postpartum,Tagalog,postpartum hair loss,con-00370,sc23,Postpartum Hair Loss | Smart Parenting,Beauty, Hair Care, Hair Loss, Fashion & Style, postpartum hair loss, postnatal health problems, paglalagas ng buhok pagkapanganak, new moms, new moms health problems,May apat na paraan na puweding gawin para matugunan ang postpartum hair loss.
HealthYour Health

Paano Nalampasan Ng Mommy Na Ito Ang Postpartum Hair Loss: 4 Paraang Nakatulong Sa Kanya

Ano ang sanhi ng paglalagas ng buhok pagkapanganak?
PHOTO BYCanva

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

“Ay, bakit ba naglalagas ang buhok pagkatapos manganak?” “Naku, tutubo pa ba ulit ang buhok ko?” Ito ang ilan sa mga tanong na tumatakbo sa isip ko sa mga panahong nararanasan ko ang postpartum hair loss.

Isa nga sa mga naging worry ko noong nanganak ako ay ang sobrang paglalagas ng buhok. Halos ayaw ko na nga ang magsuklay ng buhok kasi natatakot ako sa dami ng buhok na sumasama sa pagsusuklay ko.

Hindi ko na din gustong tumingin sa salamin dahil sa nakikita kong tumataas ang hair line ko, at pakiramdam ko napapanot na ako. Manipis na nga ang buhok ko lalo pang nagninipis dahil sa paglalagas nito. Sabi nga nga asawa ko, kitang-kita na raw ang anit ko.

Ayon sa Cleaveland Clinic, ang postpartum hair loss ay ang labis na paglalagas ng buhok pagkaraan ng ilang buwan ng pagkapanganak. Nangyayari ito dahil sa pagbabago ng hormones na nararanasan ng ating katawan pagkatapos manganak.

Batay naman sa American Academy of Dermatology Association, tinatawag ang medikal na kondisyong ito na telogen effluvium, na nangyayari sa pagitan ng 1 hanggang 6 na buwan matapos manganak.

Sa kabilang banda, paliwanag ng mga eksperto na hindi naman pangmatagalan ang ganitong kalagayan. Panandalian lamang ang paglalagas ng buhok pagkapanganak, at babalik din ito sa normal na kondisyon pagkaraan nga ng ilang buwan. Gayunman, may ilang dapat gawin para mabawasan ang epekto ng paglalagas ng buhok at mapapataas o mapapanumbalik ang tiwala sa sarili at confidence.

Dapat malaman sa pagtubo ng buhok

Paliwanag ng Cleaveland Clinic, may hair cycle na pinagdaanan ang buhok. Tumutubo ang buhok mula sa maliliit na pores sa ating balat sa anit na tinawag na follicles tapos patuloy itong tumutubo at naglalagas.

watch now

May tatlong siklo ang pagtubo nang buhok na pauulit-ulit na pinagdadaan nito:

1. Anagen Phase

Ito ang panahon ng pagtubo ng buhok na tumatagal nang dalawa hanggang anim na taon.

2. Catagen Pahase

Ito ang maikli at transisyonal na bahagi na lumiit ang mga follicle ng buhok.

3. Telogen Phase

Ito naman ang panahon ng pagpapahinga ng pagtubo na tumatagal ng mga tatlong buwan. Pagkaraan, maglalabas ang follicle ng buhok at nahuhulog ang mga buhok.

Magkakaiba ang nararanasan ng mga mommy sa postpartum hair loss. May iba kasi na nagsisimula pagkaraan ng dalawang buwan pagkapanganak at habang tumatagal mas lumalala ito. Sa personal kong karanasan ay nagsimula ito pagkaraan ng tatlong buwan kong manganak at tumagal nang halos isang taon. (Basahin dito ang kuwento ng isa pang mommy). 

Pagdanas ng postpartum hair loss

Bahagi na ang hair loss sa mga pinagdadaanan ng mga bagong panganak, tulad ng postpartum ear problems, postnatal skin problems, at postpartum dental problems.  Ayon sa mga eksperto, nagpapahinga ang paglagas ng buhok sa panahon ng pagbubuntis kaya parang bumabawi ito pagkatapos manganak.

Gayundin naman, sa panahon ng pagbubuntis din kasi tumataas ang lebel ng estrogen at androgen na nagpapakintab, nagpapalago, at nagpapaganda ng pagtubo ng buhok.

Ang labis na estrogen ang nagpapatagal ng paghaba ng buhok na nagreresulta sa bawas ng paglalagas. Ito ang hormone na nagkokontrol sa hair cycle mula sa pagtubo at paglagas ng buhok.

Maraming buhok na nasa anagen phase ang pumupunta sa telogen dahil sa hormones. Pagkaraan ng ilang buwan, mararanasan ang paglalagas ng buhok. Karaniwan na nasa 100 hibla ng buhok kada araw ang nalalagas. Pero sa postpartum, doble ng bilang na ito o higit pa ang nalalagas kada araw. Subalit pakatapos ngang manganak ng mga mommy, bumaba ang lebel ng estrogen. Ito ang isa sa nagreresulta ng paglalagas o pagninipis ng buhok.

RELATED: The Best Way To Prevent Further Hair Loss and Thinning Hair Without Any Supplements

Dapat gawin para sa postpartum hair loss

Bagaman pangkaraniwan ang paglalagas ng buhok pagkapanganak, totoong nakaaapekto naman ito sa pagkakaroon ng confidence ng mga mommy at nagdudulot ng pangamba sa kanila. Kaya hindi dapat balewalain ang ganitong bagay dahil may epekto rin sa kalusugang mental.

May ilang maaaring hanapin at subuking mga pamamaraan kung paano mapapanumbalik ang sigla at mapatutubo muli ang buhok:

Magpagupit, paiklian ang buhok

Kung mas maikli ang buhok hindi rin magiging mabigat ang mga hibla na maaaring sanhi rin ng paglalagas. Subukin mo rin ang magpaikli ng buhok para wala ring hihilahin ang iyong baby kapag buhat mo siya o nagpapadede ka sa kaniya. Sa ganito ring paraan, hindi kakailanganin ang palagiang pagsusuklay ng buhok.

Gumamit ng suklay na malalaki ang espasyo

Makabubuti rin ang paggamit ng suklay na may malalaking ngipin o malalaki ang puwang kaysa sa brush para maiwasan ang pagkabuhol sa suklay at pagkahila ng buhok.

Gumamit ng mild shampoo

Mainam na gumamit ng organic shampoo at conditioner. Makatutulong din sa pagbawas ng paglalagas ang mga shampoo na sulfate-free at parabens-free, gaya ng ginagamit ng mga baby. I-apply lamang din ang conditioner sa mga dulo ng buhok at huwag isama ang anit.

Puwede ring subukan ang paglalagay sa buhok g coconut oil, lavender essential oil, argan oil, at castor oil. Nakatutulong ang mga ito sa pagdami ng pagtubo ng buhok. Isa pang maaaring subukin ay ang pagkiskis sa anit ng gugo at aloe vera plant. Ibabad ito ng ilang minuto bago maligo.

RELATED: Subok Ng Mga Moms! 10 Shampoos Para Sa Mga Nalalagas Ang Buhok Pagkapanganak

Iwasan muna ang pagpapa-rebond

Bagaman may mga gamot naman sa buhok, o hair treatment, na ligtas para sa mga breastfeeding mommy (basahin dito), mas mainam na iwasan na lang muna na ma-expose ang iyong anit o scalp sa mga kemikal na maaaring makapinsala nito na posibleng maging sanhi ng pagkakalbo. Gayundin ang paglalapat nang labis na init sa buhok  gamit ang blow dryer o styling iron ay  makapipinsala sa buhok.

Kung nasubukan mo ang alinman sa mga ito pero walang nangyayari at patuloy pa rin ang paglalagas nang iyong buhok at mas tumitindi pa sa pagtagal, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa  iyong doktor. May iba na nagrereseta ng post-natal vitamins na makatutulong sa postpartum hair loss.

Maaari ring magpatingin sa dermatologist para mabigyan ka ng tamang payo sa pangangalaga ng iyong buhok. May ibang doktor din na nagrereseta ng pag-inom ng vitamins na may biotin. Mas mahalaga ang pagkonsulta para makatiyak na ang gamot na iinumin ay ligtas para sa bagong panganak.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Do You Have Hair Loss or Hair Shedding

https://www.aad.org/public/diseases/hair-loss/insider/shedding

Hair Loss in New Moms

https://www.aad.org/public/diseases/hair-loss/insider/new-moms

Postpartum Hair Loss

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/23297-postpartum-hair-loss

---

Basahin dito ang iba pang postpartum health problems.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close