;
embed embed2
Hindi Namamana Ang Tuberculosis, Pero Naipapasa Ang Sakit Sa Ganitong Paraan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang tuberculosis o mas kilala sa tawag na TB ay naging bahagi na sa mga sakit ng mga Pilipino. Itinuturing nang endemic ang sakit na ito sa Pilipinas. Isa ito sa mga sanhi ng pagkamatay ng maraming Pilipino. Kaya mainam na malaman kung paano naipapasa ang sakit na tuberculosis.

    Mga dapat malaman tungkol kay sa TB

    Naitala ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas bilang nangungunang bansa sa rehiyon ng Kanlurang Pasipiko sa dami ng kasong naitatala na nagkakasakit ng TB. Naitinakda rin noon ang Agosto 19 na National Tuberculosis Day sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 840 serye ng 1996. Ito rin ang petsa ng kaarawan ng ating dating Pangulong Manuel Luis Quezon na namatay sa sakit sa tuberculosis noong 1944.

    Sa ilalim ng RA 10767 ang Comprehensive TB Elimination Plan Act ng 2016 nakasaad ang pagnanais na magkaroon ng maayos at malinaw na plano para sa layuning mawakasan ang pampublikong problema hinggil sa sakit na ito nang maging TB-free na ang Pilipinas.

    Naglunsad ng mga programang pambansa at panlokal ang pamahalaan maging ang mga pribadong sektor para makontrol ang patuloy na paglaganap nito. Sa katunayan, sa mga health center sa bawat lungsod, pampublikong hospital, at ilang mga pribadong hospital ay may nakatalagang center para sa TB DOTS (Directly-Observed Treatment Shortcourse) kung saan maaaring magpasuri, magpagamot, at makakuha rin ng libreng gamot ang sinumang magpositibo sa TB.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saan galing ang sakit na tuberculosis?

    Ayon sa Department of Health (DOH), isang uri ng sakit ang TB na dulot ng mikrobyong Mycobacterium na pangunahing nakaapekto sa baga at maaaring ding sa ibang bahagi ng katawan katulad ng buto, utak, bato, at atay.

    May dalawang uri ng TB:

    Latent TB Infection

    Sa ganitong uri ng TB, ang mikroboyo ay nasa baga. Pero dahil sa malakas ang resistensya ng tao, nakakain ang mikrobyo ng macrophage (isang uri ng white blood cell na nilalabanan ang iba’t ibang uri ng mikrobyo), kaya nagawang ikulong nito ang mikrobyo nang hindi dumarami.

    Wala itong sintomas at hindi nakahahawa pero kailangang gamutin dahil karamihan sa mga ganitong kalagayan ay posibleng maging Active TB Infection sa katagalan.  Lalo na pag nagkasakit ang isang taong mayroon nito at bumagsak ang kaniyang immune system.

    Active TB Infection

    Sa ganitong uri naman, nasa baga rin ang mikrobyo pero sa pagkakaroon ng mahinang immune system ng isang tao, hindi malabanan ng macrophage ang mikrobyo kaya nag-mumultiply ito at dumarami. May sintomas din ito at nakahahawa kaya mas higit na kailangan ang gamutan.

    Paano naipapasa ang sakit na tuberculosis

    Ang totoo, naipapasa ang sakit na ito ng isang tao sa kaniyang pag-ubo o pagbahing. Ibig sabihin ang TB ay isang airborne o  nasa hangin. Sumasama ang inilalabas niyang mikrobyo sa hangin kaya posibleng mahawa ang taong walang TB kapag nalanghap ang mikrobyo na dala ng sakit na ito.

    Kapag nagsalita o umubo ang taong may TB at hindi maayos ang ventilation (gaya ng walang bintana) sa silid, posibleng agad na mahawa ang sinumang na-expose sa may sakit nito. Nananitili sa hangin ang mikrobyo ng anim na oras. Kapag hindi ka naka-mask at nalanghap mo ang mikrobyo, tiyak na makapapasok sa baga mo ito at posible kung paano nakakahawa ang TB.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga maling paniniwala sa tuberculosis

    Paalala ng mga eksperto na maaaring tamaan ng TB ang anumang edad at kasarian. Wala itong pinipili. Subalit maraming maling paniniwala din sa sakit na ito kaya binibigyang-linaw ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Center for Disease Control (CDC) na walang katotohanan ang mga ito gaya ng:

    • Hindi ito namamana
    • Hindi ito nakukuha sa pagpapagod, pagpupuyat, o pagpapatuyo ng pawis sa likod
    • Hindi naipapasa sa paggamit ng kubyertos o baso ng taong may TB
    • Hindi ito nakukuha sa kagat ng lamok
    • Hindi rin naipapasa sa paggamit o paghawak ng damit o kumot ng taong may TB
    • Pakikipagkamay sa taong may TB

    Paano malalaman na may tuberculosis

    Walang sintomas ang Latent TB Infection, pero ang Active TB Infection ay mayroon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

    • Dalawang linggo nang inuubo (may plema man o wala) at higit pa
    • Pinagpapawisan sa gabi
    • Pagsakit ng dibdib at likod
    • Umuubo nang may dugo
    • May dugo sa plema
    • Walang ganang kumain
    • Nanghihina
    • Pagbaba ng timbang o pumapayat
    • Pagkakaroon ng lagnat

    Paano makukumpirma na may tuberculosis

    Para makatiyak ka kung ikaw ay may TB, may tinatawag na tuberculin skin test.  Bukod dito may tinatawag din na bacteriologically confirmed TB na nagpapasa ng sputum o plema. Kapag nagpositibo sa smear, culture o gene expert ito, ibig sabihin may nakitang mikrobyo rito.

    Sa clinically diagnosed TB naman ay nalalaman sa pamamagitan ng history at pag-alam sa mga sintomas na nararamdaman. Gayundin sa resulta ng X-ray at iba pang test.

    Paano maiiwasan ang tuberculosis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ng mga eksperto na gawin ang sumusunod para maiwasan na magkaroon ng sakit na ito:

    • Ugaliin ang proper hand washing
    • Magpalakas ng immune system

    Kung bibisita sa kamag-anak o kaibigan na may TB, makabubuting magsuot ng face mask gaya ng N95. Pero kung talagang mahina ang immune system, huwag na lang bumisita sa taong may TB at hintayin na lamang ang panahon na matapos niya ang gamutan at maging clear na siya sa sakit na ito.

    Paraan ng paggamot sa tuberculosis

    May kahabaan ang paggamot ng sakit na ito. Hindi baba sa anim na buwang tuloy-tuloy na gamutan. Nangangailangan ito ng matiyaga at tutok na gamutan. Hindi dapat na makaligtaan o magmintis sa pag-inom ng gamot sa bawat araw sa loob ng anim na buwan. Kapag nalilimutan ang pag-inom ng gamot, posible na umulit muli sa simula ang gamutan.

    Ayon sa mga eksperto, maaaring umabot sa pagiging drug resistant ag TB na magiging sanhi para mas tumagal ang gamutan o maging sanhi ng pagkamatay dahil sa paglala ng sitwasyon. Mahalagang tapusin din ang gamutan.

    Kapag hindi ito tinapos, hindi na magiging mabisa pa ang mga gamot na iniinom. Maaaring maging Multi-Drug Resistant (MDR) ang TB na mas malalang uri ng sakit na ito na mas mahirap gamutin. Mas mahaba ang gamutan na umaabot ng mula 18 hanggang 24 na buwan. Mas mahal din dahil mas maraming gamot na kailangang inumin.

    Tandaan na kapag natapos ang anim na buwang gamutan kailangang bumalik o mag-follow-up checkup sa doktor para ma-clear ka na at tiyak na gumaling na mula sa sakit na ito. May tinatawag na relapse TB kaya maaaring magka-TB ang isang taong nagkaroon na nito. Mahalaga rin na tandaan kung paano naipapasa ang sakit na tuberculosis nang hindi pa ito makahawa sa iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito kung paano mapo-protektahan ang mga bata laban sa pagkakaroon ng tuberculosis.

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    About TB

    https://ntp.doh.gov.ph/about-tb/

    https://www.officialgazette.gov.ph/2016/04/26/republic-act-no-10767/

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles