embed embed2
Panay Ang Sakit Ng Puson? Mga Posibleng Dahilan, Gamot, At Home Remedies
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa sanhi ng sakit sa puson o pelvic pain ang dysmenorrhea, kaya maraming kababaihan ang nakakaranas nito tuwing panahon ng kanilang regla o menstruation. Karaniwang nawawala ang pananakit ng puson sa paglipas ng panahon at sa pagtanda ng isang babae, ayon sa mga eksperto. Pero mainam na pagtutuunan ng pansin kung ano ang sakit sa puson, gamot para dito, at mga dapat iwasan.

    Nararamdaman ang pelvic pain sa ibabang bahagi ng iyong tiyan. Ang uri ng sakit sa parteng ito ng katawan ay magkakaiba:

    • Acute pelvic pain—biglaan at malalang pananakit ng puson
    • Chronic pelvic pain—tumatagal sa loob ng anim na buwan o higit pa at apektado ang maliit na bahaging nakapalibot sa iyong pelvis (lower tummy) o sa buong area nito.

    Mga sintomas

    Makararamdam ng sumusunod kung mayroong sakit sa puson:

    • Matalas na pananakit na nararamdaman nang biglaan
    • Sakit na dumarating paunti-unti ngunit hindi nawawala
    • Mabigat na pakiramdam, o may pressure sa puson
    • Twisted o knotted na pakiramdam sa puson
    • Cramping, throbbing pain o humihilab, na maaaring nawawala ngunit bumabalik din
    • Pananakit na nararamdaman habang nag-e-ehersisyo, nakikipagtalik, o umiihi

    Iba pang mga sanhi ng sakit sa puson

    Maraming mga sanhi ang pelvic pain. Posibleng magmula ang pananakit ng puson sa iyong digestive, reproductive o urinary system. Mayroon ding mula sa muscles at connective tissue (ligaments) sa mga istraktura ng pelvic floor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa dysmenorrhea, ayon sa Mayo Clinic, ang sakit sa puson na dulot ng female reproductive system ay maaaring mula sa mga medical conditions na ito:

    • Adenomyosis
    • Ectopic pregnancy (o iba pang pregnancy-related conditions)
    • Endometriosis
    • Miscarriage (bago ang ika-20 na linggo) o intrauterine fetal death
    • Mittelschmerz (ovulation pain)
    • Ovarian cancer
    • Ovarian cysts
    • Pelvic inflammatory disease (PID)
    • Uterine fibroids
    • Vulvodynia

    Maaari ring sintomas ang sakit sa puson ng sumusunod na mga karamdaman o medical conditions:

    • Diverticulitis
    • Fibromyalgia
    • Kidney stones
    • Colon cancer
    • Inguinal hernia
    • Crohn's disease
    • Intestinal obstruction
    • Past physical o sexual abuse
    • Pelvic floor muscle spasms
    • Urinary tract infections (UTIs)
    • Sexually transmitted infections (STIs)
    • Constipation o irritable bowel syndrome (IBS)
    • Irritation of nerves sa pelvis o balakang
    • Interstitial cystitis (tinatawag ding painful bladder syndrome)
    • Ulcerative colitis (a type of inflammatory bowel disease)

    Sa mga kalalakihan, ang pagsakit ng puson ay karaniwang dulot ng prostatitis.

    Karamihan sa mga sanhi ng pananakit ng puson ay hindi naman seryoso o malubha, ayon pa sa mga eksperto. May ilang kalagayang kailangan ng emergency treatment, tulad ng appendicitis at peritonitis.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Kailangang masuri ka na ng doktor kung: 

    • Mataas ang iyong lagnat
    • Hindi nawawala ang constipation o pagtatae
    • Hindi nawawala ang pananakit ng puson
    • Tatlong linggo nang bloated ang iyong pakiramdam
    • Nababawasan ka ng timbang kahit hindi ka naman nagda-diet o nage-ehersisyo
    • May dugo sa iyong ihi o dumi, o may kakaibang discharge o pagdurugo sa iyong ari
    • Malala ang sakit at mas tumitindi pa kapag nahahawakan mo ang areang sumasakit

    Diagnosis at treatment

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Malalaman ang sanhi ng sakit sa puson sa pamamagitan ng:

    • Blood tests
    • Pregnancy test
    • Urinalysis
    • Culture of cells mula sa cervix
    • Ultrasound
    • Computed tomography (CT or CT scan)
    • Magnetic resonance imaging (MRI)
    • Laparoscopy
    • X-ray
    • Colonoscopy
    • Sigmoidoscopy

    Makakatulong din ang iba pang mga impormasyong tungkol sa timing ng sakit at presensya ng iba pang mga sintomas na may kaugnayan sa pagkain, pagtulog, sexual activity, at mga gawain upang makapagbigay ng tamang diagnosis ang doktor.

    Pagdating sa sakit sa puson, gamot dito ay nakadepende sa sanhi ng sakit. Kabilang dito ang:

    • Antibiotics
    • Painkillers
    • Hormone treatments
    • Relaxation exercises
    • Surgery

    Rekomendado rin ng doktor ang pag-e-ehersisyo at pagpapamasahe. Idagdag pa ang sapat na pahinga, pag-iwas sa mga pagkaing maaalat, pag-iwas sa kape, paninigarilyo, at pag-inom ng alak. Makatutulong din ang paghilot sa tiyan at balakang. Kasama sa home remedies ang warm compress gamit ang heating pad o boteng may maligamgam o mainit na tubig. 

    Agad na magpatingin sa doktor kung hindi naiibsan ng mga nabanggit na gamot sa sakit sa puson ang sakit upang masuri ang iyong kondisyon. Maaari ding i-refer ka sa mga espesyalista at karagdagang tests kapag hindi pa rin matukoy ang sanhi ng pananakit ng puson.

    Tandaan na ang gamot na irereseta ng doktor ay batay rin sa sumusunod:

    • Pangkalahatang medical history
    • Estado o extent ng iyong kondisyon
    • Sanhi ng kondisyon
    • Tolerance para sa mga gamot, procedures o therapies
    • Mga inaasahang sintomas dulot ng kondisyon
    • Opinyon o preference ng pasyente

    Paalala ng mga eksperto na iwasan ang pagse-self-diagnose at agad na magpatingin sa doktor. Kung sa palagay mo, may posibilidad na magkaroon ka ng ectopic pregnancy, agad na komunsulta sa iyong doktor upang malaman ang iyong options. Makatutulong kung ma-check ang iyong  hormone levels o makapag-schedule ng maagang ultrasound upang makumpirmang normal ang iyong pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi makita ang pisikal na sanhi ng sakit sa puson, gamot ding maituturing ang cttounseling upang maka-cope sa chronic pain. Sa ibang mga kaso, nagrerekomenda rin ng multidisciplinary treatment gamit ang iba't ibang approaches, tulad ng nutritional modifications, environmental changes, physiotherapy, tulad ng mga ehersisyo para sa pelvic floor muscles, at pain management.

    Basahin dito para sa buntis na masakit ang puson at may spotting.

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles