ears,ear infections,postpartum,greener,con-00370,postpartum ear problems,Postpartum Ear Problems | Smart Parenting,postpartum ear problems, sakit sa tenga, masakit ang tenga buntis, postpartum, masakit na tenga,Maraming pagbabago sa pangangatawan pagkatapos manganak, tulad ng sinasabing postpartum ear problems na sanhi ng pagkawala ng pandinig.
HealthYour Health

Pagkawala Ng Pandinig At Iba Pang Postpartum Ear Problems Na Dapat Mong Malaman

Kadalasang nagsisimula ang problema sa tenga habang buntis.
PHOTO BYfreepik/benzoix

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Maraming pagbabago ang nagaganap sa katawan ng isang buntis. Ayon sa isang artikulo sa National Center for Biotechnology Information (NCBI), maaaring makaranas ng problema sa tainga, ilong, at lalamunan ang isang buntis.

Sinasabing hindi naman delikado ang mga ito at nawawala rin pagkaraang manganak, pero may ilan na hindi o nagiging permanente tulad ng postpartum ear problems. Ang ganitong mga problema ay hindi pangkaraniwang idinadaing ng mga buntis pero posibleng maranasan ng ilang buntis.

Hindi rin maikakailang malaki ang naidudulot ng pagbubuntis na mga kakaibang pagbabagong pisiyolohikal sa katawan ng isang babae at ang ilan pa sa mga ito ay kadalasang may kinalaman sa pananakit ng ulo at sakit sa leeg.

Karaniwan sa naitatalang sakit na kaugnay nito ang pagkakaroon ng rhinitis, epistaxis, o lesions sa loob ng tenga. Mahalaga na maging pamilyar sa mga kondisyong kaakibat nito para malaman ang dapat gawin.

Ang problema sa pandinig

Batay sa artikulo sa NCBI, karaniwang sintomas sa pagbubuntis ang problema sa pandinig at pagkakaroon ng vertigo. Ang problema sa pandinig ay dahil sa Eustachian tube dysfunction, otosclerosis, at sensorineural hearing loss.

Sa ilang pag-aaral nararanasan ang pagkawala ng pandinig pagkatapos manganak dahil sa pagkakaroon ng ostoclerorsis. Isa itong genetic condition na may tumutubong hindi normal na buto sa gitnang tenga na nakaapekto sa pandinig. Ang ganitong kondisyon ay naitalang nangyayari dulot ng pagbubuntis.

Nagsasagawa ng surgical procedure para maaalis ang butong ito at mapabumbalik ang pandinig ng isang ina. Tinatawag na stapedectomy ang proseso kung saan pinapalitan ang naapektuhang buto sa gitnang tenga ng prosthetic wire na gawa sa titanium alloy.

Bukod pa sa otosclerosis, maaaring maranasan din ang tinnitus sa panahon pa lamang ng pagbubuntis. Bagaman hindi pangkaraniwang naidudulog ang problema  sa pandinig sa panahon ng pagbubuntis, may ilan talaga ang nakararanas nito. Kaya posibleng maapektuhan ang iyong pandinig habang nagbubuntis pa lamang.

watch now

Mararanasan ang kakaibang pakiramdam sa iyong tenga o mga sintomas ng pagkabingi. Ang pregnancy tinnitus ay nagdudulot din ng hirap sa pagdinig. Ang mga problema sa pandinig sa panahon ng pagbubuntis ay dumarating at nawawala rin sa bawat araw, minsan tumatagal din ng ilang oras o linggo.

Ayon sa mga pag-aaral, pangkariwang problema sa pagbubuntis ang tinnitus. May 1 sa 5 buntis ang nakararanas nito. Higit na nararanasan ito sa third trimester ng pagbubuntis marahil dahil na rin ang mga patuloy na pagbabago sa katawan ng buntis.

Samantala, ang biglaang pagkabingi naman na kondisyon ay tinatawag na sensorial hearing loss (SNHL). Ito ay nangyayari dahil sa pagkakaroon ng problema sa nerve sa loob ng tenga. Permanente ang ganitong kondisyon ngunit batay sa mga eksperto nangangailangan pa ng mga pag-aaral kung nangyayari talaga ito pagkapanganak.

Mga sanhi ng problema sa pandinig

Maaaring maranasan mo ang ilan sa mga sintomas ng ear problems na may kaugnayan sa problema sa pandinig sa panahon ng iyong pagbubuntis:

  • Pakiramdam na parang may naipong tubig sa loob ng iyong tenga
  • Parang may nakabara na nahihirapan kang makarinig
  • Palagiang pagdinig na parang may tumitibok o whoosing sound
  • Pakiramdam na may echo ng boses mo
  • May maririnig na buzzing o humming na tunog na mawawala rin

Mahalaga na ipagamot agad ang anumang mararanasang impeksyon sa tenga sa panahon ng pagbubuntis at maging pagkaraang manganak dahil maaaring magdulot ito ng panandaliang pagkabingi. Pero maaaring maging permanente kung lalala ang impeksyong maidudulot.

Mga sanhi ng problema sa pandinig

May ilang dahilan kung bakit nakakaranas ng ganitong kondisyon maging buntis o nanganak na, o postpartum ear problems:

Pagtaas ng dami ng dugo

Dumadami ng 50% ang dugo habang buntis. Ang pagtaas ng dami ay nagdudulot ng pagtaas naman ng blood pressure o pamamaga ng blood vessels na maaaring makaapekto sa gitnang tenga.

Pamamaga ng blood vessels

Maaaring magkaroon ng mataas na pressure sa blood vessels sa loob at palibot ng iyong tenga na nakaapekto sa fluid sa cochlea. Ang fluid na ito ay ang nagre-regulate ng electrical transmission sa pagitan ng iyong utak at tenga.

Kapag naapektuhan ito, magkakaproblema ang transmisyon ng electrical signs sa utak na magdudulot ng problema sa pandinig.

Pagtaas ng hormone levels

Ang pagtaas ng progesterone ay makakaapekto sa nerve cells sa palibot ng gitnang tenga na magdudulot ng tinnitus. Ang hormone na ito ay isa sa nagpapanatili ng malusog na pagbubuntis.

Pagbabago sa mineral levels

Ang pagtaas ng mineral level sa katawan ay posible ring maging salik na magdudulot ng pamamaga ng cochlea.

Iron deficiency anemia

Karaniwan sa mga buntis na makaranas ng iron deficiency anemia na umaabot sa 40% ang kaso. Iron ang nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kapag bumaba ito posibleng maapektuhan ang pandinig. Kailangan ng isang buntis ang 27 mg ng iron kada araw na mas doble ito kaysa kapag hindi buntis.

Pananakit ng ulo o pagkakaroon ng migrane

Nagpapataas ng stress sa isang buntis ang pananakit ng ulo at migrane. Kadalasang kakabit ng pananakit ng ulo at migrane ang pagkakaroon ng problema sa pandinig.

Pag-ipon ng tubig sa tenga

Makaapektuhan ang fluid sa cochlea na makagagambala sa transmisyon ng electrical signal sa tenga at sa utak.

Pagdami ng tutuli o ear wax

Makararanas ng pakiramdam na barado ang iyong tenga dahil sa pagprodyus ng maraming ear wax.

Mga dapat gawin kung nararanas ng pagkabingi

Mahirap magkaroon ng ganitong problema at nakadarama tayo ng panlulumo sa ganitong kondisyon. Kaya naman, agad na magpakonsulta sa doktor na eksperto sa mga sakit sa tenga, ilong, at lalamunan (ENT) para masuri ang pinagmumulan nito.

  • Ipaalam agad na nakararanas ka ng hirap sa pandinig
  • Magpahinga at mag-relaks din
  • Maglaaan ng iyong "quiet time"
  • Magpatingin agad sa espeyalista para agad na mapamahalaan ang mga nararanasan mong sintomas gaya sa postpartum ear problems

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

ENT Changes of Pregnancy and Its Management

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3918343/

How to Treat Swimmer’s Ear Naturally During Pregnancy

https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/pregnancy-concerns/treat-swimmers-ear-naturally-pregnancy/

4 Common Causes of Hearing Loss and Tinnitus During Pregnancy

https://hearstl.com/4-common-causes-hearing-loss-tinnitus-pregnancy/

---

Basahin dito para sa gamot sa sakit ng tenga at dito para sa sugat sa tenga.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close