embed embed2
  • Pinakadelikado Sa May Mahihinang Immune System Ang Cold Sores

    Alamin kung paano mapabilis ang paghilom ng mga sugat sa gilid ng labi.
    by Anna G. Miranda .
Pinakadelikado Sa May Mahihinang Immune System Ang Cold Sores
PHOTO BY Shutterstock/Domaskina
  • Paano kung magkaroon ka ng sugat sa gilid ng labi o cold sores? Alam mo na ba kung paano ito agad na mawawala?

    Siguradong hindi ka magiging komportable sa pagsasalita at sa pagnguya dahil mararamdaman mo ang kirot. Mayroong mga taong prone dito at may iba namang hindi nagkakaroon nito.

    Ano ba ang sugat sa gilid ng labi o cold sores?

    Ito ay masakit at namumulang blisters na karaniwang natatagpuan sa labi at sa paligid nito. Madalas na makikitang may pagsusugat at may mga pagkakataong nakikita rin ito sa ilong at mga pisngi. Tinatawag din itong fever blisters o herpes simplex labialis. 

    Sa simula, makararamdam ka ng kalamkam at para kang napapaso. Mayroon ding pangangati. Sa loob ng 12 hanggang 24 na oras, magkakaroon ng blisters.

    Nagiging mapula, namamaga, at masakit ang bahaging ito sa gilid ng labi. Puputok ang blisters at may lumalabas na fluid. Tatagal ito sa loob ng 2 hanggang 3 araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakaroon din ng peklat at scab sa sugat. Maaaring mag-crack ito o dumugo. Posible ring magkaroon ng mapula at namamagang gilagid, swollen glands sa leeg, lagnat, at muscle aches.

    Anu-ano ba ang mga sanhi nito? 

    Ang cold sores ay dulot ng herpes simplex virus type 1 (HSV-1). Maaari mo itong makuha mula sa balat o body fluids ng taong infected nito. Sinisira ng virus ang iyong balat habang dumarami ito o nagri-reproduce. Ito ang dahilan ng pamamaga na madalas, tumatagal sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

    Nasa 90% ng mga tao sa buong mundo ang maaaring dapuan ng HSV. Para sa iba, malala ang first outbreak at pagkatapos nito, madalang na lamang ang pagkakaroon nila ng infection. Sa iba, posibleng bumalik-balik ito kada buwan. 

    Ang HSV-1 ay nagtatago rin sa loob ng nerve cells. Hindi talaga ito nawawala sa iyong katawan sa oras na dapuan ka na ng virus. Nakakahawa ang HSV-1, lalo na kapag may sugat na o pamumula ng balat ang taong infected. Walang gamot sa cold sores.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Triggers

    • init ng araw
    • allergies
    • fatigue
    • lagnat
    • stress at anxiety
    • pagdating ng dalaw o regla
    • dental work o cosmetic surgery

    Sintomas

    • pamumula ng balat
    • blisters
    • may pangangati
    • burning sensation

    Risk factors

    Halos lahat ay at risk sa cold sores. Karamihan sa adults ay mayroong virus na ito kahit hindi pa nila nararanasan ang sintomas.

    Pinakadelikadong magkaroon ng cold sores ang mga may mahihinang immune system mula sa mga kalagayan at treatment tulad ng sumusunod: 

    • HIV/AIDS
    • atopic dermatitis (eczema)
    • cancer chemotherapy
    • anti-rejection drugs para sa organ transplants

    Mga komplikasyon

    Bukod sa sugat sa gilid ng labi, ang virus na sanhi ng cold sores ay maaaring magdulot ng problema sa ibang bahagi ng katawan tulad ng:

    Daliri at fingertips

    Ang HSV-1 at HSV-2 ay maaari ding kumalat sa ating mga daliri. Ang tawag dito ay herpes whitlow. 

    Sa mga batang may tendency na mag-thumbsuck, ang infection ay maaaring malipat mula sa bibig hanggang sa daliri.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga mata

    Posible ring magdulot ng eye infection ang virus. Puwede itong maging sanhi ng pagsusugat at injury sa mata, na maaaring magdulot ng vision problems o pagkawala ng paningin.

    Balat sa iba pang bahagi ng katawan

    Sa mga mayroong atopic dermatitis (eczema), posibleng kumalat sa buong katawan ang cold sores. Maaaring magkaroon ng medical emergency dahil dito. 

    Lunas sa sugat sa gilid ng labi

    Kahit walang gamot upang tuluyang mawala sa katawan ang virus, mayroong over-the-counter na gels at creams na maaaring makapagbigay ginhawa sa hapdi ng sugat sa gilid ng labi. 

    Maaari ding maibsan ang burning sensation sa pamamagitan ng warm o cold compress. Ilan pa sa home remedies ang pain relievers tulad ng acetaminophen at ibuprofen. Maaari ding gamitin ang cream painkillers na may benzocaine o lidocaine at treatments na may alcohol para matuyo ang blisters.

    May mga antiviral creams na nakatutulong din na mas mapabilis ang paghilom ng sugat tulad ng Acyclovir (Zovirax) at penciclovir (Denavir). Nariyan din ang Docosanol (Abreva) at pills tulad ng acyclovir (Sitavig, Zovirax), famciclovir (Famvir), o valacyclovir (Valtrex). Kailangan ng  prescription upang mabili ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan ng intravenous o IV kung malala na ang kondisyon: cidofovir (Vistide) o foscarnet (Foscavir) ang mga gamot na gagamitin para dito.

    Sa short-term treatment gamit ang antiviral drugs, kadalasang nasa isang linggo ang gamutan. Sa pangmatagalan, ilang buwan din ang pag-inom ng gamot o pag-a-apply ng creams upang mabawasan ang outbreak ng cold sores.

    Paano maiiwasan ang sugat sa gilid ng labi?

    Kailangang maging maingat. Sa mga nati-trigger ng init ng araw ang cold sores, malaking tulong ang paglalagay ng sunblock.

    Tandaan din na ang pinakakaraniwang paraan ng pagkalat ng virus ay ang paghalik at paghihiraman ng tuwalya, razors, toothbrush, kutsara, tinidor, at mga baso. Maaari pa ring makahawa sa pamamagitan ng laway kahit magaling na ang sugat.

    Ang oral sex ay maaari ding makapagdulot ng impeksyon sa genitals ng partner ng taong infected. Iwasan ang lahat ng nabanggit upang hindi magkaroon ng cold sores. 

    Basahin dito ang ilang pag-aaral na isinagawa tungkol sa cold sores. Alamin dito ang mga pwedeng gawin kapag nagkaroon nito ang iyong newborn.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

      1  of  2  NEXT

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close