;
embed embed2
  • Pagsulpot Ng Pimples, Pagnipis Ng Buhok, At Iba Pang Hindi Inaasahang Sintomas Ng PCOS

    Higit sa normal ang male sex hormones level ng mga babaeng may polycystic ovary syndrome.
    by Anna G. Miranda .
Pagsulpot Ng Pimples, Pagnipis Ng Buhok, At Iba Pang Hindi Inaasahang Sintomas Ng PCOS
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang ibig sabihin ng “polycystic” ay “many cysts” o maraming cysts. Para sa mga ob-gyn, karaniwang disorder ang polycystic ovary syndrome (PCOS), ngunit maraming mga babae ang hindi nakakaalam na mayroon sila nito. May mga pagkakataong hindi na lang pala simpleng pimples o acne ang problema dahil sintomas din ng PCOS ang taghiyawat! 

    Hindi na bago sa pandinig ang iba pang mga sintomas ng PCOS. Kung tutuusin, hindi rin ito bagong tuklas na medical condition. Ang Italian physician na si Antonio Vallisneri ang unang naglarawan ng mga sintomas ng PCOS noong 1721. Sa isang pag-aaral, nasa 70% ng mga babaeng mayroong ganitong uri ng syndrome ang hindi na-diagnose nang maayos.

    Mga sintomas ng PCOS

    Maituturing itong syndrome, o grupo ng mga sintomas na nakakaapekto sa obaryo at ovulation. Pangunahing mga sintomas ng PCOS ang sumusunod:

    • Cysts sa ovaries
    • Irregular o skipped periods
    • Mataas na levels ng male hormones o androgens

    Ang cysts ang nagpo-produce ng male sex hormones, na normal ding mayroon sa babae sa kaunting kantidad. Ilan pa sa mga sintomas ng PCOS ang:

    • Very light periods
    • Taghiyawat o acne
    • Pagbigat ng timbang (paglaki ng tiyan)
    • Infertility o hirap sa pagbubuntis
    • Male-pattern baldness o pagnipis ng buhok
    • Maliliit na excess na balat sa leeg o kilikili (skin tags)
    • Excess hair growth (sa dibdib, tiyan, at likod) na tinatawag ding hirsutism
    • Maitim o di kaya makapal na skin patches sa likod ng leeg, sa kilikili, at sa ilalim ng suso
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag may PCOS ka, mayroong maliliit na fluid-filled sacs na tumutubo sa loob ng iyong ovaries. Kapansin-pansin din ang labis na pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan, acne outbreaks, at pagbigat ng timbang.

    Mga babaeng nasa hustong gulang upang mabuntis ang karaniwang mayroon nito. Dahil sa nasabing hormone problem, kadalasang hirap mag-ovulate ang mga may PCOS. Nangyayari naman ang ovulation kapag ang mature egg ay nailalabas mula sa obaryo. Naghihintay lamang itong ma-fertilize ng male sperm. Kapag walang nangyaring fertilization, lalabas lamang ito sa iyong katawan bilang regla o menstruation.

    May panganib ding magkaroon ng type 2 diabetes, high blood pressure (hypertension), heart problems, at endometrial cancer kaya nag-aalala rin ang mga nada-diagnose na may ganitong disorder. Naiuugnay rin bilang sanhi ng depresyon at anxiety dito, dahil na rin sa epekto ng mga sintomas ng PCOS.

    Mga sakit na posibleng naidudulot ng PCOS:

    • Diabetes—Halos kalahati ng mga babaeng may PCOS ay nagkakaroon ng type 2 diabetes sa edad 40
    • Gestational diabetes (diabetes habang nagdadalangtao)
    • Sakit sa puso
    • High cholesterol—Maaaring maapektuhan din ang puso, utak, at bato (kidneys)
    • High LDL (“bad”) cholesterol at low HDL (“good”) cholesterol
    • Sleep apnea
    • Stroke

    Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

    Tandaang sa ibang pagkakataon, may ibang mga babaeng walang cysts kahit may PCOS, at may ibang walang PCOS na nagkakaroon din naman ng cysts. Kung may iba pang mga sintomas ng PCOS, mainam pa ring sumangguni sa iyong doktor.

    Kasama ang acne, face and body hair growth, at pagbigat ng timbang sa mga itatanong at susuriin sa iyo ng doktor. Kung dumaranas ka ng mga nabanggit, posibleng ma-diagnose ka.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagsasagawa rin ng pelvic exam upang matukoy kung may problema sa iyong obaryo o ibang bahagi ng reproductive tract. May pagkamaselan ang prosesong ito ngunit kailangang makasiguro para sa sariling kalusugan.

    Ang blood tests naman ang nagpapakita kung mayroon kang mas mataas kaysa normal na levels ng male hormones. Titingnan din dito ang iyong cholesterol, insulin, at triglyceride levels upang makita kung mayroong risk ng iba pang kaugnay na medical conditions tulad ng sakit sa puso at diabetes.

    Gamit ang sound waves, nakatutulong ang ultrasound sa paghahanap ng abnormal follicles at iba pang problema sa iyong obaryo at matris. Makikita rin dito kung makapal na ang lining ng matris (endometrium).

    Ang treatment para sa PCOS ay batay sa iba’t ibang factors. Kasama rito ang edad, kung gaano kalala ang mga sintomas ng PCOS na nararamdaman, at ang iyong kabuuang kalusugan.

    Para sa mga babaeng nabawasan ang kumpiyansa sa sarili dahil sa mga pisikal na sintomas ng PCOS, may mga cosmetic treatments tulad ng electrolysis at laser hair removal na posibleng makatulong.

    Nakadepende rin ang treatment sa kung nais mong mabuntis o hindi. Mahalagang kumunsulta sa iyong ob-gyn tungkol dito. Hindi nagagamot ang PCOS, ngunit may mga lunas na nakababawas sa mga sintomas at maiiwasan din sa iba pang problema sa kalusugan.

    Kung nais mabuntis, may mga paraan para mabuntis ang may PCOS:

    Pagbabago sa diet at lifestyle

    Makatutulong ang pagpili sa masustansyang pagkain at regular na ehersisyo. May epekto rin ito sa paggamit ng iyong katawan ng insulin. Mapabababa ang iyong glucose levels at makatutulong din sa pag-ovulate.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Medikasyon para sa ovulation

    May mga gamot na nakatutulong sa obaryo para mag-produce ng mga itlog. Tandaan lamang na may risks ding kasama ang medications na ito, tulad ng multiple birth (twins o higit pa). Maaari ding maging sanhi ito ng hyperstimulation, na nagdudulot ng abdominal bloating at pananakit ng puson o pelvic pain.

    Kung wala sa iyong plano ang mabuntis, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang sumusunod:

    Birth control pills—Makatutulong ito sa pagkontrol sa menstrual cycles, lower androgen levels, at acne.

    Diabetes medication—Pinabababa nito ang insulin resistance sa PCOS, androgen levels. Napababagal din ang pagtubo ng buhok. Makapag-o-ovulate ka rin nang regular.

    Pagbabago sa diet at lifestyle

    Kung minsan, malinaw ang mga sintomas ng PCOS. May pagkakataong hindi rin ito agad na napapansin. 

    May ilang mga babae na isa o dalawa lang ang nararanasang sintomas. May iba ring makararamdam ng lahat ng sintomas ng PCOS. Malaking tulong kung agad na kukunsulta sa iyong ob-gyn upang makasiguro.

    Basahin dito ang mga posibleng dahilan ng malakas na regla.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles