-
Maaaring Magdugo Nang Husto Ang Sugat Sa Dila Ng Bata. 5 Bagay Na Dapat Gawin Agad
Sagana kasi sa blood supply sa parteng bibig.by Jocelyn Valle . Published Nov 29, 2021
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kung napalakas ang pagkagat ng bata sa kanyang dila, o di kaya aksidenteng may tumama sa parteng bibig, malamang dumugo ito nang husto. Hindi kailangang mag-panic kaagad basta alamin lang muna ang dapat gawin bilang gamot sa sugat sa dila.
Mga dapat gawin bilang gamot sa sugat sa labi
Sagana sa blood supply ang parteng bibig, sabi ni Dr. Ei Ye Mon, isang pediatrician, sa Cleveland Clinic, kaya maaaring magdugo nang husto kapag nagkaroon ng sugat. Pero kadalasang mabilis din ang paghilom ng sugat dahil na rin sa dami ng blood vessels. Kabilang diyan ang sugat sa dila, sugat sa gilid ng labi, at sugat sa gilagid.
Kaya payo ng mga eksperto ng American Academy of Pediatrics (AAP) na gawin agad ang first aid para sa anak:
- Sabihan ang bata na magmumog ng malamig na tubig sa loob ng ilang minuto para matanggal ang anumang dumi
- Siguraduhin na malinis ang iyong kamay, o di kaya magsuot ng medical gloves kung meron, bago suriin ang sugat sa dila
- Gamit ang malinis na tela o gasa (gauze o wound dressing), idiin ito sa sugat para tumigil ang pagdudugo
- Bigyan ng ice cube o popsicle ang bata na kanyang sisipsipin para maibsan ang kirot o kung meron ding pamamaga
- Suriin ang sugat kung bumubuti ito
Kadalasang kusang nahihilom ang sugat sa dila, sabi ng mga eksperto sa Kids Health, at bihirang kailanganin na tahiin. Puwera na lang daw kung may mga ganitong senyales:
- Bumubuka ang sugat
- Hindi tumitigil ang pagdudugo
- Nagdudulot ng grabeng kirot
- Hirap makahinga o di kaya lumulon ang bata
- Dulot ang sugat ng pinsala sa mukha o di kaya dental procedure
Mainam daw na ipatingin ang bata sa doktor, na siyang susuri kung kailangang tahiin ang sugat sa dila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPangangalaga sa dila
Ang dila ay binubuo ng muscles at nababalutan ito ng mucous membrane. Sa ibabaw ng likurang bahagi nito, may mga maliliit na umbok na tinatawag na papillae, ayon sa MedlinePlus information resource ng United States National Libray of Medicine.
Sa pagitan ng papillae, naroroon ang taste buds, na siya namang responsable sa panlasa. Tumutulong ang dila para makanguya at makalulon, pati na sa pagbigkas ng mga salita.
Bahagi rin ang dila ng oral health, sabi ni Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim, isang dentista na may klinika sa Marikina City. Aniya, "Ito ay dapat ding linisin sapagkat mayroon ding dumidikit na food debris dito."
Dagdag ni Dr. Calimlim, "May epekto ang kondisyon ng ating dila sa kalusugan ng ating nga ngipin dahil ito ay nagsisilbing ‘playground’ ng bacteria. Maaaring maipon dito ang bacteria at ma-infect ang ngipin."
Paliwanag pa niya, "Minsan nakakagat ang dila at nagdudulot ng pagsingaw. Ang pagsusugat din ng dila ay maaaring senyales ng ibang karamdaman. Mainam na magpunta sa dentista upang masuri ng maigi ang karamdaman."
CONTINUE READING BELOWwatch nowNagbigay ng iba pang dahilan si Dr. Daniel Allan, isang family physician sa Cleveland Clinic. Aniya, maaaring masugatan ang dila mula sa pag kain o di kaya pag-inom ng masyadong maiinit. Dagdag pa diyan ang teeth grinding o clenching, canker sore, at habang sumasailalim sa dental procedure.
Kapag nasugatan ang dila, malaki ang tyansang dumugo ito nang lubusan. Marami kasing blood supply sa parteng iyan ng katawan, sabi rin ng Health Direct ng Australian Department of Health. Kaya raw aakalain mong malalim ang sugat sa dila. Pero kung totoong malalim ang sugat, dapat daw itong ipatingin sa doktor para matahi.
Tinatawag ang malalim na sugat sa dila bilang tongue laceration, ayon naman sa medical article sa U.S. National Institues of Health (NIH). Kabilang sa sanhi ng tongue laceration ang seizures, self-harm, blunt force facial trauma, at oral trauma while intubated. Sa mga ganyang kaso, ang doktor ang magbibigay ng gamot sa sugat sa dila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito para sa gamot sa sugat sa labi at dito tungkol sa paunang lunas sa sugat.
What other parents are reading

- Shares
- Comments