Tagalog,greener,con-00370,stiff neck,sakit sa leeg,Sakit Sa Leeg | Smart Parenting,sakit sa leeg, stiff neck, masakit ang leeg, health issues, medical problems,Ang sakit sa leeg o stiff neck ang kadalasang resulta ng maling resulta ng maling posisyon sa pagtulog.
HealthYour Health

Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Kapag Sumakit Ang Leeg

Isa lang ang stiff neck sa dahilan ng pagsakit ng leeg.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Ang pag sakit sa leeg, gaya ng stiff neck, ay karaniwang nararanasan kapag mali ang posisyon ng ulo sa pagtulog. Kapag masakit ang leeg, nahihirapan kang igalaw ang iyong ulo, lumingon, yumuko, o tumingala man lang.

Sa ganitong kondisyon, ang kadalasang naapektuhan ay ang buto sa leeg, kalamnan, at litid. Kapag mas matindi ang sitwasyon, maaari itong umabot sa pananakit ng likod at balikat, pati na hanggang sa mga braso.

Nagiging sanhi rin ng pagsakit ng leeg ang mga hindi inaasahang aksidente na napupuwersa ang pagkilos ng leeg gaya ng biglaang paglingon o pagtama ng matigas na bagay sa leeg. Pero kanirawan nang sumasakit ang leeg dahil sa pangangawit o pagkakaroon ng muscle spam dulot nang hindi maayos na postura sa pag-upo at paghiga.

Sa kabilang banda, kadalasan na kapag may nararamdaman tayong ngalay o pananakit ng anumang bahagi ng katawan, bukod sa pag-inom ng pampaalis ng kirot, ginagawa rin natin ang paglalagay ng cold o hot compress sa bahaging apektado para bahagyang mawala ang sakit.

Sanhi ng sakit sa leeg

Ayon sa mga eksperto, ang mga karaniwang dahilan ng pagsakit ng leeg ay ang mga sumusunod:

  • Hindi maayos na posisyon ng leeg sa paghiga o pag sobrang taas o baba ng unan
  • Pagtulog nang nakaupo at nakayuko
  • Maling posisyon sa pag-upo
  • Maling postura habang nanonood, nagbabasa, o nagtatrabaho
  • Matagalan pagyuko ng ulo
  • Pagkakaroon ng injury
  • Pag-ipit ng mga ugat o problema sa nerve

Pag-iwas sa pagsakit ng leeg

May mga pamamaraan din naman para maiwasan ang pagsakit ng leeg gaya ng mga sumusunod, ayon pa rin sa mga eksperto:

  • Tiyakin na sa pagtulog ay kapantay ng iyong ulo ang iba pang bahagi ng katawan o maayos na nakalapat ang ulo at katawan sa higaan
  • Magkaroon ng maayos na higaan o kutson na hindi makapagdudulot ng ngalay sa leeg
  • Umupo nang maayos na tama ang posisyong ng mga balikar at kumilos o tumayo din paminsan-misan
  • Huwag iipit sa tenga at leeg ang cellphone kung may kausap, gamitin na lang ng speakerphone ng iyong telepono o kaya gumamit ng earphones
watch now

Mga dapat gawin

Makakatulong ang mga sumununod nang maibsan ang pananakit ng leeg:

1. Uminom ng gamot gaya ng paracetamol o pain reliver na mabibili over-the-counter para maibsan ang kirot.

2. Gumamit ng unan na makasusuporta sa leeg para maging maginhawa ang paghiga.

3. Maglapat ng heat o cold compress sa leeg upang makatulong na mairelaks ang leeg o pansamantalang mawala ang kirot. Para sa paglalagay ng cold compress, ibalot ang yelo sa bimpo o towel at ilagay sa leeg ng 5 minuto. Gawin ito ng 3 beses kada araw.

Samantala, sa hot compress, magbalot sa bimpo o towel ng mainit na buti na inilagay sa bote. Ilapat ito sa leeg nang 20 minuto at gawin din ng 2 hanggang 3 beses kada araw.

4. Subukin ang mga ehersisyo para sa leeg na makakaya lamang na maikilos ito.

5. Dahan-dahanan ding imasahe ang leeg. Maaaring gumamit din ng mga ointment sa pagmamasahe.

Mga hindi dapat gawin

Sa kabilang banda, iwasan naman ang mga sumusunod nang hindi sumakit ang leeg:

1. Huwag magsuot ng neck collar o support mas mabuti na nakakikilos ang iyong leeg maliban kung ipapayo ito sa iyong ng doktor.

2. Iwasang gumawa ng mga bagay na maaaring magpalala sa sitwasyong ng iyong leeg gaya ng pagbubuhat ng mabigat na bag sa iyong balikat.

Ang sakit sa leeg ay karaniwang tumatagal ng ilang linggo. Bagaman may ilang paraan na puwede kang gawin para maibsan ito, mas makabubuting magpatingin pa rin sa doktor lalo na kapag higit na tumitindi pa ang sakit na nararanasan.

Huwag basta ipagbawalang bahala ang mga ganitong kondisyong nangangailangan ng atensyong medikal dahil kapag lumala at napabayaan, posibleng humantong sa pagkaparalisa o magdulot ng iba pang problemang pangkalusugan.

Paalala ng mga eksperto na magpatingin din agad sa doktor kung hindi nawawala ang sakit ng leeg matapos ang ilang araw o hindi tumatalab ang anumang first aid o home remedy na sinubukan mo. Gayundin, kapag may iba pa ka pang sintomas na nararamdam na kasama nito.

Kuwento ng writer na ito ang minsang naranasan ang pagsakit ng leeg. Sinubukang uminom ng pain reliever pero walang epekto at tila hindi malaman kung saan galing sakit. Hirap na hirap matulog at humiga. Kaya agad na komunsulta sa doktor dahil may pagtaas na ng dugo.

Nagsagawa ng mga laboratory test at kinabitan din ng 24-hour ambulatory blood pressure monitoring. Saka pinayuhan ng doktor sa mga dapat gawin. Matapos noon nawala rin ang sakit ng leeg. Kaya hindi dapat ito ipagwalang bahala, mas mabuting makatiyak sa kung ano ang kaakibat ng nararamdamang sakit sa leeg.

Basahin dito ang tungkol sa bukol sa leeg.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close