Updated on October 30, 2023
Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bukod sa pagbubuntis, may ilan pang sanhi ng pamamanas ng paa. Maaaring simpleng senyales lang ito ng isang kondisyon, pero puwede rin namang seryosong sintomas na pala sa sakit. Kaya mainam na obserbahan muna ang sarili at saka magpatingin sa doktor.
Anong nangyayari kung may pamamanas ng paa?
Tinatawag sa medical term na edema ang pamamanas hindi lang ng paa bagkus ng iba pang parte ng katawan. Malimit ding apektado ang mga kamay, braso, binti, at bukung-bukong (ankle). Nangyayari ang pamamanas kapag natengga ang sobrang tubig (excess fluid) sa tissues ng katawan, ayon sa mga eksperto ng Mayo Clinic.
Mga palatandaan ng edema:
- Namamaga ang paa o iba pang parte ng katawan
- Lubog ang mga ugat
- Banat o makintab ang balat
- May nalilikhang dimple sa balat pagkatapos itong pisilin ng ilang segundo
- Hirap sa paglalakad
Mga sanhi ng pamamanas ng paa
Kadalasang nangyayari ang edema sa mga buntis (basahin dito). Kung hindi ka naman buntis, malamang dulot iyan ng iyong actvity o di kaya indikasyon ng iyong medical condition.
Matagal na pag-upo at pagtayo
Kung ang trabaho mo ay maghapong nakaupo sa harap ng computer, malamang mapansin mo na tila mas malaki na kasya sa dati ang mga paa mo at parang namamaga ang mga ito. Resulta raw iyan ng gravity, sabi ng mga eksperto ng Cleveland Clinic, kaya papunta ang direksyon ng tubig sa ibabang parte ng iyong katawan.
Mareremedyuhan kaagad ang pamamanas kung hihiga ka sa kama at itataas pahilig sa dingding ang mga paa sa loob ng 20 minutes. Kunin na rin ang pagkakataon na ipahinga ang mga mata mula sa pagbabad sa computer screen. Gawin ito kahit dalawang beses sa isang araw o di kaya bago matulog.
Ugaliin din na maglagay ng patungan ng mga paa habang nakaupo sa harap ng computer. Sa ganitong paraan, maipapahinga mo ang mga paa kahit nagtatrabaho. Sikapin mo rin na maya-maya ang pagtayo at mag-inat-inat.
Nasobrahan sa maalat na pagkain
Ang sodium na nagbibigay alat at lasa sa mga pagkain, lalo na ng potato o corn chips, ay nagdudulot ng water retention. Ito ang dahilan kung bakit may pamamanas sa katawan. Mainam na bawasan ang sodium sa iyong diet.
Nakakaranas ng premenstrual syndrome (PMS)
Isa ang pamamanas o bloating sa mga palatandaan ng mga kababaihan na parating na ang kanilang menstruation. Bagamat hindi ito talagang napipigilan, maaari naman itong mabawasan sa pamamagitan ng pag-iwas muna sa mga maaalat ng pagkain at inuming puno ng caffeine. (Basahin dito ang iba pang sintomas ng PMS.)
Bilang side effect ng iniinom na gamot
Kabilang sa mga uri ng gamot na nagdudulot ng pamamanas ang:
- High blood pressure medications
- Nonsteroidal anti-inflammatory drugs
- Steroid drugs
- Estrogens
- Diabetes medications na thiazolidinediones
Senyales ng seryosong sakit
Posibleng dahilan ng pamamanas ng paa ang ilang sakit, gaya ng:
- Congestive heart failure
- Cirrhosis
- Kidney disease
- Kidney damage
- Inadequate lymphatic system
(Basahin dito ang manas sa paa dahil sa diabetes.)
Payo ng mga eksperto na komunsulta kaagad sa doktor kung bukod sa pamamanas ng paa ay mayroon pa pang ibang iniindang karamdaman. Kabilang diyan ang pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, at pag-ubo.
Sabi nga ni Dr. James Ioli, ang chief of podiatry services sa Harvard-affiliated Brigham and Women's Hopital, "My approach is to consider potential problems in each of the body's systems, such as the heart and blood vessels, bones, and skin."
Paalala pa ni Dr. Ioli na kapag nagpatingin ka sa doktor, ibahagi mo ang lahat ng iyong nararamdaman at naoobserbahan. Alalahanin kung bigla na lang bang namaga ang mga paa o matagal na itong nangyayari, pati na kung isa o parehong paa ang apektado at may ibang kulay na. Malaking tulong ang pagsasabi mo para matukoy ng doktor ang sanhi ng pamamanas ng paa.
Frequently asked questions ukol sa pamamaga ng paa
1. Ano ang mga paraan para mabawasan ang pamamaga ng paa?
Maaaring gamitin ang mga sumusunod na paraan para mabawasan ang pamamaga ng paa:
Itaas ang mga Paa: Magpatong ng unan o maglagay ng mga unan sa ilalim ng paa habang natutulog o habang nakaupo. Ito ay makakatulong na maiwasan ang pag-ipon ng likido sa paa.
Paggamit ng Compression Stockings: Ang pagsusuot ng compression stockings o medyas ay maaaring magbigay ng suporta sa mga ugat at makatulong sa pagpapababa ng pamamaga.
Limitahan ang Sodium Intake: Iwasan ang pagkain na mataas sa sodium. Ang sobrang asin ay maaaring magdulot ng pag-ipon ng likido sa katawan.
Regular na Ehersisyo: Ang regular na ehersisyo tulad ng paglalakad ay makatulong sa pagpapababa ng pamamaga sa paa.
2. May mga natural na paraan ba para labanan ang edema?
Meron, subukan ang mga paraang ito:
Pag-inom ng Tubig: Hindi naman ito tila makatutulong sa una, ngunit ang pag-inom ng sapat na tubig ay maaaring makatulong sa katawan na mai-flush ang sobrang likido.
Pakainin ng Potassium-rich na Pagkain: Pagkain na mayaman sa potassium tulad ng saging at pinya ay makatutulong sa pag-regulate ng asin sa katawan.
Iwasan ang Matamis at Asin: Iwasan ang sobrang matamis at maalat na pagkain, dahil maaari itong magdulot ng pamamaga.
3. Kailan dapat kumonsulta sa doktor kapag may pamamaga ng paa?
Dapat kang mag-consult sa doktor kung:
- Ang pamamaga ay hindi nawawala sa loob ng ilang araw.
- May mga kaakibat na sintomas tulad ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, o ubo.
- Ang pamamaga ay mabilis na lumalala.
- May mga ibang karamdaman ka na nauugnay sa pamamaga.
4. Ano ang mga long-term effects ng pamamaga ng paa sa kalusugan?
Kung hindi ito maayos na naaagapan, maaaring magkaroon ng mga long-term na epekto ang pamamaga ng paa sa kalusugan. Maaaring magdulot ito ng mga problema tulad ng varicose veins, venous ulcers, at pagkakaroon ng mas mataas na panganib ng impeksiyon sa balat. Kaya't mahalaga na kumonsulta sa doktor at sumunod sa mga payo para maiwasan ang long-term na mga epekto nito.
Basahin dito ang tungkol sa manas sa mukha.