maaaring magdulot ng malalang infections ang kagat ng pusa. Lalo na kung sa kamay ka nakagat.
Sa pag-aaral ng researchers mula sa Mayo Clinic, napag-alaman nilang ang matutulis na ngipin ng mga pusa ang nakapagdadala ng hard-to-treat bacteria sa ating balat at joints, na dahilan ng serious infections.
"Dogs' teeth are blunter, so they don't tend to penetrate as deeply and they tend to leave a larger wound after they bite," paliwanag ng study senior author na si Dr. Brian Carlsen, Mayo Clinic plastic surgeon at orthopedic hand surgeon. "Cats' teeth are sharp and can penetrate very deeply. They can seed bacteria in the joint and tendon sheaths."
("Mas mapurol ang ngipin ng aso, kaya hindi masyadong malalim pero mas malaki ang sugat na iniiwan ng kanilang kagat. Ang ngipin ng mga pusa ay matalas at tumatagos ng mas malalim. Pwede itong magdala ng bacteria sa joint at tendon sheats.")
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"It can be just a pinpoint bite mark that can cause a real problem," aniya, "because the bacteria get into the tendon sheath or into the joint where they can grow with relative protection from the blood and immune system."
("Kahit pinpoint bite mark lang ay nagdudulot ng malaking problema, dahil pumapasok ang bacteria sa tendon sheath o joint at maari itong lumaki habang pinoprotektahan ng ating dugo at immune system.")
“See a doctor within eight hours to cut your infection risk,” payo naman ng emergency medicine physician na si Stephen Sayles III, MD sa kaniyang panayam sa Cleveland Clinic. “You may need intravenous, or through the vein, antibiotics or, in some cases, you may even need to be hospitalized.”
("Kung ikaw ay nakagat ng pusa, kumunsulta sa doktor sa loob ng walong oras para mabawasan ang iyong infection risk. Posibleng kailanganin mo ng intravenous antibiotics o kaya'y maospital.")
Posibleng maging malala ang mga impeksyong ito lalo na sa mga taong may diabetes o sa mga immunocompromised.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“If you contract pasteurella bacteria after a cat bites or scratches you, initial signs of infection can appear in a few hours,” paliwanag ni Dr. Sayles. “Hands, joints and tendons are at greatest risk.”
("Kapag nainfect ka ng pasteurella bacteria matapos kang kalmutin o kagatin ng pusa, ang mga sintomas ng infection ay maaaring lumabas matapos ang ilang oras. Malaki ang risk na maapektuhan ang iyong mga kamay, joints, at tendons.")
Tandaan ang first-aid para sa kagat ng pusa:
- Hugasan nang mabuti ang bahaging may kagat ng pusa. Gumamit ng mild soap at tubig.
- Pigilan ang pagdurugo gamit ang malinis na tuwalya o tela.
- I-monitor ang bahaging nakagat kung ito ay namumula at namamaga.
- Magpahid ng over-the-counter antibiotic cream. Balutin sa sterile bandage ang sugat.
- Agad na kumunsulta sa doktor lalo na kung may puncture wounds. Magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Center sa inyong lugar.
“After you see your doctor, change the bandage several times a day,” dagdag ni Dr.Sayles.
“Cat wounds most often are left open to heal,” paliwanag ni Dr. Sayles. “This makes cleaning the wound easier for you and reduces infection risk.”ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW("Matapos magpatingin sa doktor, palitan ang bandage ilang beses sa isang araw. Ang mga sugat mula sa kagat ng pusa ay hinahayaang nakabukas para mas mapabilis ang paggaling. Mas madali rin nag paglinis nito at nababawasan ang risk of infection.")
Tandaang dapat na mabilis ang aksyon pagdating sa kagat ng pusa dahil sa panganib ng rabies.
Ano ang rabies at bakit ito delikado?
Virus na nakapipinsala sa ating central nervous system (CNS) ang rabies. Delikado talaga ito sa ating utak.
Maaari itong makuha mula sa mga hayop kapag tayo ay nakagat o nakalmot. Naipapasa rin kasi ang virus na ito sa pamamagitan ng laway ng hayop na nakapapasok sa katawan sa pamamagitan ng kagat. Pagdating sa rabies, ang mabilis na pagtugon dito ang panlaban sa virus.
Sa sandaling makagat ka ng pusang rabid, magsisimula nang kumalat ang virus sa nerves hanggang sa iyong utak. Pinakadelikado ang mga kagat at kalmot sa ulo, leeg, at kamay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag nasa utak na ang virus, mas mabilis itong nakapagpaparami na mauuwi sa pamamaga ng utak at spinal cord.
Kung lumala, posibleng maging sanhi ng kamatayan ang rabies. Ayon sa CDC Trusted Source, nasa 59,000 katao ang namamatay sa buong mundo taon-taon dahil sa rabies.
Ipinapayo na agad magpakunsolta sa doktor kung mapansing ang mga sumusunod na sintomas:
- Kapag hindi tumitigil ang pagdurugo pagkatapos ng labinlimang minuto ng pressure
- Kapag pakiramdam mo may pilay ka, broken bone, nerve damage, o serious injury
- May impeksyon at mga sintomas tulad ng pamumula, pamamaga, mainit ang balat, at may likido o pus na lumalabas sa kagat ng pusa
- Nilalagnat ka
- May diabetes ka o condition na nakapagpapahina sa iyong immune system (Kasama rito ang liver o lung disease, cancer, o AIDS)
- Ang huling tetanus vaccine mo ay noong nakaraang 5 taon o higit pa.
- Pusang gala ang nakakagat sa iyo o hindi na mahanap ang nakakagat sa iyo para ma-check ng doktor
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga dapat alalahanin bilang responsableng pet owner
Hindi man natin kontrolado ang kalagayan ng ibang mga pusa sa paligid, may responsibilidad ang mga pet owners upang hindi makaperwisyo ang kanilang alaga sa ibang tao.
Narito ang ilang payo upang maiwasan banta ng sakit mula sa kagat ng pusa:
- Sanayin ang alaga sa ibang tao. Makatutulong ito para hindi ito mangalmot at mangagat.
- Iwasang paghiwalayin ang mga pusang nag-aaway. Baka ikaw ang makagat.
- Huwag istorbohin ang mga alaga habang kumakain sila. Protective sila sa kanilang pagkain kaya posible silang maging agresibo kung ginawa ito.
- Siguraduhin ding nabakunahan ang mga alagang pusa, hindi lamang para sa iyo kundi para mas maging ligtas at malusog ito.
- I-report sa kinauukulan kung maraming mga pusang gala sa inyong lugar upang madala ang mga ito sa shelters at iba pa.
- Paalala rin sa mga magulang na huwag iiwang nag-iisa ang bata kasama ang alagang pusa.
- Bantayan nang mabuti ang mga alaga at kung magri-rescue, pabakunahan agad ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung may kagat ng pusa, obserbahan din ang health status ng alaga tulad ng abnormal behavior, signs of illness, at iba pa.
Paano maituturo sa mga bata ang tamang paraan ng pakikitungo sa mga hayop?
Sa pamamagitan ng mga kuwento, maaari mong maituro sa iyong mga anak ang tamang pagtrato at pagmamahal sa mga hayop tulad ng aso at pusa. Habang bata pa sila, magandang maituro na sa kanila na dapat maging maingat sa pakikitungo sa mga hayop nang sa gayon ay makaiwas rin sa mga aksidenteng tulad ng kagat o kalmot ng mga ito.
Kung may alagang hayop, basahin pa dito ang ilang payo upang maturuan ang anak na maging responsible pet owner.
Additional sources: American Veterinary Medical Association (AVMA), World Health Organization (WHO), National Institutes of Health (NIH)
https://www.smartparenting.com.ph/sakit-at-sintomas?ref=nav_v2

- Shares
- Comments