postpartum,postpartum health,greener,con-00370,branch,postpartum dental problems,Postpartum Dental Problems | Smart Parenting,Health, Oral & Dental Care, dentist, postpartum dental problems, postpartum, postpartum care, sakit ng ngipin,Ang problema sa ngipin na nag-umpisa sa pagbubuntis ay maaaring tumuloy hanggang pagkapanganak, kaya mahalagang maiwasan ang postpartum dental problems.
HealthYour Health

6 Postpartum Dental Problems Na Maaaring Magsimula Habang Buntis: Anong Dapat Gawin?

Malaki ang kinalaman ng hormones.
PHOTO BYFreepik/cookie_studio

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Ang pangangalaga ng ngipin ay mahalaga sa panahon ng pagbubuntis at kahit pagkatapos manganak. Ito ay dahil malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng gum disease at cavities. (Basahin dito ang home remedy sa sakit ng ngipin ng buntis.)

Kung sa panahon ng pagbubuntis ay wala kang tamang pangangalaga sa iyong ngipin, maaaring pagkatapos mong manganak maranasan ang mga dental problem. Kaya bukod sa pagiging abala sa pag-aalaga ng baby, isa sa karaniwang kinakaharap din ng mga bagong panganak ang problema sa ngipin na nagdudulot ng matinding kirot, discomfort, at hirap sa pagkain.

Ang paggamot sa postpartum dental problems ay depende sa kung ano ang dahilan ng sakit gaya ng kawalan ng tamang pangangalaga sa ngipin, calcium deficiency, nutrisyon, o mga oral diseases.

Bakit nagkakaroon ng dental problems?

Malaking pagbabago sa pangangatawan ang idinudulot ng pagbubuntis. Isa na rito ang problema sa ngipin na kadalasan pagkapanganak pa nila napapansin o nararanasan ang mga sintomas.

Ito ay dahil sa:

1. Pagtaas ng lebel ng hormones gaya ng progesterone at estrongen.

Sumusuporta ang ganitong hormones sa paglaki ng baby na nakaapekto rin sa pagbabago ng mood, pagkapal ng buhok, at ang morning sickness nang buntis. Ang mga hormones na ito ay nagdudulot din ng pagbabago sa iyong oral health.

May mga patunay na ang mga hormones na ito ay nakaapekto sa kung paano ang katawan nagbibigay reaksiyon sa plaque ng ngipin.

2. Pagkakaroon ng calcium deficiency bunsod ng hormonal changes.

Nababawasan ang dami ng calcium sa katawan dahil sa naibabahagi mo ito sa iyong baby.

3. Gayundin naman, nagagamit ang immune system sa pagprotekta ng iyong baby at maaaring magbago sa kung paano nito nilalaban ang oral bacteria.

watch now

Ano-ano ang mga postpartum dental problems?

Gingivitis

Isa ito sa mga kadalasang postpartum dental problem. Sa panahon ng pagbubuntis, nararanasan ang gingivitis sa simula ng ikalawang trimester at mas tumitindi ang kondisyon pagdating ng ikawalong buwan ng pagbubuntis.

Kabilang sa mga sintomas ng gingivitis ay:

  • Pamamaga at pamumula ng gilagid
  • Pagiging sensitibo ng gilagid, kaya madali ring magdugo
  • Mabahong hininga
  • Paninigas ng gilagid

Karaniwan at mild na gum disease lamang ito pero kung mapapabayaan at hindi magagamot nang maayos maaaring magdulot nang mas seryosong gum disease na tinatawag na periodontitis at ang pagkawala ng ngipin.

Bukod sa gingivitis, ilan pa sa mga nararanasan ng mga babae ang mga sumusunod na problema:

Pagbabago sa gilagid

Nagkakaroon ng pamamaga sa mga galagid at parang namumula. Kasama sa sintomas nito ang paninigas ng galagid at pagdurugo pagkatapos magsepilyo. (Basahin dito kung may sugat sa gilagid.)

Cavities

Nangyayari ito kapag namumuo ang plaque na nagdudulot ng pinsala sa ngipin. Sa pagbubuntis, may posibilidad na maipasa ang bakteriya na nagdudulot ng cavities sa baby.

Pagkasira ng ngipin

Ito ang epekto ng pregnancy hormones sa tissue at buto ng mga ngipin na nagagawa nitong panandaliang mapalambot. Maraming kababaihan ang nakararanas ng pagkawala sa posisyon ng kanilang mga ngipin.

Pagkabulok ng ngipin

Dahil din sa pagsusuka o pagduduwal dulot ng morning sickness, ang stomach acid na napupunta sa mga ngipin ay mapanganib sa enamel ng ngipin. Maaaring maging sanhi rin ito ng mabahong hininga. (Basahin dito tungkol sa bulok na ngipin sa bagang.)

Pregnancy tumors

Tinawag itong pyogenic granuloma o mga bukol (lump) na nabubuo sa mga galagid. Noncancerous o benign ang ganitong tumors. Ito ay dulot ng labis na plaque. Maliit, mapula, at nakaumbok ito sa gilagid na madaling magdugo dahil sa maraming bilang ng blood vessel sa palibot. (Basahin dito para sa gamot sa bukol sa gums.)

Paano maiiwasan ang postpartum dental problems?

Para maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa ngipin pagkapanganak, mahalaga na mapanatili ang magandang oral health sa panahon ng pagbubuntis. Mahigpit din na ipinapayo rin ng mga ob-gyn na magpatingin sa dentista sa panahon ng pagbubuntis.  Tiyaking nasusunod din ang tamang oral habits gaya ng pagsesepilyo, paggamit ng floss, at mouthwash araw-araw.

Bukod sa pagsesepilyo araw-araw, mahalaga rin ang mga sumusunod:

1. Patuloy na pagbisita sa iyong dentista tuwing 6 na buwan para sa mga oral care. Mainam na magkapagpalinis ng ngipin.

2. Pagpili ng mga masusustansiyang pagkain para sa pagkakaroon ng tamang nutrisyon.

3. Pinakamabisa sa lahat ay ang pagpapanatili ng tamang oral care araw-araw:

  • Magsepilyo dalawang beses sa isang araw gamit ang toothpaste na may fluoride.
  • Mag-floss kahit isang beses sa isang araw.
  • Magmumog ng tubig na may baking soda kapag nagsuka.
  • Iwasan ang pagkain at pag-inom ng anumang may mataas sa sangkap ng asukal.
  • Uminom ng fluoridated water na nakatutulong sa pagpapatibay ng ngipin at nakapagpapabawas ng cavities o tooth decay.

Paano gagamutin ang dental problems?

Mahalagang malaman kung ano ang nararanasang postpartum dental problems at gaano katindi ang sintomas nito. Kung banayad lamang ang kirot, maaaring gawain ang ilang oral care para maibsan ang pananakit ng ngipin.

Maaaring sumubok din ng mga home remedy gaya ng:

  • Pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin
  • Pagkuskos o pagpasak ng bawang sa sumasakit na ngipin
  • Pagnguya ng dahon ng green tea

(Basahin dito para sa iba pang home remedy para sa sakit ng ngipin mula sa dentista.)

Pero kung matindi ang kirot at hindi magiging epektibo ang oral care, kailangan nang magpunta sa dentista para sa tamang gamutan.

Tandaan na huwag basta iinom ng gamot o maglalagay ng cream na walang preskripsyon ng doktor para sa postpartum dental problems. Puwede kasing magpalala ito sa iyong kondisyon at makaapekto sa iyong milk supply kung nagpapadede ka sa iyong baby.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Pregnancy and Oral Health

https://www.cdc.gov/oralhealth/publications/features/pregnancy-and-oral-health.html

Pregnancy and Oral Health

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy/pregnancy-and-oral-health

Oral Health Care During Pregnancy and Through the Lifespan

https://www.acog.org/clinical/clinical-guidance/committee-opinion/articles/2013/08/oral-health-care-during-pregnancy-and-through-the-lifespan

---

Basahin dito kung pwede bang magpabunot ng ngipin ang buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close